Chapter 54

1.4K 57 8
                                    

Honey

"Mukhang nag-enjoy yata 'yan, Boss? Ginabi kayo," may panunuksong ani Leo pagdating nila sa bahay.

"We had dinner before going home."

Nakangusong tumango tango si Leo. Blangkong tinignan naman ito ni Honey habang naglalakad at nang matapat siya rito, sinipa niya ito sa binti dahilan para mapaluhod si Leo.

"Ano'ng problema mo?!"

"Ikaw! Yang mukha mo!" Umamba ulit siyang sisipain si Leo kaya mabilis na umilag ito. "Sa susunod 'wag mong isalubong sa 'kin 'yang mukha mo, pwede ba?"

Huminto sa pagdaing si Leo at sa paghaplos sa binting tinamaan. Parang mas nasaktan yata ito sa narinig kaysa sa ginawa niyang pagsipa.

Nakakainis kasi! Alam naman nitong labag sa loob niyang pumunta sa workshop na iyon, aasaarin pa siya!

"Grabe ka talagang makapagsalita."

Pinigilan ni Honey ang kagatin ang kanyang labi. Wala siyang dapat ika-guilty! At saka... parang hindi naman gano'n ka-offending 'yung sinabi niya. Mas malala pa nga rito ang mga sagutan nila noon sa Makaslag.

Pumikit si Honey at huminga ng malalim. Bumaling siya kay Ali na nasa tabi niya na.

"Do you already know where Buknoy is?"

"Yes."

Umawang ang labi niya. Narinig niya ang mahinang pagsinghap ni Leo sa gilid na dahan dahang tumayo. Lumapit ito sa kanila ni Ali.

"Yung apo ba 'yan ni Lola Lusing, Boss?"

Tumango si Ali.

"Dan already has his location. He's the one working on it."

"Wait," sabat ni Honey. "Saan niyo siya nakita?

Ali looked at her sharply.

"On the street, he sells sampaguita."

"Ano? Tulad no'ng mga batang palaboy na nagtitinda sa daan?"

Alam niya ang tinutukoy nito dahil madalas siyang makakita ng mga bata sa lansangan kapag nagmamaneho siya sa Maynila.

"Yes. He's around the area. On roads exactly, selling to passing vehicles."

"I thought he had a relative who took care of him? Ano'ng nangyari? Does he still live with them?

Ayaw niya na sanang magpakita pa ng malalim na concern para kay Buknoy, pero hindi niya mapigilan. Nag-e-expect siya ng mas maayos na kalagayan nito since kapamilya naman ang kumupkop, pero mukhang nagkamali siya.

"He was just taken, not taken care of. His relatives were the ones who made him work. Perhaps because both husband and wife have vices."

"Eh bakit hindi niyo pa agad sinama kung alam niyo nang ganyan ang sitwasyon niya?!" Hindi niya na napigilan sumigaw. "Kailan niyo siya huling nakitang nagtitinda? Kinuha niyo na dapat siya!"

"We can't easily do that, Honey." Nag-igting ang mga panga ni Ali at tumapang ang mga mata nito. "He's being watched by the syndicate behind what he sells. And if we suddenly take him, he might be afraid of what might happen next. He's still a kid. He can't afford to witness violence."

Napapikit siya at sumandal sa pader na nasa likuran. Tama si Ali. Masyadong bata pa ang kutong lupa na 'yon para makasaksi ng karahasan. Pero masyadong bata rin ito para maranasan ang kahayupan ng mga sindikatong may hawak dito.

Parang mawawalan ng lakas ang mga tuhod kaya maagap na dumalo sa kanya si Ali. He was quick to put his hands on her shoulders to keep her from falling completely.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon