Ali
"You didn't say again you were coming."
"Naku, maaabala lang kayo! Kabisado ko naman ang pauwi rito," nakangiting sagot ni Manang Lora.
Pagdating pa lang kanina ay nagsimula na agad itong gumawa ng mga gawaing bahay na animo'y hindi galing sa mahabang byahe.
"Take a rest first. Did you just come here to do my chores?"
Nakangiting ipinagpatuloy nito ang pagsusuot ng apron.
"Hindi naman. Ikaw talagang bata ka. Hindi lang ako sanay na hindi kumikilos sa bahay." Natatawa ito habang inihahanda ang mga gulay na hihiwain. "Magpapahinga ako pagkatapos ko rito sa pagluluto ng hapunan. Tiyak gutom na rin 'yong si Leo mamaya pagdating."
Mapilit talaga si Manang Lora pagdating sa paggawa ng mga gawaing bahay, kaya hinayaan niya na ito. Habang patungo sa sofa, naalala niya bigla si Honey. Sana pala ay hindi niya na muna ito iniuwi para nakakain muna ng luto ni Manang Lora. Siguradong kung anu-ano na naman ang kakainin ng babaeng 'yon dahil hindi naman marunong sa kusina.
Unconsciously, he sent her a text.
'Have you eaten dinner yet?'
Nakatitig siya sa screen ng phone niya pagkasend sa text. Ilang saglit ay tumunog ito and she replied, 'hindi na bukas na lang.'
Kunot noo siyang nag-type ulit ng text. 'You're skipping dinner?'
'Wow, concern ka ba? Is that the effect of what we did earlier? Haha. Cutie.'
'Forget about the dinner. Bye.'
Pikon niyang pinindot ang send button at saka hinagis ang cellphone sa kabilang sofa. Kailangan ba nitong ipaalala sa kanya ang ginawa nila kanina? Ayos lang naman sa kanya dahil lalake siya, pero kababae nitong tao hindi man lang naiilang sa kanya. Ibang klase talaga.
Ilang sandali pa ay nag-ring ang phone niya. Mabilis na bumangon siya para kunin ang cellphone na inihagis kanina.
"What?"
[Pikon ka talaga. Bakit ka ba kase nagtatanong? Nagluto ka ba?]
"Not me."
[Eh sino? Si Leo? Naku baka lasunin lang ako n'on.]
"Not him either. May dumating akong bisita, siya ang nagluto."
[Sinong bisita?]
"Ang dami mong tanong."
[Babae ba?]
"Yes."
Natahimik bigla si Honey sa kabilang linya at nagkaroon ng nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"Tell me straight if you want food or not para madalhan kita habang maaga."
[Wag na. Madilim na sa daan baka maaksidente ka pa.]
Nag-iba bigla ang tono ng boses nito.
"So, you're not hungry?"
[Hindi nga. Sige na baba ko na, antok na 'ko. See you tom and your girl visitor.]
Pinutol agad nito ang tawag bago pa siya makasagot na matanda ang bisita niya. Ano'ng problema n'on? Bakit parang tunog galit ito sa kanya? May nasabi kaya siyang mali?
Humiga siya sa sofa habang hinihintay matapos magluto si Manang Lora. Iniisip pa rin niya kung may nagawa siya o nasabing mali kay Honey.
Sakto pagdating ni Leo, tapos na magluto si Manang Lora at tinawag na sila nito sa hapag.
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...