[Ali]
He now remembers everything.
He felt like he had been killed once again by the memories that had just returned to him. Mula sa katotohanang hindi siya ang pumatay kay Barette, hanggang sa pinakamahalagang babaeng ngayon lang nagbalik sa kanyang alaala.
How could he fucking forget about his wife Cinderella? Paano niya nagawang kalimutan ang babaeng tanging dahilan kung bakit niya hiniling pang mabuhay habang nasa bingit siya ng kamatayan noon?
“W-Wag... please... 'wag mo 'kong iwan, Ali. Utang na loob 'wag mong gawin 'to.”
Parang binibiyak ang ulo niya sa pag-alala sa itsura ni Cinderella na nagmamakaawa sa kanyang mabuhay nang araw na 'yon. He was such an idiot! Ayaw niya itong makitang umiyak ngunit siya ang may kagagawan ng paghihinagpis nito.
Bumaba ang tingin ni Ali sa babaeng ngayo'y nakayakap sa kanya at umiiyak. Si Honey. She was begging him not to leave her after bravely confessing her real feelings for him pero paano? Paano niya sasabihin ngayon dito na may nagmamay-ari na ng kanyang puso? Na kasal siya sa babaeng mahal na mahal niya at kailanman hindi niya naisipang pagtaksilan?
Mariin siyang napapikit sa halong bigat at kirot sa kanyang dibdib. He didn't mean to hurt Honey. He didn't know he was married.
Para siyang nilalamon ng pagkakasalang nagawa niya. Ngunit isang bagay lang ang pinakanais niyang gawin sa ngayon. At iyon ay ang hanapin ang kanyang asawa—si Cinderella.
“Ali, anak mabuti naman at nakabalik na kayo. Naghanda ako ng hapunan—”
“Hindi ako gutom,” malamig na sagot niya sabay nilagpasan si Manang Lora. Sinalubong sila nito pagkadating pero pumasok lang siya sa kwarto dala ang bigat na nararamdaman sa kanyang dibdib.
Paano nito nagagawang kausapin siya na parang walang itinatagong napakalaking sikreto sa kanya? He gave her a chance to confess everything but she chose to keep it from him.
Hindi siya makapaniwala na sa lahat ng taong pwedeng gumawa nito sa kanya, iyon pang mga pinaka pinagkatiwalaan niya. Itinuring niya si Manang Lora na hindi kaiba sa kanya. Gano'n din sina Dan at Leo. At kung may pinaka nakakaalam man sa kung gaano niya kamahal si Cinderella, silang tatlo iyon.
Sapo niya sa dalawang palad ang mukha na umupo sa gilid ng kama. Nilalamon siya ng sariling emosyon. Hindi na niya alam kung ano pa ba ang dapat at hindi dapat niyang gawin. He couldn’t think straight of the possibilities that happened to Cinderella while he wasn’t by her side.
Akala rin ba nito ay patay na siya? Was she okay? Did she ever blame herself of what happened to him?
God—he can't imagine her crying over all of this. Ali covered his mouth with his palm because of his flooded thought of Cinderella living a miserable life because of him. He didn't want that.
“Ali?” Honey knocked.
He took a deep breath and immediately wiped his eyes. He fixed himself when he heard the door open.
“Ali, dinalhan kita ng pagkain. Wala ka pa kasing kinakain maghapon.”
“I said I'm not hungry."
Hindi niya ito nilingon pero naramdaman niya ang paglapit pa rin nito sa kanya.
Nilapag nito ang dalang pagkain sa lamesang nasa tabi.
“Kahit konti lang. Sasabayan na kita para ganahan ka.”
Kinuha nito ang pinggan at umupo sa tabi niya. Willing pa itong subuan siya para lang kumain pero hindi niya na hinayaan mangyari 'yon. Kinuha niya ang kutsara rito kahit wala siyang gana.
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...
![In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]](https://img.wattpad.com/cover/304518488-64-k710388.jpg)