Chapter 56

1.5K 64 9
                                    

[Honey]

"I'm vomiting again."

Ali quickly guided her for the fifth time inside the bathroom. Alas tres na ng madaling, oras na dapat nasa kalagitnaan na ng pagtulog ang lahat, pero heto siya, sumusuka sa toilet bowl. It's not even because she was wasted from drinking all night, but because of a damn morning sickness! Ni hindi pa nga umaga talaga!

"Fuck, I'm going to die," pagod na utas niya

"You're not gonna die."

"It's my body. I can feel it. I'm dying."

With all the dizziness she was feeling earlier until now, it's enough for her to conclude her own death. Sumuka ulit siya. Pati bituka yata niya ay balak lumabas mula sa katawan niya.

"I'm calling a doctor."

"No, I don't wanna see that... doctor friend of yours."

Pinanindigan niya ang hindi pagpapatawag ng doktor at pagod na yumakap lang sa toilet bowl. Hindi na siguro siya aalis dito. This would probably be the final place of her death. At habang nakapikit siyang kayakap ang inodoro, hinahaplos naman ni Ali ang likod niya while keeping on telling her she's not gonna die.

Whatever. Kapag gumising siya mamaya, edi buhay. Kapag hindi, edi patay.

Her eyes start to feel heavy. Ito na yata ang pinakamasarap na klase ng antok na naramdaman niya sa buong buhay niya. Ni ayaw niyang gumalaw sa pwesto niya. Ganito siguro 'pag mamamatay na.

"Are you sleeping?"

No, she's dying.

"Honey?"

She hears him, but she has run out of energy to respond. Bibisitahin na lang siguro niya ito kapag naging kaluluwa na siya.

Hindi niya na matandaan ang nangyari pagkatapos nang mga oras na 'yon, maliban sa naramdaman niyang pag-angat niya mula sa kinaroroonan. Maybe that was the feeling of her soul leaving her earthly body.

"Gising ko na ba?"

"Bahala ka. Pero labas ako d'yan kapag sinuntok ka niyan."

"Baka maipit 'yung baby niya sa mga unan. Ayusin mo po kaya?"

"Gusto mo na ba 'kong mamatay?"

Nakakunot ang noo ni Honey sa dalawang ingay na tila nanggagaling sa dalawang lintik na lamok. She's still so sleepy, how dare these damn mosquitoes gossip next to her! Dumapa siya at tinakpan ang ulo ng bagay na nahawakan niya.

"Maiipit na lalo, Kuya Leo!"

"Pa'nong gagawin ko?!"

"Buhatin mo?"

"Tang inang buhay 'to."

Napabusangot si Honey sa patuloy na pagsusutsutang narinig at sa inis, itinaas niya ang kamay at malakas na pinatay ang lintik na lamok.

"Aray ko puta!"

Isang malakas na kalabog ang pumailanlan sa buong kwarto at ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan, luwa ang tumatakbong si Ali.

"What's that sound?!"

"Nahulog si Kuya Leo! Pinalo siya ni...." Kinagat ni Buknoy ang labi bago nagpatuloy, "pinalo siya ni Ate Honey."

Samantala ay gising na si Honey at kasalukuyang nakatulala sa harapan nilang lahat. Nakaupo siya sa kama, bahagyang nakanganga ang bibig, habang tila inaalisa ang kanyang paligid.

"Patay na ba 'ko?"

"Ako ang mamatay sa kagagawan mo!" sigaw ni tugon ni Leo.

Napatingin siya sa sahig kung saan nakahandusay ito at hinihimas ang tuktok ng ulo.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon