Chapter 53

1.5K 54 7
                                    

[Honey]

“The baby is very healthy, Mr. Sabella,” nakangiting wika ng doktora kay Ali pagkatapos  nitong i-check si Honey.

Simangot na tinignan ni Honey ang doktor. Bakit kailangan kay Ali nito iyon unang sabihin gayong siya ang kaharap? Tsk.

Kanina niya pa pansin ang mga panakaw na tingin ng doktor na ito kay Ali. Kung kausapin din nito si Ali ay parang matagal na silang magkakilala.

Are they friends? Classmates? Or... exes?

Honey looked at her from head to toe while the doctor just kept sneaking glimpses of Ali. Hindi na niya napigilang ikutan ito ng mata. Gosh—she hates women like her.

“May mga ibibigay lang akong vitamins kay Honey, but still, make sure that she won't be stressed para tuloy tuloy lang ang magandang lagay nilang dalawa.”

“Tapos na ba?” iritable niyang tanong. “Pagod na 'ko gusto ko nang umuwi.” Tumayo siya at nakasimangot na bumaling kay Ali.

“We'll go in a minute,” Ali answered.

Lumapit na naman dito 'yung doktora na ngiting ngiti.

“Can I talk to you shortly, Ismael?”

Ay wow? Ismael? First name basis? Hindi na niya napigilang pabagsak na bumuga ng hangin sa ere.

“Okay,” pagtugon naman ni Ali na lalong ikinainis niya. He gave her a look as if he was saying they'll have to leave her here while they talk outside.

What the hell? Anong kailangan nilang pag-usapan na kailangan pa nilang umalis na dalawa? Nakaawang ang bibig niya na pinapanood silang maglakad palabas ng clinic. Parang nag-crave yata siya bigla ng suntukan, ah.

Inis siyang tumayo at lumabas sa kabilang pinto. Lumabas siya ng ospital pero alam niyang nakasunod ang tauhan ni Ali sa kanya. Hindi niya na lang pinansin. Kahit naman sabihan niya itong 'wag siyang sundan ay hindi 'yon makikinig sa kanya.

Naglakad siya papunta sa silong ng isang malaking puno. Sa harap lang ito ng ospital at maraming mga nakatambay na mga pasyente sa mga bench. May mga naglalakad lakad dahil sariwa ang hangin, pero doon siya sa walang tao nagtungo.

Umupo siya sa bench na nasa lilim ng puno. Parang nawala bigla ang inis niya nang umihip ang preskong hangin at marahang dumampi ito sa balat niya. Napaka-sariwa. Pumikit siya para damhin ito.

Grabe. Kelan niya ba huling naramdaman ang gan'to klaseng katahimikan? May ingay sa paligid pero tama lang ito para makapag-relax pa rin siya. Parang katulad sa Makaslag.

Napadilat siya at napatitig sa asul na langit.

Kumusta na kaya sila roon? Si Buknoy kaya ay nakita na nila? Napabuntonghininga siya habang mahinang tinuktukan ang kanyang ulo. She already told herself not to think about them anymore pero lagi niya ‘yong nalilimutan.

Nanatili siyang nakatitig sa langit. Pinanood niya ang mga ibong naghahabulan sa ere.

“What are you thinking? Why did you just leave?”

Napalingon siya sa lalaking nagsalita. His face was impassive and he’s dangerously walking towards her.

Galit ba ito na umalis siya nang walang paalam? Or he’s just worried that something bad might happen to his child? Napayuko siya saglit sa kanyang tiyan bago muling ibinalik ang tingin niya sa langit.

“Anong gusto mong gawin ko? Hintayin kayong bumalik ng annoying na babaeng ‘yon?” Umikot ang mga mata niya at umismid. “I don’t like her to be my OB. Change her. I want a different doctor for my checkups.”

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon