[Ali]
"Sino 'yong tumawag, Boss?"
Hindi niya sinagot si Dan pero madilim ang kanyang itsura na tumayo siya at iniabot dito ang phone.
"Locate its last call. You have 30 seconds."
"Putangina!" Napamura ito at halos madapa si Dan sa pagmamadali. Dahil kapag sinabi ni Ali na tatlumpung segundo lang, hindi ito maaaring lumampas roon.
Lumapit siya kay Leo at kinuha rito ang susi ng sasakyan.
"Saan ang punta mo, Boss?"
"Tumawag si Honey."
"Gabi na, ah? Nasa'n na naman ang babaeng 'yon?"
"Teka nga," sigaw na sabat ni Dan habang abala sa ginagawa. "Ang babaeng 'yon ba ang dahilan kaya kayo nandito sa Maynila?"
"Sino pa nga ba?" mahinang sagot ni Leo na mabilis nag-iwas nang samaan niya ng tingin.
"May hindi ba 'ko alam na dapat kong malaman?" makahulugang tanong ni Dan. Naniningkit ang mga mata nitong tumingin sa kanya.
Binalot sila ng katahimikan bago kuyom ang mga kamao ni Ali na sinabi ang totoong dahilan kay Dan. Normal lang naman sa kanila ang maging bukas sa iba't-ibang usapin. Subalit sa halip na matuwa si Dan sa pagiging tapat niya, tila may bahid ng hindi pagsang-ayon sa mga mata nito.
"You're in love with her."
"I'm not," mariing pagtanggi niya na tinawanan naman ni Dan.
"Lokohin mo sarili mo, pero 'wag ako, Boss." Hinagis nito sa kanya pabalik ang cellphone pagkatapos na ma-locate ang ipinahahanap. "Hindi ka mag-aaksaya ng oras sa babaeng walang halaga sa 'yo."
"Nasapul mo, Brad!" Tumatawang nakipag-fist bump dito si Leo at pareho niyang tinapunan ng masamang tingin ang dalawa.
Ali knew exactly what's happening to Honey. Hindi lang niya mapaniwalaan na magagawang ikulong ni Chairman Mendez ang sarili nitong anak para lang masunod ang gusto. Kaya pala kagabi pa siya naghihintay sa tawag nito at wala kahit text na nakarating sa kanya.
"Hindi ka pwedeng umalis mag-isa." Hinarangan ni Dan ang daanan niya.
"Get out of my way."
"Tama si Dan, Boss." Tumayo si Leo at tumabi kay Dan, "malamang hindi lang nag-iisa ang Jameson Ledesma na 'yon. Siguradong marami siyang tauhan na nakasunod sa kanya."
"I know, but I'll handle this alone." Umigting ang kanyang panga. "We can't be seen three together unless you want them to know which organization we're from."
Natahimik ang dalawa. Isinuot ni Ali ang itim na jacket at cap. May pagbabanta niyang tinignan sina Leo at Dan bago iniwan ang mga ito at lumabas ng condo. Mabilis at malalaki ang kanyang bawat hakbang papuntang parking. When he got into the car, he drove like a madman and took him only a few minutes to get to Honey's location.
Hindi maipaliwanag ang galit na nararamdaman niya sa mga oras na 'to sa pag-iisip na baka may nangyari ng masama sa babaeng 'yon. Subukan lang nila na hawakan ang kahit dulo ng daliri ni Honey, sisiguraduhin niyang mananagot ang mga ito.
He was about to get out of his car to check on her inside the bar, when suddenly he saw this guy dragging a woman in the parking. Napahinto siya sa pagbukas ng pinto nang mapagtanto kung sino ang babaeng hatak nito.
"Jameson Ledesma..."
Galit ang mga mata niyang pinanood ang lalaking ito na sapilitan pinapasok si Honey sa sasakyan. Dumako ang tingin niya sa kinalalagyan ng baril na nasa kanyang sasakya pero pinigilan niya ang sarili na kunin iyon. His hands were itching to get a hold of it, but he knew what will happen once he got his hands on it. Baka mapatay niya ang lalaking iyon sa isang kalabit lang.
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...