Chapter 6

1.8K 65 19
                                        

Honey

"Marunong ka bang maghiwa? Ikaw na d'yan sa mga gulay," utos ni Leo kay Honey dahil kasalukuyan nilang pinaghahati-hatian ang trabaho para sa kanyang housewarming party mamayang hapon.

"Is there any other tasks aside from that?" Nilibot niya ang tingin niya para maghanap ng ibang pwedeng magawa. Si Ali ay sinisimula na ang paghahanda ng ingredients para sa lulutuin nitong dish.

"Taga-hugas ng mga paglulutuan," sagot ni Leo.

"You want me to wash those huge cooking wares?!"

"Aba naman? Hiniram na nga lang namin mga 'to tapos balak mo pang ibalik nang hindi hinuhugasan? At saka sa dami ng gusto mong ipaluto, kulang na kulang pa 'tong mga kaserolang 'to!"

Napalunok siya at tila nagpapaawang tumingin kay Leo.

"But I haven't washed anything like that before...." bulong niya na kulang na lang ay siya lang ang makarinig. Napasapo ng noo nito si Leo.

"Mabuti pa ikaw na pumili ng kaya mong gawin."

"Ako na lang ang mag-document sa lahat!"

"Document??" naguguluhan nitong tanong.

"Video document! Bale ako na lang ang magti-take ng photos and videos from preparations until later sa mismong party!" Excited niyang inilabas ang cellphone at kumuha pa ng sample picture habang nagluluto si Ali.

"Alam mo?" Nakapikit na humugot ng isang malalim na paghinga si Leo. "Mabuti pa lumabas ka na muna at mamaya ka na magpakita sa mismong party. Habang abala kami ni Boss dito, utang na loob lumayo-layo ka at baka hindi kita matantsa ihagis kita pabalik ng Maynila."

Pigil ang pagtawa ni Ali habang inihahanda ang karne sa lulutuin. Turns out na wala palang maitutulong si Honey sa kanila dahil wala naman itong alam gawin sa kusina ni isa. Maliban na lang siguro sa pagkain.

Nagdadabog na ibinagsak ni Honey ang sarili sa gilid ng kama niya. Kahit naman doon siya umupo't maghintay ay makikita pa rin siya ng dalawa dahil mga gamit lang ang division ng kanyang bahay.

"Honey?" pagtawag sa kanya ni Ali. Kumalabog ng malakas ang dibdib niya at hindi niya alam kung bakit gano'n na lang ang epekto sa kanya ng pagtawag nito sa pangalan niya. Kahit kagabi, gan'tong-gan'to rin ang naramdaman niya sa unang beses na pagsambit nito sa pangalan niya.

"Y-Yes?" Agad na lumapit siya.

"Can you wash these outside?" tukoy nito sa mga hiniwang gulay.

"Y-Yeah sure." Huhugasan lang naman ang mga ito kaya kayang-kaya niya na. Kinuha niya ang maliit na plangganang pinaglagyan nito, pero saktong pagtalikod pa lang ay pinigilan siya ni Ali. "May nakalimutan ka pa?"

"Wear these." Kinuha nito ang kamay niya at saka sinuotan ng disposable plastic gloves. "May dagta 'yan, baka ma-irritate mga kamay mo." Napatitig siya sa seryosong mukha nito habang sinusuotan siya ng gloves.

Nakaawang ang mga labi niya habang pinagmamasdan kung gaano ka-perpekto ang bawat parte ng mukha ni Ali. His hazel eyes perfectly fitted everything about him; his character, face, and even the built of his body! Nakakatakot lang talagang titigan sa umpisa pero sa katagalan ay saka mo ma-a-appreciate ang umaapaw nitong kagwapuhan.

"Matunaw, dahan-dahan," tumatawang asar ni Leo na nakamasid pala sa kanila. Napatakbo tuloy siya ng mabilis palabas, yakap-yakap ang planggana.

Tinuruan siya ni Leo na maghugas ng mga pinaggamitan nilang mga pinggan at kaserola, habang si Ali ay matiyagang inexplain sa kanya ang bawat steps ng niluluto. Pinilit niyang matutunan ang mga ito kahit konti nang magkaroon naman siya ng ambag bukod sa ganda. Ala-una nang matapos sila sa lahat ng dish. Mag-aayos na lang sila ng mga niluto mamaya.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon