[Honey]
Sa mga sumunod na araw ay nanatiling maluwag si Jameson kay Honey. Hinahayaan siya nitong pumunta sa kahit saan niya gusto. Pati ang pagbisita sa ama ay nagagawa ni Honey.
"What is really your plan for me, Pa? Hahayaan niyo lang talaga ako sa impyernong poder ni Jameson?"
"Nagagawa mo pa rin naman ang lahat ng gusto mo kahit kasal na kayo. Nasa hustong edad ka na. You should focus now on your own family."
Galit na lumapit siya sa table ng ama at itinukod ang dalawang kamay sa ibabaw nito.
"So, you're not making any plans to get me out of there? Gusto niyo bang makita muna akong patay bago kayo maniwalang may sira sa utak ang lalakeng 'yon?!"
"Lower down your voice, Honey." Seryong umangat ang tingin sa kanya ang ama bago ito tila maingat na tumingin sa kanilang magkabila, "the walls have eyes and ears of your husband. You better be careful with the words coming out of your mouth."
Bahagyang umawang ang mga labi niya.
"You... knew?"
Napapikit ito at mabagal na bumuntonghininga.
"I can't tell you exactly because it's better for you to not know anything. But don't worry... I won't let you be in danger."
Maiksi lang ang naging pag-uusap nila ng ama dahil kaagad na pinaalis siya nito. Hindi nito binigyang linaw sa kanya ang totoong plano nito pero mukhang may ideya na siya. Her father doesn't just act without a concrete plan, so maybe, he really is doing something to save her. At wala siyang ibang dapat gawin ngayon, kundi ang magtiis muna sa pakikisama sa demonyong 'yon at mga kampon nito.
"Are you drunk?" kunot noo'ng tanong ni Honey pagpasok ni Jameson sa kwarto.
Malayo pa lang ito sa kinaroroonan niya ay umaalingasaw na ang baho ng alak sa katawan nito. Kaagad na tinakpan niya ang ilong dahil parang masusuka siya sa amoy.
"No... I'm not drunk." Tumatawa nitong niluwagan ang suot na necktie. "I just drank a little."
Lumapit ito sa kanya ngunit bago tuluyang makalapit, umiwas agad siya.
"You're reeking of alcohol! Can you take a shower first?!"
"Later. Come here."
"Ayoko. Nasusuka ako sa amoy mo!"
"What?" Napaangat ito ng ulo at halatang halata sa namumulang mga mata nito ang kalasingan.
Nagulat si Honey nang hinablot siya nito bigla sa braso.
"Nasasaktan ako, Jameson!"
"Inaayawan mo 'ko?"
"Let go of my arm, nasasaktan ako! Mahirap bang intindihing ayoko sa amoy mo?!"
He slapped her cheek... hard.
Muling nalasahan ni Honey ang sariling dugo sa lakas ng sampal ni Jameson. Namanhid ang buong mukha niya ng ilang segundo pero ilang sandali lang ay unti unti niya nang naramdaman ang sakit.
Tanginang lalaki ito!
"I told you... I don't want you disobeying me."
"You said you won't hurt me again, you fucking demon!"
"Ikaw kase... ang tigas ng ulo mo... ayaw mong sumunod." His face softened, but he doesn't look sorry at all. Mukha itong demonyo!
Tumayo si Jameson para sagutin ang tawag sa cellphone nito. May kaibigan na naman itong nag-aaya ritong uminom. Tangina. Ayos lang sana kahit ubusin pa nito lahat ng alak sa mundo, pero siya ang nagdurusa pagkatapos! Isang napakalaking joke lamang pala ng inakala niyang pagbabago ni Jameson.
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...
![In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]](https://img.wattpad.com/cover/304518488-64-k710388.jpg)