[Honey]
“Please use this one.”
Inovertake ni Honey ang kamay ni Ali na may hawak na card at inabot ang kanya sa receptionist. She insisted in paying for their hotel rooms since siya naman ang dahilan kung bakit sila nandito ngayon. Pagkakuha sa kanilang keycards, umakyat na sila sa kanilang kwarto.
“Madel is my roommate. You'll stay with Leo,” pigil niya kay Ali na akmang papasok sa room niya.
Huminto ito at tinaasan siya ng kilay.
“Who said? It's you who will be with me in the room.”
“Hindi pwede,” giit niya rito. “Dalawa lang ang kwarto natin, alangan naman pagsamahin natin sina Leo at Madel?”
Dumako ang tingin niya sa dalawa na parehong namula sa sinabi niya.
“Then I'll get another room.”
Tumalikod ito at akmang babalik sa baba para kumuha ng isa pang kwarto ay maagap niya itong pinigilan. Ang kulit!
“You're not getting another room. Sige na please pumasok ka na d'yan. I'll just visit you later, okay?”
Ipinagtulakan niya si Ali at sapilitang pinapasok sa kabilang kwarto. Akala niya ay magmamatigas pa ito pero buti na lang ay pumayag ito pagkatapos niyang pangakuan na kakain sila sa labas. Kailangan pang suhulan!
Tawang-tawa si Madel pagpasok nila sa kanilang kwarto.
“Kaloka naman 'yang jowa-jowaan mo. Masyadong clingy, ha.”
“Ali is just like that.”
Sabay na hinagis nila ang mga gamit sa tabi at agad na humilata sila sa dalawang kama. Parehong napagod sila sa byahe at kailangan nilang makabawi ng lakas para sa gyerang kahaharapin. Nakatitig sila sa kisame nang makahulugang nilingon siya ni Madel.
“Ang gwapo ni Ali.”
“Alam ko.”
Humagikgik itong nag-side ng higa.
“Di ko inexpect na magkaka-lalake ka na lelebel sa kagwapuhan ni King Daryl. Gosh—Ali is so hot, girl! Kaya kahit alam kong bongga ang pagkabaliw mo ro'n sa ex mo, hindi ako magtataka na nagkagusto ka kay Ali.”
“Can you stop mentioning King Daryl? I'm over him.”
“True?!” Napaupo ito. “As in 100%?! Yung kahit makita mo siya ulit, hindi ka na iiyak?!”
“Yup.”
“Woaaah!” Mabagal itong napapalakpak sa kinauupuan. “Mukhang mas malala yata ang kamandag niyang si Ali, ah? Sabagay at least 'yan walang sabit. Iyong iyo, girl!”
“We're not in a relationship.”
“Yet,” Madel continued. “Nagkaaminan na nga kayong gusto niyo ang isa't-isa, so malamang doon na rin ang punta niyan! Pareho kayong single at saka manhid ka ba? Hindi mo ba ramdam sa mga kilos niya ang totoong nararamdaman niya sa 'yo? Kase ako ramdam na ramdam ko.”
“Feelingera ka kase. Assumera pa.”
“Hay nako ewan ko sa 'yo! Basta ako boto na 'ko d'yan kay Ali for you. Hihihi.” Kinikilig itong napahiga at ginulong-gulong ang sarili sa kama.
Tipid na ngumiti si Honey sa kawalan. Hindi naman siya manhid gaya ng sinasabi ni Madel. Malamang ramdam din niya sa mga kilos ni Ali ang nararamdaman nito para sa kanya. Pero sa ngayon, ayaw niya pa lang muna na ibigay ang isandaang porsyento niya sa kung anong meron sila. She wants an assurance this time and she's willing to wait for him to be ready for it.
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...