[Honey]
"I-I'll call a doctor. S-Stay awake, Ali!"
Nangangatal ang mga daliri niya sa pagpindot sa cellphone. Ngunit nang akmang pipindutin niya na ang call button, hinawakan nito ng mahigpit ang palapulsuan niya.
Ali shook his head while still in pain.
Itinuro nito ang kinalalagyan ng gamot na kaagad niyang kinuha. Ilang sandali pagkatapos nitong makainom, nakita ni Honey ang unti-unting pagbabalik sa normal ng paghinga nito. Inobserbahan niya ng mabuti si Ali dahil kung hindi pa rin talaga ito magiging ayos, tatawag na talaga siya ng doktor kahit magalit pa ito.
Nasa sahig sila at nakahiga si Ali sa kanyang kandungan. Nakasandal ang likod niya sa sofa at marahan na sinusuklay ang buhok nito sa kanyang mga daliri. His face was buried on her stomach and his arms were wrapped tightly around her waist. Si Honey ang nahihirapan sa posisyon ni Ali ngunit tila sa ganoong posisyon umayos ang pakiramdam nito.
"Are you sure you're okay? I can call a doctor naman just to be sure." Maputla pa rin ang mukha niya sa pag-aalala. Hindi naman sumagot si Ali pero humigpit ang pagkakabalot ng mga braso nito sa kanyang baywang. She took that as a response na ayaw talaga nito ng doktor.
An hour has passed at hindi na rin namalayan ni Honey na nakaidlip siya. Pagtingin niya kay Ali, nasa ganoong posisyon pa rin sila. Pero dahil mahigit isang oras na siya sa posisyon ay nakaramdaman na siya ng matinding pangangalay sa likod.
"Ali, can you get up? Lipat na tayo sa room baka lamigin ka r'yan sa sahig." Mahina niyang tinapik ang malaki at matigas na braso nito. Halos limang minuto ang lumipas bago ito kumilos.
Dahan-dahan na tumayo si Ali ngunit kitang-kita sa malaking pigura nito ang panghihina. Nakahawak ito sa mga gamit na malapit sa kinatatayuan kaya mabilis na lumapit si Honey upang alalayan ito.
"Watch your steps, Ali..."
She felt relieved when they finally reached the bed. Inalalayan niya itong makahiga ngunit hindi siya binitiwan ni Ali kaya naman pati siya ay napahiga sa tabi nito.
"Bitaw ka muna sandali. Magpapatay lang ako ng ilaw," mahinang wika niya sa nakapikit na si Ali. Gapulgada lamang ang layo ng mukha nito sa kanya kaya ramdam niya pati ang pagdampi ng paghinga nito sa kanyang balat.
He didn't let go of her. Mas lalo pa siya nitong hinapit palapit at para bang gusto nitong durugin ang katawan niya sa higpit ng pagyakap nito.
"Hindi naman ako aalis para kumapit ka ng ganyan sa 'kin," biro niya kay Ali.
"Don't leave...." anito na sobrang hina, halos hindi niya na marinig.
"I'm not leaving you."
"Please... stay... "
She checked on him kung gising ba ito. Nakita niya ang mga mata nitong bahagyang nakabukas. They were half opened, looking at her.
"Okay okay fine, hindi na 'ko tatayo," pagsukong saad niya pagkatapos pagmasdan ang mga tila nakikiusap nitong mga mata.
Pero nagulat siya at nanlaki ang mga mata nang bigla na lamang hinawakan ni Ali ang likod ng ulo niya at kinabig para abutin ang mga labi niya. Parang biglang huminto sa pagtibok ang puso niya nang maramdaman ang mainit na paghalik nito sa kanya.
"B-baby...." pagtawag sa kanya ni Ali sa pagitan ng kanilang mga labi. Hindi niya alam kung ano'ng mayroon sa salitang 'yon para makaramdam siya ng 'di maipaliwanag na saya.
What the hell? He just called her baby pero para na siyang mawawala sa ulirat! She felt like her heart was about to explode at any moment. Tama pa ba 'to? Normal pa ba sa puso ang tumibok ng gan'to kalakas sa kanya?
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...