Chapter 2

2.5K 82 8
                                    

Honey

“Halina't dito na rin kayo mananghalian, Leo, Ali,” anyaya ni Lola Lusing pagbaba nila ng sasakyan. Binalikan nga pala nila kanina si Leo pagkatapos lokohin na paglalakarin ito.

“Sama na tayo, Boss, para 'di na tayo magluto.”

“Halika na at 'wag mo nang pag-isipan pa.” Magiliw na hinawakan ni Lola Lusing ang braso ni Ali at sapilitang hinatak na ito papasok.

Samantala, panay ang pagmamasid ni Honey sa paligid dahil ngayon lang siya nakapunta sa gan'tong lugar. May mga tao pala talagang tumitira sa bundok? Paano sila nabubuhay sa lugar na 'to? Walang mall, walang ospital, walang mga pampublikong sasakyan, at higit sa lahat ay walang establishments para sa necessities ng isang tao! Hindi ba sila tao?

“Anong lugar 'to, Buknoy?” tanong niya sa batang kasama ni Lola Lusing. Narinig niya kaninang tinawag itong Buknoy ni Leo.

“Ito ang Makaslag Village.”

“Village? Ito? Tinatawag niyo 'tong village?” Napangiwi siya sa huling sinabi. Silang dalawa na lang ang naiwan sa labas at pumasok na sa bahay na may maliit na bakuran ang mga kasama.

“Nanu pa lang pangalan mo, Te?”

“Honey.” Oo nga pala't hindi pa siya nakakapagpakilala sa mga ito. Sinulyapan niya si Buknoy na hanggang bewang lang niya ang tangkad.

“Taga Maynila ka siguro 'no, Ate Honey? Ang puti mo, eh.”

“Taga ibang planeta ako,” pilosopo niyang sagot at nilibot ng tingin ang mga katabing bahay na yari lahat sa kahoy. “Maraming nakatira rito? I mean wow...how could you people live in this kind of place?”

“Sakto lang, Ate. Maliit lang 'tong village namin kaya magkakakilala lahat ng tao.”

“Obviously.”

Tumambay muna sila sa labas dahil ayaw niya pang makita ulit 'yung Leo na 'yon sa loob. Naaasar lang siya sa itsura nito lalo kapag binabara siya nito. Halata rin namang asar ito sa kaartehan niya, pero pake niya ro'n? Sumigaw na si Lola Lusing na luto na ang pananghalian at pumasok na silang dalawa sa loob. Iginiya siya ni Buknoy papasok sa bakuran na sinlaki lang nito. Kung tutuusin ay pwede itong talunan ng mga magnanakaw kaya wala ring silbi.

Isang lumang bahay na hindi kalakihan ngunit hindi rin naman kaliitan ang tinungo nila. Halatang napakaluma na nito subalit hitsurang matibay ang pagkakagawa. Para itong 'yong mga sinaunang bahay na nakikita lang niya noon sa mga historical books at lumang mga pelikula.

“Paupuin mo ang bisita,” utos ni Lola Lusing sa apo habang inihahapag nito ang mga niluto.

“Upo ka, Te.” Binigyan siya ni Buknoy ng makitid at pabilog na upuan. Ngunit pag-upo niya, hindi niya inasahang may kaunting uka pala ang lupa na pinagpwestuhan rito at na-out of balance ito.

“Oh my God! Ahhhhhhh!!!!” Narinig yata ng buong village ang napakalakas niyang pagsigaw. Ngunit bago siya tuluyang bumagsak sa lupa, maagap na sinalo siya ni Ali na nasa kanya lamang tabi. “Oh shit! I almost died!! What the fuck!!” she cursed continuously without realizing she's resting on his huge arms.

“You won't die falling in a three-foot fall.”

Dahan-dahang napaangat siya ng tingin sa nagsalita. Napamura siya sa isipan nang makita kung gaano sila kalapit sa isa't-isa. Ngunit mas napamura siya nang mapagtantong marunong itong mag-Ingles. Ibig sabihin ay naintindihan nito ang sinabi niya kanina?! Mabilis na lumayo siya rito at tumayo.

“W-Well...that was close. I still amost died.” Mahihinang mga pagtawa ang narinig niya mula kina Buknoy at Leo.

Sinulyapan siya sandali ni Ali saka ito nag-squat at inayos ang lupang kinatutungtungan ng kanyang upuan. Nilagyan ni Ali ng dagdag na lupa iyong uka para pumantay at hindi na siya muling mahulog pa. Subalit sa iba na yata siya mahuhulog habang pinanonood ito.

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon