Chapter 55

2K 61 9
                                        

Honey

"Mag-aaral po ako? Sa totoong eskwelahan??"

Nanlaki ang maliit at bilugan na mga mata ni Buknoy. Parang hindi ito makapaniwala sa balitang isiniwalat niya at tama nga siya, batid niya ang tuwa nito sa pagbabalik eskwela.

Umihip ang preskong hangin mula sa veranda na kinaroroonan nila. Lumipat siya sa upuan sa tabi ni Buknoy para guluhin ang may kahabaan ng buhok nito.

"Oo mag-aaral ka, at ang kuya Ali mo mismo ang maghahanap ng school na papasukan mo."

"School? Si Kuya Ali pa rin po ba ang magiging guro ko?"

"Hindi na pero makakaasa kang mababait ang mga teacher sa lilipatan mo. At saka marami kang batang makikilala roon. Mas marami kumpara sa mga kaklase mo sa Makaslag na sampung piraso lang."

She expected him to get more excited by what she said, pero lumamlam bigla ang mga mata nito. Yumuko ito para itago ang mukha, at ganoon na lamang ang gulat ni Honey sa mga patak ng luha nitong nahulog sa sahig.

"Umiiyak ka ba?? Hey! Why are you crying!"

Napatayo siya at pumunta sa harapan nito. Naglebel siya rito at dahan dahang iniangat ang mukha ni Buknoy. Lumambot ang mga mata niya nang makitang umiiyak nga ito.

"Namiss ko lang po sila roon, Ate Honey. Lalo sina Asheng at Emman. Nalulungkot ako na hindi ko na pala sila magiging kaklase."

"Buknoy...."

"Paano po pala sila nag-aaral ngayon doon sa Makaslag kung nandito kayo ni Kuya Ali?"

Hindi siya nakasagot. Paano nga ba? Hindi niya alam.

Napatingin sila sa hamba ng main door, kung saan lumabas si Ali. May konting basa pa ang buhok nito na mukhang katatapos lang mag-shower. Lalong na-depina ang mga maskuladong braso dahil sa suot black tank top at gray cargo pants.

Lumapit si Ali sa kanila, towering both of them.

"May mga magulang silang magtuturo sa kanila. Hindi mo sila kailangan alalahanin," malamig na sinabi nito kay Buknoy.

"Pero makikita ko pa naman po ulit sila, 'di ba?"

Ali just stared at him and gave him a silent response. However, she was quick to speak, so this kid won't think anything negative.

"Oo naman, babalik tayo kapag—"

But Ali was quick to cut her off too.

"Stop thinking about them. Kalimutan mo na sila at tutukan mo ang sarili mo."

"P-Po?"

Tinignan nito ng mataman si Buknoy.

"Kung gusto mong manatili rito, hindi pwedeng mahina ka. At kung iiyak ka lang ng ganyan, ibabalik kita sa pinanggalingan mo. Tandaan mo, kung gusto mong matuto sa buhay, wala dapat puwang ang ni katiting na lungkot d'yan."

Mahinang tinulak nito sa daliri ang dibdib ni Buknoy. Napatigil ang bata sa pag-iyak. His words were straight and on point.

Sinapian ba 'yon? Nagtataka tanong ni Honey sa isip. Nakaawang ang bibig niya na nakatingala kay Ali.

Pinunasan ni Buknoy ang mga pisngi gamit ang likod ng mga palad. Pinigilan nito ang pag-iyak. Mariing kinontrol ng bata ang bawat paghikbi dahil sa madilim na titig ng lalaking kaharap.

Tumalikod sa kanila si Ali at maagap na tumayo naman siya para sundan ito.

"Aren't you being too hard on the kid?"

"That's just right, if he wants to survive."

Diretso si Ali na nagtungo sa bar counter at kumuha ng baso. Hindi nito pinapansin ang mga panenermon niya, kaya para makuha ang atensyon, pikon na hinawi niya lahat ng makakapal na kurtina sa dalawang malaking bintana.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon