Chapter 49

2.3K 71 39
                                        

[Honey]

“Sino’ng kausap mo?”

Maagap na napalingon si Honey sa lalaking nagsalita sa kanyang likuran. Nakita niya si Jameson na nakatayo sa tapat ng pinto at malamig ang mga titig nito sa kanya.

Napalunok siya nang dumako ang mga mata nito sa kamay niya. Sa kamay niya na may hawak na cellphone. Nabitawan niya ito at bumagsak sa sahig.

“J-Jameson—aaahh!”

Malakas siyang sinampal nito. Hindi pa ito nakuntento sa ginawa at marahas na hinawakan siya nito sa pisngi pagkatapos.

“Sino’ng kausap mo?”

“W-Wala.”

“Sinungaling!” Galit nitong binitawan ang pisngi niya at sa lakas nito ay muntik na tumapon siya sa pader.

Lumapit ulit ito sa kanya at sa pagkakataong ito, buhok niya na ang marahas nitong hinatak.

“J-Jameson, please... tama na...”

“Tatakas ka? Sino’ng tinawagan mo para hingan ng tulong? Ito ba ang plano mo sa kabila ng pagiging mabait ko sa ‘yo?! Ano pa ba’ng kulang?! Ano pa ba’ng gusto mo?!”

“I want my freedom back!!!”’

“Freedom? Kulang pa ba ang kalayaan mo na binibigay ko sa ‘yo, ha?!”

“It wasn’t the freedom I want! I want freedom from this hellish place!”

Ngumisi ito ng nakakaloko.

“Well then I’m sorry, you’re never gonna get that.”

Walang pakundangan siyang kinaladkad ni Jameson at tinapon sa gilid ng kama. Tinawagan nito ang isa sa mga tauhan para utusang itali siya.

“Crazy fucking bastard!!”

Kung may pagkakataon lang siyang patayain ang lalaking ito ay marahil ginawa niya na. Nanlilisik ang mga mata ni Honey na sinundan ito ng tingin palebel sa kanya sa sahig. Marahan na tinalunton ng mga daliri ng nakangising si Jameson ang gilid ng kanyang mukha.

“Ganyan ako kabaliw sa ‘yo, Honey. Kaya kapag tumakas ka ay lalo akong mababaliw. Hindi ko alam kung ano’ng magagawa ko pero sigurado akong hindi mo magugustuhan,” anito na may halong pagbabanta.

Tumawa ito ng nakakakilabot. Nagsitayuan ang mga balahibo sa braso ni Honey.

He’s creeping the hell out of her!

“Kaya mo ‘ko itatali rito? Pakawalan mo ‘ko!”

Jameson nodded.

“If that's what it takes for you to stay with me... kaya kitang itali rito habangbuhay.”

Mala-demonyo ito muling tumawa at tumayo. Humila ito ng upuan at pumwesto muli sa harap niya. He pushed her forehead lightly with his index finger.

“...Masyado na siguro akong nagiging mabait sa ‘yo kaya ka na naman nagkakaganyan, mahal ko.”

Nagpanting ang tenga ni Honey sa huling sinabi nito. She wanted to freaking punch his mouth! Pero hindi pwedeng ngayon pa siya magpatalo sa demonyong ito. She has to control this monster bago pa dumating si Ali.

“Kalagin mo ‘ko rito.”

“Para ano? Tulungan kang tumakas?”

“Baka nakakalimutan mong buntis ako?!”

This is the only weapon she has left. Ito na lang ang natitirang paraan na alam niya upang magkontrol si Jameson. Subalit tila maging ito ay wala ng silbi sa lalaking ito.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon