[Ali]
"Boss? Boss? Naririnig mo ba 'ko? Yoohooo."
Leo snapped a finger in front of him at saka pa lamang niya ito nakitang kinakausap siya.
"What? Are you talking to me?"
"Boss, naman kanina pa. Ano bang iniisip mo?"
Itinabi niya ang hawak na itak pati na rin ang mga kahoy na kanina niya pa sinisibak Hindi naman siya gumagamit ng kahoy sa pagluluto pero linggo-linggo niyang ginagawa ito para sa mga matatanda rito sa Makaslag.
Ibinalik niya ang atensyon kay Leo. "Kailan tayo babalik sa Maynila?"
"Wala pa namang sinasabi si Dan," sagot nito na bahagyang gulat sa tanong niya. "May kailangan ba tayong gawin?"
Nagtataka ang mga tingin ni Leo at mas lalong namilog ang mga mata nito sa sumunod na sinabi niya.
"I'll do the therapy."
"A-Ano?"
"I want my memory back, Leo. I can no longer wait for it to come back."
Napaupo si Leo sa tabi niya at balisang humarap sa kanya.
"B-Bakit biglaan yata, Boss? Napanaginipan mo na naman ba ulit 'yong dati?"
Mabagal siyang tumango.
"She's still crying so hard in my dream and I can't bear to hear it."
Hindi niya maintindihan pero nangilid ang luha sa mga mata niya sa pag-alala sa panaginip na 'yon. Tumingala siya sa kalangitan at mabilis na pinahid ang mga mata sa kanyang palad.
"She's so near in my dream, but I can't see her face. I just hear her calling my name."
He's never been this serious about recovering his memories from the past 3 years, dahil kuntento na siya sa katahimikan ng buhay niya rito sa Makaslag. Nawalan na siya ng interes balikan ang buhay dati dahil isa lang naman ang dahilan kung bakit siya pumasok sa marahas na mundong 'yon. At 'yon ay ang makapaghinganti kay Barette. Ngayong wala na ito, wala na ring rason para bumalik pa siya ngunit dahil sa misteryosong panaginip na inakala niyang tumigil na, muling nabuhay ang kagustuhan niyang alalahanin ang parte ng nakaraang nawala.
Hindi mawari ni Ali ang reaksyon sa mukha ni Leo. Hindi naman ito tumutol sa gusto niyang mangyari, pero hindi rin niya makitaan ng pagpabor ang itsura nito.
"S-Sige, Boss. Ako nang kakausap kay Dan para ayusin lahat ng kailangan."
Tumayo ito at nagpaalam. Pinagmasdan niya ang papalayong pigura nito at batid niyang may hindi tama sa ikinikilos ni Leo. Seems like they were hiding something from him.
"Ali! Gosh! kanina pa 'ko sa labas nandito naman pala kayo hindi n'yo 'ko sinasagot! What were you doing ba?!"
Napaangat siya ng tingin sa babaeng kadarating lang ay nakasigaw agad. Salubong ang mga kilay nito at nakapamaywang na huminto sa harapan niya. Tinignan niya si Honey mula ulo hanggang paa dahil mukha na naman itong mag-shi-shopping sa mall sa suot na dress.
"We didn't hear you," tipid na sagot niya lang.
Tumayo siya at naglakad na papasok sa loob ng bahay. Nasa likuran kasi siya dahil dito siya nagsibak ng kahoy kanina.
"You won't even say sorry to me?!"
Sumunod ito sa kanya at panay ang pangongonsensya nito sa hindi niya paghingi ng paumanhin. Hindi naman niya pinansin at diretso lang siyang pumasok sa kwarto. He's not in the mood to talk to anyone.
Humiga siya sa kama at tulalang tumitig sa kisame. Ang gulo na naman ng isipan niya. Wala nga siyang maalala pero pakiramdam niya ay punong-puno ang utak niya ng maraming bagay. Ano bang meron sa nakaraan niya na hindi niya kayang bitawan? Ang tiyuhin lang naman niyang si Barette na pumatay sa mga magulang niya ang tanging importante sa kanya noon. Now that he had already killed him, what else is stopping him from remembering his past?
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...
![In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]](https://img.wattpad.com/cover/304518488-64-k710388.jpg)