Chapter 7

1.5K 61 4
                                    

Honey

Isang oras na siyang halos nakatulala mula pagkagising. Ngayon pa lang nag-sink in sa utak niya ang ginawa kagabi. She almost kissed Ali! My gosh! How could she think of him as her ex?! Napapikit siya ng mariin pagkaalala sa itsura nitong tila naging mukha ni King Daryl Smith sa paningin niya kagabi.

“I must be crazy.” Tumayo siya at dumiretso sa banyo para maligo. Kailangan niyang mahimasmasan dahil magpupunta pa siya sa bahay nina Lola Lusing.

Sinuot niya ang dress na hanggang ibabaw ng tuhod mula sa kanyang paboritong luxury brand. Kung sa bagay ay puro mamahalin naman ang mga damit niya. Subalit ngayon, gusto niya talagang isuot itong paborito niya bilang pampalubag loob sa gagawin niya. Hindi siya makapaniwala na aalis siya ngayon para lang manghingi ng sorry sa mga tao sa bundok na 'to.

'Just make sure you're sincere in your apology.'

Napapikit at buntonghininga ulit siya pagkarinig sa boses na 'yon ni Ali sa utak niya. Ano ba naman 'tong nangyayari sa buhay niya? Ito na ba ang kaparusahan sa kanyang pagsuway sa ama?

“Buknoy!” pagtawag niya rito nang matanaw itong naglalaro sa labas ng kanilang bahay. Tumakbo naman ito palapit sa kanya at nagdalawang isip pa nga ang bata na lumabas sa maliit nilang bakuran, pero lumabas rin naman.

“Bakit po?” ilang na tanong nito sa kanya.

“Are you mad at me? I mean...galit ka sa 'kin?” diretsahang tanong niya. Nag-iwas ito ng tingin at nilaro ang mga daliri. Pagkatapos ay hindi sumagot. “Sorry na. Patawarin mo na si Ate Honey. Hindi ko naman sinasadyang sabihin 'yon.”

Bumalik ang tingin ni Buknoy sa kanya at tiningala siya.

“Sabi kasi ni Ate Luisa hindi mo raw gusto ang mga katulad namin kaya mo sinabi 'yon.” Na-guilty siya lalo.

“U-Uh...h-hindi naman sa gano'n. Ano kasi...sa Maynila...” Namoblema siya sandali sa kung ano ang susunod na sasabihin, pero nagliwanag agad ang ekspresyon ng mukha niya ng makaisip. “Ah oo! Kase gano'n lang talaga kaming magsalita! Oo tama! Normal lang sa amin ang salitang 'yon kapag gutom kami.”

“Talaga?”

“Oo! Minsan nga patay-gutom din ako kapag paborito ko 'yung nakahain. Kaya sana patawarin niyo na 'ko. I promise, hinding-hindi ko na ulit sasabihin 'yon.” Parang mga bituin ang mga mata ni Buknoy na nagningning sa sinabi niya. Hindi siya nahirapan sa pangungumbinse sa bata at tilungan pa nga siya nitong tumungo kay Lola Lusing. Nakarating din kasi sa matanda ang balitang 'yon at dinamdam ito.

Bigo silang makausap si Lola Lusing dahil tumanggi itong lumabas nang malaman na naro'n siya. Napakamot sa ulo nito si Buknoy.

“Naku, Ate Honey. Mukhang kailangan mo munang magpalipas pa muna ng araw para humupa ang damdamin ni Lola.”

“Matagal ba siyang magalit?” nag-aalala niyang tanong. May utang na loob siya kahit papaano sa matanda kaya't nalungkot siya ng bahagya sa hindi nito pagpapakita sa kanya.

“Hindi naman, pero mahirap lang siyang kumbinsihin agad.”

Sa huli, nagpasya silang puntahan na muna ang iba pa.

“Naku wala akong panahon d'yan, Buknoy. Umalis na kayo at baka kung anong kamalasan pa ang dumapo sa paninda ko!” pagsusungit sa kanila ni Luisa. Nakita sila ng asawa nitong si Ambo at sinenyasang umalis na muna sila at saka na bumalik.

“Yan ba 'yong matapobreng taga Maynila?” nakataas ang kilay na tanong ng isang babaeng nakasalubong nila pagkaalis sa Tindahang Magalang.

“Aling Marisol,” bati ni Buknoy, saka tumango. Si Marisol nga pala, siya ang itinuturing na human radio ng mga tao rito dahil kahit nasa bahay, alam nito ang nangyayari sa buong Makaslag Village.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon