[Honey]
Nakasisilaw na silip ng liwanag ang humaplos at gumising sa kanya. Hinayaan niya munang pumikit pa ang mga mata ng ilang segundo bago unti-unting dumilat.
Wala na siyang kasama. Iginala niya ang tingin sa paligid. Wala na nga sa kwarto si Ali.
Bumangon siya para i-check kung nasa labas lang ito ngunit nalibot niya na ang buong unit, wala pa rin siyang natagpuang kasama. Saan kaya 'yon nagpunta? Hindi naman siguro ito bumalik doon sa restaurant para muling tangkain na kitain si Cinderella?
“Shit.” Napasuklay siya ng mga daliri sa buhok at dali-daling nag-ayos ng sarili.
Pagbaba niya ng building ay wala na sa parking ang sasakyan ni Ali. Nakapamaywang siyang napapadyak sa semento sa sobrang inis. Paano niya ngayon ito masusundan, e ni kusing wala siyang pera sa bulsa!
Badtrip siyang lumakad pabalik sa lobby at sakto'y tumawag si Madel at sinabing malapit na ito.
“Thank God you finally arrived!” bungad niya sa kaibigan paglabas niya ng condo.
“Kung hindi mo kasi ako iniwan sa bundok, hindi ka sana na-stress dito mag-isa.” Inirapan siya ni Madel. Batid pa rin ang inis nito sa ginawa niyang pang-iiwan.
“I'm really so sorry, okay? Babawi ako sa 'yo and believe me super happy ako ngayon na nandito ka na with me. Where's your car?” Hinanap niya sa likuran nito ang sasakyan nila.
“Ano'ng car pinagsasabi mo d'yan? Ikaw 'tong may dala ng sasakyan paalis ng Makaslag. Do you even know how I got here?” pagtataray sa kanya ni Madel. Obvious na may sama talaga ito ng loob sa kanya.
“You mean... wala tayong car? Then how did you get here?” Napatakip siya ng palad sa kanyang bibig. “Omg did you commute?”
“Tingin mo makakarating ako rito ng gan'to kabilis kung nag-commute ako? Malamang ay nasa mahabang pila pa lang ako ngayon sa terminal ng bus kung ganoon.”
“Eh paano ka nga nakarating dito? Wala namang may sasakyan doon maliban kay Ali na pwedeng maghatid sa 'yo.”
Binasa ni Madel ang labi at kita ang guilt na gumuhit sa mata nito bago tumingala.
“Uhm... hinatid ako ni Leo. Naka-motor kami.”
Napaawang ang bibig ni Honey sa sinabi at itsura ng kaibigan niya na mukhang kinikilig. Her cheeks were plum. Her eyes couldn't even look at her straight. Napabuga siya ng hangin at wala siyang choice kundi pumayag na mag-commute sila.
Sumakay sila ng taxi at habang nasa byahe, pinagtatawanan siya ni Madel pagkasabi niya ritong wala siyang pera.
Ano'ng nakakatawa? E sa wala naman talaga siyang pera! Ni hindi pa nga siya nakakapag-breakfast kaya dumaan muna sila sa drive thru bago dumiretso sa Mendez Security Group.
“Game na?” pagkumpirmang tanong ni Madel paghinto ng taxi sa tapat ng MSG.
Tiningala niya ang building ng kanilang kompanya at sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng alinlangan sa pagpasok rito.
Huminga siya ng malalim. Binuksan niya ang pinto ng taxi. Her hands were balled into fists as she walks into the entrance of their company. But she was surprised to be blocked by unfamiliar security guards she had just seen assigned here.
“Sino po ang hanap nila, ma'am?” tanong sa kanya nito na kaagad nakapaningkit ng mga mata niya.
“Are you seriously asking me that question? Really?” Sinuyod niya ng tingin ang paligid. Nakita niya kung papaanong umiwas ng tingin sa kanya ang mga empleyado.
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...