Chapter 9

1.6K 62 10
                                        

Honey

“Ate Honey, bakit hindi ka yata pinapansin ni Kuya Ali?” tanong ni Buknoy habang naghahanap sila ng kalot sa paligid ng bundok. Wala kasi siyang magawa sa bahay kaya naisipan niyang sumama na lang sa mga batang ito sa lakad nila.

“Inaway mo ba si Kuya Ali, Ate?” tanong ni Asheng na nasa tabi rin ni Buknoy. Sa kabila ay si Eman na abala rin sa paghuhukay at pagkakamot nito sa ulo.

“Ginalit mo si Kuya Ali?”

Padabog na siyang tumayo at pabagsak na bumuga ng hangin sa bibig. Kanina pa nga masakit ang mga binti niya rito sa ginagawa nila pero hindi siya nagrereklamo. Tapos ngayon, siya pa ang nagmukhang masama sa hindi nila pagpapansinan ni Ali.

“Mukha bang ako 'yung may kasalanan? Siya 'tong bigla na lang hindi kumakausap sa 'kin. Kapag nilalapitan ko, umaalis siya! Tapos isa pa 'yong insekto niyang kaibigan na hindi rin ako pinapansin! Ugh! Tapos ako pa ngayon may kasalanan?!”

“Hindi naman sa gano'n, Ate. Nagtatanong lang kami,” ani Buknoy. Nagkatinginan ang tatlong bata at nagkibitbalikat na lang sila bago nagpatuloy sa paghuhukay ng kalot. Bumalik sa pwesto niya si Honey at tumulong ulit sa pagbubungkal ng lupa kahit ang utak niya ay lumilipad ngayon kung saan.

Dahil ba sa nakita niyang mga baril sa kwarto ni Ali kaya siya nito hindi pinapansin ngayon? Miyembro kaya ito ng isang masamang grupo at ayaw nitong may ibang makaalam sa sikreto nila kaya siya biglang iniwasan? Mapapahamak ba siya kung ipagpipilitan pa rin niya ang pakikipaglapit kay Ali?

“Gosh I'm so dirty! Germs are probably travelling all over my skin now!”

“Ate Honey, pwedeng ikaw na ang magdala sa iba? Hindi na namin kayang bitbitin.” Gulat na napayuko siya kay Buknoy at sa sakong katabi nito.

“What?! Gusto mong dalhin ko 'yan? That muddy sack of root crop?!” Sabay-sabay na tumango ang tatlong bata sa harapan niya. Lahat sila ay may mga bitbit nang plastic na may kalot na sakto lamang ang bigat sa laki nila. Napapikit siya at walang choice na binuhat ito.

Gosh—napakabigat! She had never lifted anything as heavy as this in her entire life! She always has somebody to do things for her and she's not used to all this happening to her now! Dati, mula paggising pa lang niya sa umaga ay may mga tagapagsilbi na siya, pero ngayon, wala siyang choice kundi gawin ang mga bagay ng mag-isa. Walang siyang choice.

Mamula-mula ang porselana niyang kutis nang makarating sila sa bahay ni Lola Lusing. Naroon ang mga magulang ni Eman na sina Chairman Tomas at Vice Chairman Leslie. Pati sina Luisa at Ambo ay kasama nila.

“Naku ayos ka lang ba, Ani?” nag-aalalang tanong ni Lola Lusing sa kanya nang makita ang balat niya.

“Ayos lang po,” sagot niya kahit ang totoo ay sobrang hapdi ng nararamdaman niya at parang sinusunog pa rin siya ng araw. Ano ba naman kasi ang naisipan niya at sumama siya tatlong paslit na 'yon! Hayst.

Tinipon nina Chairman Tomas at Ambo ang mga nakuha nilang Kalot para ihanda sa tanghalian. Kaso ay magulang na raw ang mga nakuha nila at hindi na pwedeng kainin.

“What the hell?! Ibig sabihin nagpagod lang kami para sa wala?” Lalong napakamot sa ulo nito si Eman, pati na rin sina Asheng at Buknoy.

“Sayang,” sabay-sabay na wika ng mga ito.

“Sabi ko naman kasi sa inyo tignan niyo ng mabuti,” wika pa ni Ambo sa mga bata. Ipinakuha na lang tuloy ni Honey ang natitirang bigas na meron siya sa kanyang bahay para may makain sila.

Habang nagluluto ang mga kalalakihan, nagpahinga silang mga kababaihan sa lilim ng puno sa tabing bahay. Madalas pala silang magsalo-salo rito kahit walang okasyon katulad ngayon.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon