Honey
“Oh baket?” bungad niyang sagot sa cellphone na may sampung missed calls.
[Finally sumagot ka rin! Ano bang pinagkakaabalahan mo d'yan maliban sa magtago?!] reklamong bungad din ng kaibigan niyang si Madelle.
“We're busy here, okay? Bakit, ano bang kailangan mo?”
[Wow. At ano namang pinagkaka-busyhan mo sa bundok?]
“There's a fiesta here and may sayawan sila, so bilang pakikisama sa mga kapitbahahay ko I have to help.”
[Mukhang nag-e-enjoy ka na d'yan, ah?]
“Not really, pero mas okay na 'ko rito kaysa d'yan. Ano na bang balita kay Papa?”
[Actually kaya ako napatawag dahil sa Papa mo. Tuloy pa rin siya sa pangongolekta ng mga posible mong pakasalan. Alam mo ba kung sino ang dumagdag sa list niya ngayon? Ang nag-iisang anak lang naman ni Chairman Ledesma!]
“Sino 'yon?”
[Gaga ka hindi mo na ba naaalala?! Yung creepy na may gusto sa 'yo since high school! Yung kinukwento mo before na nahuli mo yatang sinusundan ka?]
“Fuck? That creepy Jameson Ledesma?!”
[Tumpak! Ang tagal na ring hindi ka ginugulo n'on mula nung tinakot ni King, 'di ba? Pero baka nabalitaan ng loko ang plano sa 'yo ni Chairman Mendez.]
“Tangina,” napamura at napahilamos siya ng palad sa mukha nang maalala ang mga ka-creepy-han ng lalakeng 'yon.
Never na may kinatakutan at kinabahala si Honey buong buhay niya. Kahit pa noong una niyang nalaman ang tungkol kay Jameson. Sanay naman kasi siya na maraming nagkakagusto sa kanya kaya't itinuring niya lang iyong normal. Sa katunayan, gwapo ang Jameson na ito at kilala ring mahusay sa maraming bagay. Pero iilan lang yata ang may alam sa totoong ugali nito. He's superficially charming. A psychopath to be exact!
Nadiskubre lang niya iyon noong college siya dahil lahat ng nagkakagusto sa kanya ay inaalam ni Jameson. Pero hindi lang nito basta inaalam ang mga pangalan ng mga ito. He's finding each one of them to bully. Ni hindi niya nga iyon pinaniwalaan noong una niyang nabalitaan, pero unti-unting luminaw sa kanya ang lahat nang mapansin niya na isa-isang nawawalan ng interes sa kanya ang mga dating manliligaw niya.
[Ngayon ko lang sasabihin 'to, pero I'm glad na nand'yan ka sa bundok na 'yan ngayon. Hindi ka niya basta mahahanap.]
“Subukan lang niyang magpakita ulit sa 'kin.” Galit ang mga kamao niyang kumuyom. “Ako mismo ang magtuturo ng leksyon sa kanya.”
[Ano namang magagawa mo? Eh ni hindi nga 'yon tinatablan ng masasakit na salita? You know hurtful words are totally and utterly meaningless to him.]
Malalim na napahugot siya ng hininga.
“Ayoko na nga munang pag-usapan 'yan ngayon, Madelle. Saka ko na siya poproblemahin kapag talagang umepal na naman siya sa buhay ko.”
[Okay basta mag-iingat ka d'yan. I just gave you a warning. Ayokong mapahamak ka ulit, Honey.]
“Don't worry kaya ko ang sarili ko.”
Napahiga siya sa kanyang kama pagkaputol ng usapan nila ng kaibigan. She acted like it didn't bother her at all, pero aminado siya sa kaunting kaba na gumapang sa kanyang dibdib.
Sino bang hindi kakabahan sa siraulong 'yon? Buti na lang talaga at naturuan ito ng leksyon noon ni King kaya tinigilan siya nito pero paano na lang ngayon? She can't ask help from him anymore.
“Honey? Honey?”
Kumunot ang noo niya sa boses ng babaeng sumisigaw.
“Teka sandali!” Bumangon siya at nakasimangot na tumungo sa labas. Napataas ang kilay niya pagkakita kina Luisa at Aling Mirasol na narito. “Ano 'yon? Wag niyo sabihing pupunta na tayo sa sayawan sa katanghaliang tapat?”
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...