Chapter 31

1.5K 61 7
                                        

[Honey]

“Teach me how to cook.”

Inilapag ni Honey ang mga pinamili nila ni Manang Lora sa pamilihan at saka hinarap si Ali na umiinom ng tubig sa tapat ng ref. Sakto pagkabalik nila ay katatapos lang nitong mag-jogging.

“What are you thinking? Why do you suddenly want to learn to cook?” Dinala nito sa lababo ang pinag-inumang baso at hinugasan. Tapos ibinalik sa lagayan. “Are you sick?”

Nakaka-offend 'to, ah!

“May sakit na ba 'ko agad, porke gusto ko lang matuto?”

“It's just kind of weird to hear it from you. Pero kung gusto mo talaga, sige, tuturuan kita.”

“Talaga?” Excited siyang napalapit sa tabi nito.

“Siguraduhin mo lang na may matututunan ka.”

“Yes, I promise!”

Nagpaalam siya na magbibihis muna. Pinagpawisan kasi siya ng husto sa pagpunta nila ni Manang Lora sa pamilihan at saka, may outfit siya na kailangan isuot bago tumuloy sa balak niya.

“Wow.”

Pumapalakpak na lumakad palapit sa kanila si Leo. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at hindi niya mawari kung gulat ba ito o nagpipigil ng tawa sa itsura niya.

“What are you wearing?” Ali asked and looked at her too from head to toe.

Saglit na bumaba ang tingin niya sa kanyang suot at saka inayos ang helmet niya sa ulo. She's wearing a long-thick sweatshirt na sinadya niya pang hanapin sa cabinet ni Ali at ang helmet, hiniram niya kay Leo.

“It's a protective gear. Masama bang maging prepared ako?”

“Alam mo? Mukha kang walang ilulutong kapaki-pakinabang,” sabat ni Leo. “Tangina para kang sasabak sa gyera eh. Kung sabagay at least handa ka kapag napasabog mo 'tong kusina ni Boss.”

Matalim niyang tinapunan ito ng tingin. Inihampas niya ang hawak na sandok sa braso ni Leo saka sinipa sa binti.

“Aray!”

“Kaya nga ako nagpapaturo, 'di ba?!”

Pumagitna sa kanila si Manang Lora. “Naku ikaw talaga, Leo, hayaan mo na sila rito. Ang mabuti pa ay samahan mo na lang akong pumunta roon kina Lumeng.”

Hinatak nito si Leo palabas at sinenyasan siya ni Manang Lora na ituloy na ang kanilang gagawin. Humaba ang nguso ni Honey nang pakiramdam niya ay nagmukha lang yata talaga siyang katawa-tawa rito sa ginawa niya.

She removed the helmet from her head, but before she could place it down, Ali took it. Ibinalik nito iyon sa kanyang ulo.

“If you feel safer with this, then wear it.”

“Wag na.” Tinanggal niya ulit ito. “Mukha lang akong tanga.”

“Hindi ka mukhang tanga. Just remove it once you get used to the kitchen.” Tumungo ito sa ref at binuksan. “Do you have a dish in mind? May alam ka bang lutuin kahit ano?”

“I think I know how to cook... eggs?”

“Eggs...” pag-uulit nito sa sinabi niya. Tumuwid ito ng tayo at humarap sa kanya.  “How do you cook eggs, then?”

“Do you want me to demo it?”

“Sure. Let me see it.”

Confident na kumuha siya ng kaserola. Masaya siya na hindi naman pala magiging gaanong mahigpit si Ali sa kanya. Kabado pa man din siya kanina dahil akala niya ay pahihirapan siya nito.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon