Chapter 25

1.5K 53 31
                                        

[Honey]

Sa bahay na ni Ali niya nagpasyang magpalipas ng gabi para matulungan si Manang Lora sa plano nitong pa-birthday. Hindi rin naman nagtanong si Ali kung bakit dito siya matutulog dahil sanay na ito sa presensya niya. Kahit nga yata dito na siya tumira ay hindi ito tututol.

“Hindi ka pa ba matutulog?” inip na tanong niya kay Ali habang nagpupunas siya ng basang buhok.

She just got out of the bathroom at dinatnan niya itong nakasandal sa kama, nagbabasa ng libro. He's even wearing an eyeglasses which made him look hotter! Ibinaba nito ang hawak na libro at saka tumingin sa kanya.

“Hindi pa 'ko inaantok.”

“Ahh.”

Nagkukuskos siya ng buhok na lumakad palapit dito at umupo sa kabilang side ng king sized bed nito.

“Anong oras ka matutulog?”

Kailangan kasi niyang lumabas para tulungan si Manang Lora at kaya nga surprise, dapat hindi ito alam ni Ali.

“Why do you ask?”

“Wala lang.”

Tuluyang itinabi na ni Ali ang hawak na libro at ibinaling ang atensyon sa kanya. Tinignan nito ang kabuuang suot niya na isa sa mga damit nito.

“I really like it when you wear my shirt.”

“Why? Do I look too sexy?” pilyang pagsagot niya. Naglaro naman ang mga ngiti ni Ali bago tumango at kinagat ang ibabang labi nito.

“Too attractive to be resisted.”

Honey unconsciously licked her lips, rubbing her damp hair slower. Ito rin naman ay sobrang attractive at irresistible. Kahit nga hindi ito magsuot ng kahit ano ay maaakit pa rin siya sa kagwapuhan nito.

Tumayo si Ali at sinundan niya ito ng tingin. Binuksan nito ang luggage na nasa gilid at may kinuha roong isang kahon.

“Bakit ka may ganyan?” tukoy niya sa hair dryer na hawak nito.

“I bought this last time I went to Manila. Para may magamit ka kapag dito ka natutulog.”

Ay prepared.

“Wow...that's so thoughtful of you.”

Tumayo siya at hinila ang upuan sa table sa tabi ng kama. Kinuha niya ang hair dryer kay Ali at habang pinapatuyo ang buhok sa harapan ng maliit na salamin, pinapanood naman siya nito.

Dati ay naiilang pa siya kapag binibigyan siya ng gan'tong obvious na mga tingin ni Ali. Pero ngayon na nasanay na siya, it's making her feel like the most beautiful woman in the world everytime he looks at her like this. Kakaiba kasi ang titig ng mga banyaga nitong mga mata; masyadong misteryoso at tila may kakayanang bigyan ng matinding halaga ang anumang tignan nito.

Magkatalikuran silang humiga sa kama pagkatapos. Sa kabila ng pagiging mas malapit nila ngayon, tanda pa rin naman niya ang sinabi ni Ali na hindi nito gustong may yakapan sa pagtulog.

As if naman hindi siya makakatulog kung hindi siya nito yayakapin? Unless ay ito siguro ang mag-insist. May sakit lang naman kasi siya noong nakaraan kaya siya niyakap ni Ali magdamag. Sayang lang magaling na siya ngayon.

"Good night, Ali."

Nagtulug-tulugan na siya para lang hindi na siya kausapin pa nito. After an hour na sa tingin niya ay tulog na si Ali, maingat siyang bumangon para balikan si Manang Lora sa labas. Inabutan niya itong inaayos ang ginawang cake dahil wala silang mabibilhan ng ready made.

"May peeler d'yan. Balatan mo na lang 'yang mga patatas tapos hiwain mo ng pahaba. Dahan-dahan ka, ha."

"Okay."

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon