Chapter 39

1.5K 69 31
                                    

[Honey]

Hindi rin nagtagal pagkaalis ni Jasper, sumunod si Honey. Bahala na kung maubusan siya ng gas sa gitna ng kalsada. Ang importante ay mahabol niya si Jasper bago nito makita si Ali! Oo gusto niyang makipagtulungan para sa naisip niyang plano, pero hindi kasama roon ang saktan nito si Ali!

She drove as fast as she could. It's been a while since she last drove like this pero wala kasi siyang tiwala sa tumatakbo sa utak ni Jasper. Kilala niya kung ano'ng klaseng tao ito. He's still a gangster after all and he can hurt Ali.

Nanlalamig ang mga kamay ni Honey na nasa manibela. Napakabilis magpatakbo ni Jasper at hindi niya ito halos masundan!

She was running out of breath when she pulled over in front of a restaurant. Nagmaneho lang siya pero daig niya pa ang tumakbo sa paghangos niya. Bwisit talaga ang lalaking ito kahit kailan! Sa lahat naman kase ng pwedeng pakasalan ng asawa ni Ali, bakit itong Perez pa na 'to?!

Kunot noo niyang binasa ang pangalan ng restaurant na hinintuan nila.

Green Pepper.

Dumako ang tingin niya sa entrance at nakita niyang pumasok roon si Jasper. Mula sa glass wall nito, natanaw niya ang pagsalubong rito ng isang babaeng naka-apron. Humalik ito sa pisngi ni Jasper at napagtanto niyang siya na nga 'yon. Si Cinderella.

“Akala mo kung sinong maamong tupa,” bubulong-bulong na aniya habang nakatitig sa mga ito.

Umikot ang mga mata niya. Pero huminto ang tingin niya sa 'di kalayuan. May mga lalaking nakasuot ng black suit at pinalilibutan ang buong restaurant.

Napa-drive siya paatras.

Hindi naman siya tanga para hindi mahulaang mga security personnel ang mga ito. Kabado niyang iginala ang tingin sa paligid at kumalabog ang dibdib niya sa pamilyar na sasakyang nasa 'di kalayuan. Tinted ang salamin ng sasakyan kaya hindi niya makita kung sino ang nasa loob pero alam niyang iyon ang gamit na sasakyan ni Ali nang umalis sa Makaslag.

Bumaba siya ng kotse at maingat na tinungo ang kinaroroonan nito. Dumaan siya sa likurang bahagi ng mga nakaparadang sasakyan at ganoon na lamang ang gulat ni Ali sa biglang pagpasok niya.

“Why are you here?” he asked and looked at her sharply.

“Stop whatever you're planning, Ali.”

“You're wasting your time. Umalis ka na.”

“Nababaliw ka na ba?!” Galit na bumaling siya rito. “Alam mo ba kung kaninong asawa 'yang babaeng 'yan?! She's Jasper Perez's wife at alam na niyang buhay ka! He's got people all over this place to stop you!”

Mahinang napatawa si Ali na hindi inasahan ni Honey.

“And do you think I will be afraid of him? I'm just taking back what's mine.”

Isang saglit na kirot ang tila gumuhit sa dibdib ni Honey sa sinabi nito. So, he's really serious about taking that woman back from Jasper, huh?

Kung ganoon ay paano naman siya? Wala ba talagang kwenta para rito ang kung anumang pinagsamahan nila?

“Hindi mo alam kung ano'ng klaseng tao si Jasper, Ali. You don't know what he could do!”

“Why? Tell me what he could do since you seem to know him well.”

“He is a member of a gang. Marami siyang kayang gawin at ayoko na mapahamak ka!”

“I know what I'm doing and if he knows I'm alive, he should be the one to find a way for me to talk to Cinderella.”

“Kasal na sila ngayon, Ali!! Cinderella is now his wife! Sa tingin mo ba hahayaan ka pa niyang makalapit sa asawa niya?!”

Umigting ang panga ni Ali. Galit itong tinapunan siya ng tingin.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon