[Honey]
She didn't want a child.
She never thought about having a child.
Even after she found out she's pregnant, that still didn't change her mind. Ayaw pa rin ni Honey na magkaanak. Kaya kung ano man ang mangyari sa batang dinadala niya, wala dapat siyang maramdamang sakit. Wala dapat siyang maramdamang panghihinayang dahil hindi niya naman ito gusto... 'di ba?
She kept reminding herself that kids are just annoying while she was being taken to the hospital. She was shot in the shoulder. She was shot because she caught the bullet that should have belonged to someone else.
To Ali.
Gusto niyang buksan ang mga mata upang makita ang paligid niya ngunit hindi niya kaya. Hindi niya maigalaw ang katawan niya kahit gising ang kanyang diwa. Ano'ng nangyayari? Is she dying?
Narinig niya ang pag-uusap ng mga tao sa paligid niya pero wala siyang maintindihan. Halo halo ang mga boses sa pandinig niya. She's starting to feel frustrated! She wants to know what's happening! Pero isang matulis na bagay ang naramdaman niyang bumaon sa kanyang balat na nagpatahimik sa naguguluhan niyang isipan. Ilang segundo lang pagkatapos no'n, unti unti nang naglalaho ang natitira niyang malay.
Lumipas ang bente kwatro oras bago siya nagising sa isang tahimik na kulay puting silid kung saan maraming bantay na nakapaligid sa kanya.
Nasaang lugar siya? Sino ang mga ito? Mariin niyang pinikit muli ang mga mata para alalahanin ang mga pangyayari.
"Tumawag kayo ng doktor. Sabihin niyong nagising na siya," kalmadong utos ng isang lalaki na nakatayo sa tabi niya.
Tiningala niya ito at naguguluhang tinignan.
"Sino kayo? Nasaan ako?"
"Nasa ospital kayo. Nadaplisan kayo ng bala," maagap at magalang na sagot nito. "Mga tao kami ni Boss Ismael at inutusan niya kaming bantayan kayo."
What? Hindi sila mga tauhan ni Jameson?
"Nasaan si Ali?"
Tinignan lang siya nito. Limang segundo ang lumipas na hindi pa rin siya nito sinasagot.
"Tinatanong kita kung nasaan si Ali?"
"May inasikaso lang si Boss pero pupunta siya rito."
"Kasama ba natin siyang umalis sa mansyon ng mga Ledesma?"
"Nagpaiwan siya."
"Ano?! Umalis kayo nang hindi niyo siya kasama?!" Napatayo si Honey sa galit niya at saktong bumukas ang pinto. Pumasok ang babaeng doktor.
"Glad you're awake, Ms. Mendez."
"Well then I'm not!" pagsusuplada niya sa rito. Buti na lang at mukhang sanay ito sa mga kagaya niyang pasyente at nginitian lang siya nito. "I need to go."
"Hindi ka pa pwedeng ma-discharge. We're still monitoring your situation to ensure your and your child's safety."
Napatigil siya sa sinabi nito at gulat siyang napatingin sa doktor.
"It's still... inside me?" tanong niya na tila hindi natutuwa. Kunot noo niyang niyuko ang kanyang tiyan.
"Yes. Your baby is fine."
"Why?"
"What?"
Lumunok siya at huminga sa kanyang bibig. "Why is it still inside me? I was shot, right?"
"Yes, and you're fortunate that your child has a strong attachment to you."
May mga ibinilin pa ito kay Honey bago tuluyang lumabas pero wala naman siyang naintindihan ni isa. Dahil isa lang ang kasalukuyang tumatakbo sa isipan niya. Bakit hindi pa ito nawala?
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...
![In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]](https://img.wattpad.com/cover/304518488-64-k710388.jpg)