Ali
“Wala akong pera,” sabi ni Ali at tinalikuran si Honey. Hinabol siya nito at madaling humarang sa daraanan niya.
“Wait lang hindi naman ako masamang tao!”
“I didn't say you are.”
Kunot noo itong pinamaywangan siya. “Kung gano'n bakit ayaw mo 'kong pautangin? 500 nga lang at ibabalik ko naman pagka-withdraw ko sa bayan.”
“I told you I have no cash with me.”
“Liar.” Umikot ang mga mata nito. “I paid you some cash earlier, 'di ba? Hindi ko naman binabawi. Hinihiram ko lang 'yung 500.”
“You're annoying.” Nanlaki ang mga mata ni Honey sa sinabi niya.
“Gosh I thought you're nice!” Humabol na naman ito nang magsimula siyang maglakad at lakas loob na iniharang pa ang kakapiranggot na sarili. “Please naman oh. Kahit doblehin ko pa ang balik sa 'yo. Pahiramin mo na 'ko para mabili ko na 'yung fuel sa madamot na tindera do'n!”
“I really have no cash here right now.”
“Nasaan na nga 'yong binayad ko sa 'yo kanina?”
“I gave it away.”
“What?! Saan?! Kanino?!”
“To Lola Lusing.”
Inabot ni Ali 'yong pera kanina sa matanda bago sila umalis ni Leo bilang pasasalamat sa pag-iimbita sa kanilang mananghalian doon.
“As in binigay mo lahat?! Wala kang tinira para sa 'yo?!”
“Wala,” sagot niya at mukhang hihimatayin si Honey na napahawak sa ulo.
“Nagpakahirap pa 'kong hanapin ka tapos naka'y Lola Lusing lang pala ang solusyon!” Sinamaan siya ng tingin ni Honey habang nakahawak pa rin sa ulo nito. “Baka naman may nakolekta ka nang rent d'yan? Sabi ni Buknoy ikaw ang may-ari ng pamilihan na 'to and you're collecting rent. Please nandito na rin naman ako pautangin mo na 'ko.” Nagmamakaawa pa rin itong sumubok.
“They don't pay me cash.”
“What the...” She was speechless for a while pero sa kulit ng babaeng ito ay napilitan si Ali na ipakita ang laman ng belt bag niyang nakasabit sa baywang. Puro resibo ito. “What?! They pay you just gulay?! At pumapayag kang gulay lang ang ibayad sa 'yo?!”
“Not all the time. Minsan may prutas at karne,” kalmadong sagot niya na nagtunog pamimilosopo naman para kay Honey.
Ipinagpatuloy ni Ali ang paglilibot sa mga nagtitinda sa pamilihan. At kaya siya pawisan, siya rin halos ang tumutulong magbuhat sa mga paninda rito dahil matatanda na ang mga nagtitinda.
“Naku salamat, Ali hijo,” masayang wika ng matanda sabay abot nito sa isang maliit na papel na agad namang nasilip ni Honey bago niya pa mailagay sa suot na belt bag. 5 kilo patatas.
“The f-uck?! What the hell are you gonna do with potatoes?!”
“I fry them, mash, and sometimes I bake them too.”
“Wag kang pilosopo.”
“Sinasagot ko lang ang tanong mo.” Naglakad siya at makulit na sumunod pa rin ang babaeng 'to sa kanya.
Honey kept making faces sa tuwing may mga bumabati at nag-aabot ng maliit na papel kay Ali. This girl is obviously a rich spoiled brat who doesn't know how to work hard for anything.
“If you need money, I can recommend you to work for part time here,” sabi niya nang huminto at uminom ng tubig sa isang maliit na karinderya.
“What?! Ako magtatrabaho...dito?” Nakangiwing itinuro ang sarili. Tumango si Ali.
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...
![In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]](https://img.wattpad.com/cover/304518488-64-k710388.jpg)