[Honey]
Napakamapaglaro talaga ng tadhana. Kung kelan mo minsan gustong magtino, saka ka nito parang niloloko. Ganoon din kapag kinokontra mo.
Hindi ba pwedeng umayon naman ito kahit minsan? Palagi na lang kasi itong tila nakasalungat sa kanya.
Alam ni Honey na hindi tama ang ginawa niyang pagpapakatanga kay King Daryl noon. Pero ano ba'ng magagawa niya? Mahal niya, e. As if kaya niyang kontrolin ang puso niya kung sino ang gugustuhin nito?
She gave everything she could until she's exhausted. Ibinigay niya ang lahat ng kaya niyang ibigay hanggang sa dumating sa punto na kinaya niya na lang tumanggap ng pagkatalo. Kahit pa ang salitang pagkatalo ang pinaka kinamumuhian niyang salita sa mundong ito.
Honey is a very competitive person and everybody around her know that. Simula pagkabata kahit sa isang simpleng larong pambata, hindi niya gustong natatalo siya. Honey is a fighter. She gives all her best to everything just to prove that she deserves a winning. Pero nagbago ang lahat ng iyon nang ang larong pinasok niya na... ay ang laro ng pag-ibig.
“H-How could you just sit there... and watch me make mistakes... when you knew... I was fucking married to the woman I love so much?”
Natakpan ng makakapal na luha ang mga mata ni Ali. Halos mabingi siya sa kabog ng kanyang dibdib.
Mula sa pagkakatitig sa kanya ay bumalik ang malamig na mga mata ni Ali kay Manang Lora. Nakabalandra pa rin ito sa sahig at namumutla ang buong mukha nito. She was as surprised as her.
“N-Nakakaalala ka na? K-Kelan pa?” Pinagsiklop nito ang nanginginig na mga kamay. Guilt was written all over her face.
“Mahalaga pa ba kung kelan? Bakit? Hanggang kelan niyo ba 'ko balak na lokohin?”
Nakaluhod si Manang Lora lumapit kay Ali at kulang na lang ay halikan nito ang sahig sa labis na pagmamakaawa.
“May dahilan anak kung bakit ko nagawa 'yon. Ayokong masaktan ka. Ayoko nang patuloy ka na magbulag-bulagan sa pagmamahal mo—”
“And who the fuck are you to decide for me?!” Itinulak nito si Manang Lora sabay sinipa ni Ali ang pinakamalapit na upuan. Napatalon siya sa gulat sa ginawa nito. “You know I can kill you for doing this, right? So why?! Why the fuck did you still fucking do it?!!”
Halos sirain ni Ali ang lahat ng gamit sa loob ng bahay sa sobrang galit. Nagdurugo na rin pati ang mga kamao nito dahil sa pagsuntok sa bawat bagay na mahawakan nito. Dumating sina Dan at Leo. Gulat na gulat ang mga ito sa dinatnang pangyayari.
Inawat ng mga ito si Ali ngunit maging sila ay hindi ito nagawang kontrolin. Nagpatuloy ito sa pagwawala habang isinisigaw ang mga panunumbat nito sa ginawang kasalanan ni Manang Lora.
Maagap na tumungo sa magkabilang tabi ni Manang Lora sina Leo at Dan. Lumuhod ang mga ito sa harapan ni Ali sabay iniyuko ang kanilang mga ulo.
“Handa naming tanggapin ang anumang kaparusahan mo, Boss!”
Tumigil si Ali sa pagwawala. Humahangos itong huminto habang nakahawak sa huling lamesang akma nitong wawasakin. Kitang kita ni Honey ang panginginig sa mga balikat ni Ali at hindi niya mapaniwalaan ang kanyang nakikita. The strong heartless beast she knew was now crying in front of them.
But he's crying for another woman.
“W-What was just happen??” gulat at wala sa sariling tanong niya habang nakatingin sa kawalan. Galit na iniwan sila ni Ali samantalang gustuhin niya man itong sundan ay ni hindi niya magawang makagalaw sa kanyang kinaroroonan.
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...