[Honey]
"Pinasok tayo ng mga armadong sibilyan, Sir. Nasa sampu ang bilang nila. Hindi pa namin makumpirma kung mga tao sila ng Mendez Security Group."
Tumalas bigla ang pandinig ni Honey sa narinig. Palihim siyang sumulyap kay Jameson at sa tauhang lumapit dito.
Tama ba ang narinig niya? Pinasok sila ng mga armadong sibilyan? Bakit naman nito paghihinalaan ang MSG?
Napaatras siya mula sa pinagtataguang pader nang akmang lilingon si Jameson sa gawi niya. Dalawang oras pa lang ang nakalilipas mula kaninang makaalis sina Leo at Madelle. Naiwan siya rito bilang kapalit ng kalayaan ng dalawa. Hindi naman siya ikinulong o iginapos ni Jameson, pero malabong makatakas siya sa dami ng mga tauhan nitong nakabantay sa buong rest house.
"Pinasok tayo nang kumpleto kayo rito?" tanong ni Jameson sa kausap. Narinig niya pati ang mga marahang paghakbang nito. "Kung ganoon ay ano'ng silbi niyo kung pinasok pala tayo nang walang kahirap-hirap? Mga inutil!!"
Napaigtad si Honey sa lakas ng pagsigaw nito. Napatakip siya ng magkabilang tainga pagkarinig sa paghambalos ni Jameson ng kung ano roon sa kausap. She heard the guy scream and she couldn't help but tremble in fear with what might just happened near her.
"Anong nangyayari dito?"
It's her father's voice.
Maingat siyang sumilip ulit sa kanila sa kabila ng panginginig. Nakita niya ang ama na lumapit kay Jameson sabay bumaba ang tingin niya sa kaninang lalaki na kausap nito. Napatakip si Honey ng bibig sa nakitang duguan bulto ng lalaki sa sahig. Baliw talaga ang Ledesmang ito!!
"Sigurado ka bang wala kang kinalaman dito?"
"Pinaghihinalaan mo ba 'ko?"
Napabuga ng hangin si Honey sa pag-uusap ng dalawa. Siguro naman ngayon ay alam na ng kanyang ama ang tunay na kulay ni Jameson? See how he treats him? Malayong malayo sa kung papaano nito inilarawan sa kanya ang baliw—
Someone suddenly covered her mouth.
"Hmmppp!!"
Shit!
"Sshh... it's me."
Tumigil siya sa pagpupumiglas pagkarinig sa boses nito. Lumuwag ang kamay nitong tumakip sa bibig niya. Dahan-dahang nilingon niya ito at laking gulat niya pagkakita kay Ali.
"B-Bakit ka nandito?"
"Let's get out of here first, then we'll talk later."
Hindi niya alam kung papaanong bigla na lang naglaho ang mga tauhan ni Jameson sa paligid habang tumatakas sila. Basta ang alam niya, nakalabas siya kasama si Ali sa kanilang rest house nang walang hirap.
Ipinasok siya ni Ali sa sasakyan at tinanaw nito ang pinanggalingan nila na parang may chi-ni-check.
"Paano ka nakapasok sa loob? Paano mo nalusutan 'yong mga tauhan ni Jameson?"
"Just pure luck," anito sabay binuhay ang makina ng sasakyan.
Kunot noo si Honey na nagpabalik-balik ng tingin kay Ali at sa pinanggalingan nila. Nanlaki ang mga mata niya nang may makita ang mga lalaki na tumatakbo palabas ng rest house.
"Sila 'yong mga pumasok na tinutukoy ni Jameson! Those armed civilians!" Bumaling siya kay Ali. "Baka dahil sa kanila kaya ka nakapasok nang hindi nahuhuli! Wow—what a great timing."
Sinulyapan siya ni Ali. "Yeah... really a great timing."
He started driving.
"Pero paano mo nalaman kung nasaan ako?? Nakita mo na ba sina Madel at Leo? Kinausap ka ba nila? How are they??"
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
Fiction généraleAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...