Chapter 11

1.4K 47 12
                                    

Ali

“Can't you even give me an explanation where we are heading to? Leo? Ali?” Mula sa backseat ay humawak si Honey sa magkabilang side ng driver and passenger seat. Inilapit nito ang sarili sa pagitan ng mga upuan nila.

“Napakaingay mo,” asar na reklamo ni Leo. “Dapat talaga hindi na lang natin 'to sinama, Boss.”

“Sinabi ko ba kasing gusto ko sumama?!” Napalayo si Leo sa lakas ng boses nito. Muntikan pa siyang mapa-preno sa gulat.

“Tangina babasagin mo ba tenga ko?!”

“Saan nga kasi tayo pupunta?!”

“Sa impyerno! Ihahatid ka namin para matahimik na buhay namen!”

“Ugh!! How dare you! Ikaw ang mas nababagay ro'n kaysa sa 'kin!”

“Pucha, Boss, ayaw naman pa lang sumama nito, eh. Ilaglag ko na ba sa susunod na bangin?”

Honey quickly fell silent at what he had said. Sinulyapan ito ni Ali at nakita niya itong parang bata na biglang tumiklop sa takot.

“We're going to Manila.”

Patungo sila ngayon sa Maynila upang kitain si Dan—isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ni Ali. Tatlong taon na nang huli niyang makita ito dahil sa kumplikadong sitwasyon. Ali can't be seen by anyone until his memory doesn't return, so they kept their communication private.

Habang nasa byahe sila, binigyan niya ng instructions si Honey. Sa oras na dumating sila sa hotel ay kailangan nitong mag-book ng room na nakapangalan dito. Ali can't use his name, but of course they can't tell her the reason for that.

“Why can we only book two rooms?? Why not three? At saka, why do we have to share?” naguguluhang tanong nito sa kanya. “Bakit hindi na lang kayo ni Leo ang magsama sa kwarto since you're both guys? Bakit kailangan ako pa?”

Nasa parking na sila ng hotel na tutuluyan pero hindi pa sila bumababa ng sasakyan dahil sa dami ng tanong ni Honey. Mula sa naguguluhang itsura ay sumilay sa mukha nito ang isang nakakalokong ngiti. Pinaningkitan siya nito ng mata.

“Hmm. Magtapat ka nga sa 'kin, Ali.” Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kanya mula sa back seat. “May gusto ka ba sa 'kin? You know what I'll understand it if you say yes because it's just natural for men to quickly fall in love with me, but if you think you can take advantage of me just because I work for you right now, then don't you dare,” pagbabanta nito sa kanya.

Unang humagalpak ng tawa si Leo na napahampas pa ng kamay nito sa manibela. Samantalang si Ali, nananatiling tahimik lang na nakatingin sa harapan.

“Hanga na talaga ako sa kapal ng mukha mo!” wika ni Leo sa pagitan ng tawa nito.

“Why? Maganda ako, mayaman, sexy. In short, nasa akin na ang lahat. What else could a man look for that I might not have?” Tinipon nito ang buhok sa isang side at malagkit na tinignan siya.

“Saan nanggagaling 'yang lakas ng loob mo eh ni hindi mo nga nagawang gustuhin ka ng ex mo? Hahahahaha. At si boss pa talaga? Hahahahahaha.”

“Let's go inside,” sabat niya sa dalawa. Binuksan ni Ali ang pinto sa side niya at nauna ng lumabas sa mga ito.

“Hintay, Boss!”

Sinunod ni Honey ang utos niya na mag-check in gamit ang pangalan nito. Magkasama sila sa isang suite habang nasa same floor lang din naman si Leo. Pagdating nila sa kwarto, itinabi lang ni Honey ang dalang mga gamit at tumalon agad sa isa sa dalawang kama na narito.

“Uhhhh finally! A soft bed for my poor body!” Tuwang-tuwa itong gumulong-gulong sa kama. Kita sa mga ngiti nito ang sobrang pagka-miss sa dating buhay. Kung sabagay ay buhay prinsesa ang ipinagpalit nito sa buhay mayroon ito ngayon sa Makaslag.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon