Chapter 42

1.7K 80 48
                                        

[Ali]

"Where is she?" tanong niya nang nakakuyom ang mga kamao. 

Nasa isang private clinic sila. Ginagamot ng doktor si Leo habang naghihintay sila sa labas. 

Nangangatal ang mga kamay ni Madel na pinagsiklop ang mga ito habang nakayuko.

"Nasa rest house nila si Honey sa Laguna. Pero hawak siya ni Jameson. Hindi ko gustong iwan siya pero wala akong choice. Kailangan magamot ni Leo."

"Take care of Leo here."

Napaangat si Madel ng tingin sa kanya. "Bakit? Saan ka pupunta?"

"Where exactly is that rest house?"

Nanlaki ang mga mata ni Madel. Pero hindi naman nagpatumpik-tumpik ito at madaling isinulat ang address. Inabot nito ang maliit na papel sa kanya. 

"Heto ang address. Mag-iingat ka, Ali. Delikadong tao si Jameson at marami siyang mga tauhan na nagbabantay roon," bilin nito sa kanya.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at agad na nag-drive papuntang Laguna. He drove his car beyond the road speed limit kung kaya't hinabol pa siya ng dalawang patrol. Hindi naman siya nahuli ng mga ito, pero hindi niya maintindihan kung bakit parang may kung anong espiritu ang bigla na lang sumanib sa kanya pagkarinig sa nangyari kay Honey. 

Wala siyang pakialam sa mga pambubusina sa kanya ng mga motoristang nilalampasan. Kinuha niya ang lahat ng pagkakataon para makauna sa daan. His heart was beating fast. His grip on the steering wheel was so tight.

He reached the rest house in no time.

Binuksan niya ang compartment ng sasakyan at kinuha ang baril doon bago bumaba. Madilim ang mga mata niyang tinahak ang rest house. Wala siyang pakialam sa mga natatanaw niyang bantay.

He walks as if unaware of the danger he is entering. But he was stopped by some men who suddenly blocked his way.

"Boss..." pagtawag sa kanya ng mga ito. Sabay sabay na yumuko sila sa harapan niya.

"Ano'ng ginagawa niyo rito?"

"Pinasundan ka sa amin ni Dan." Nag-angat ang mga ito ng tingin. Pagkatapos ay lumipat ang tingin nila sa rest house. "Kami na ang bahala sa mga bantay. Dumiretso ka kung ano ang pakay mo."

Bago pa siya makasagot, sabay sabay nang umalis ang mga ito sa harapan niya at pinasok na ang rest house. Natanaw niya ang magkakasunod na pagtumba ng mga nakabantay roon. Napapikit siya ng ilang segundo at huminga ng malalim bago sumunod na pumasok.

Ali managed to save Honey quickly.

He brought her to his condo. Nagkaroon sila ng hindi magandang pag-uusap at alam niyang nasaktan na naman niya ito. He left Honey even after she beg him not to leave her. Bumalik siya sa pagbabantay sa labas ng restaurant ni Cinderella.

Ilang araw na siyang narito lang sa labas lang ng Green Pepper para tanawin si Cinderella mula sa malayo. Kung tutuusin, pwede naman siyang lumapit para ipaalam na buhay siya. Pero may kung anong pumipigil sa kanya. At 'yon ay ang takot niya na harapin ang katotohanan.

Inayos niya ang suot na black cap at sinagot ang tawag sa kanyang cellphone. Tumalikod siya at mataman lang na nakikinig sa kausap nang biglang mayroong nagsalita mula sa likuran niya.

"Excuse me? Hinahanap mo raw ako?"

His whole body froze by the woman's voice behind him. Saglit yatang tumigil sa pagtibok ang puso niya para iproseso ang tinig na narinig. Unti unti ay bumaba ang cellphone na nasa tapat ng tainga ni Ali. Panay ang pag-hello ng kausap mula sa kabilang linya ngunit hindi niya na nagawang kusang patayin ang tawag.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon