Chapter 15

1.7K 49 16
                                        

Honey

“Bakit sobrang dami mong alam gawin? You're a guy, but you know how to cook too? I mean, it's a girl thing kase,” curious na tanong ni Honey habang nakapangalumbabang pinapanood si Ali na inihahanda ang mga sahog sa lulutuin. Nakatukod ang kanyang dalawang siko sa countertop sa tabi nito.

“How about you, then? Babae ka pero hindi ka marunong magluto. Babae ka ba talaga?”

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito.

“Didn't you prove that the other night? Or maybe you want to confirm again?”

“Shut up.”

“Hahahahaha. Pikon ka pala, Mr. Sabella.”

“Do you wanna eat real food or do you like the poisonous one you cooked?”

“Grabe ka naman maka-poisonous. Pero sabi ko nga tatahimik na 'ko.” She acted like she just zipped her mouth. “Pero can I ask you other question na lang? Promise matinong tanong 'to.”

Hindi siya sinagot ni Ali at nagpatuloy lang sa pagluluto na parang walang narinig. However, she still asked him the question she wanna ask.

“What's your ideal girl?”

“Yung hindi madaldal at marunong magluto,” mabilis nitong sagot at napangiwi siya nang wala man lang tumugma sa kanya. Nagmi-make face siyang nagpatuloy sa pagtatanong.

“Eh 'yung sobrang ganda, maputi, at makinis?”

“I don’t look at the outward appearance. Pero ayoko sa maputi.”

“What? Mas type mo 'yung morena gano'n?”

He nodded without hesitation. “Also, I value a woman's character better and I can say that you are the total opposite of my ideal.”

“Hoy! Feeling mo naman ikaw ang ideal man ko? You are the opposite of it as well!”

“Really...” Nginisian siya ni Ali na lalong ikinainis niya.

Since when did his face start to look this annoying? Ugh. Parang gusto niya itong abutin at lukutin ng husto sa mga kamay niya. Gwapo nga pero nakakainis tignan! Nagdadabog na pumunta na lang siya sa lamesa para hindi na makita ang pang-asar na mukha nito.

Pagkatapos nilang kumain, niligpit niya ang lamesa at hinugasan ang mga pinggan. Panay kasi ang parinig sa kanya ni Ali na baka sarili na lang daw nito ang swelduhan kung ito pa ang maglilinis sa pinagkainan nila.

“It's okay, Honey Love,” pag-comfort niya sa sarili habang nakapilantik na kinukuskos ng sabon ang mga pinggan. “Ang importante hindi siya nagalit sa kapalpakan mo kanina. You're still lucky,” patuloy na pag-kausap niya sa sarili.

“Stop talking to yourself, mukha kang baliw.”

“Just ignore me.” Nanlilisik niyang nilingon ito na nagsasalin ng tubig sa baso.

“How? You're inside my house.” Nilagay nito ang pinag-inumang baso sa mga hinuhugasan niya at tumalikod na ito. “Bilisan mo d'yan may meeting pa tayo.”

Halos mabasag ang mga hinugasan sa pagbagsak niya, pero mabuti na lang ay matibay ang mga ito. Nanlulumong pinagmasdan niya ang mga kamay na bahagyang kumulubot dahil sa pagkababad sa dishwashing liquid. Naalala niya kung gaano ka-precious ang mga bagay na hinahawakan lamang ng mga kamay niyang ito noon. Tapos ngayon ay pinanghuhugas lang niya ng pinggan sa bundok na 'to. This is such a punishment.

“Nandito na sina Kuya Ali at Ate Honey!” sigaw ni Buknoy pagkadating nila sa lugar na pag-mi-meetingan.

“Ang ingay mo,” pagtataray ni Honey sa bata at isa-isang binati sila ng mga taga rito. Excited ang lahat para sa pagpupulong dahil pag-uusapan nila ang tungkol sa sayawan.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon