[Ali]
Madilim pa ang umaga ay gising na si Ali at hindi na makatulog. Sinubukan niyang pumikit ulit dahil maaga pa naman para sa lakad nila mamaya ni Honey, pero hindi niya na magawang antukin pa.
Excited? Eh sasamahan lang naman niya itong mag-mall dahil miss na raw nito ang mga dating ginagawa. Nasaan ang exciting doon? Siguradong maiinip lang siya at mapapagod, pero kasalanan naman niya dahil nag-volunteer siya. Yes-he volunteered to accompany her just because he felt like she needed it.
'We'll watch a movie and then we'll eat. Tapos sasamahan mo 'kong mag-shopping.'
Bigla siyang napangiti. Napahawak siya sa kanyang bibig para kapain kung nakangiti nga ba siya at oo-nakangiti nga.
Tangina 'yan. Wala sa sariling sinampal niya ang mukha. Why the fuck is he smiling? Hanggang ngayon ba ay curious pa rin siya sa bagay na 'to?
Noong nag-aaral pa siya, nagkaroon siya ng mga kabarkada na bukambibig ang mga bagay na ginagawa nila kapag kasama ang mga girlfriend sa mall. Watching a movie, eating at a restaurant, and doing other stuff that the girl they were with would love to do. At tinatawag daw nila 'yong pakikipag-date.
Inaamin niyang curious siya that time at maraming babae ang willing itapon ang mga sarili sa kanya, pero wala siyang interes sa pakikipag-date. He was focused on the goal he had set his mind and that was to get revenge.
Pero ibig sabihin ba... date ang tawag sa gagawin nila mamaya ni Honey kahit hindi naman niya ito girlfriend? Kahit wala naman siyang direktang sinasabi rito na mag-di-date sila? Hindi niya maintindihan pero may parang excitement na namuo sa kanyang sistema. He suddenly felt like a normal person dahil mararanasan niya na ang mga bagay na ipinagkait niya noon sa sarili. He never dated anyone although girls were lining up on his front.
"May bagyo yatang nagbabadyang humagupit, ah."
Nag-angat ng tingin si Ali sa kadarating lang na si Leo. Kasunod nito sa likuran ay si Dan at parehong umupo ang dalawa sa tabi niya.
"Ano'ng pinagsasabi mong bagyo? Kita mong ang ganda ganda ng panahon," tugon dito ni Dan.
"Eh kase tignan mo si Boss. Umagang-umaga nakangiti na." Bumaling si Leo kay Manang Lora na natawa sa sinabi nito. "Hindi ba tama ako, Manang Lora? Kapag ngumingiti si Boss, matik na sumasama ang panahon." Humahalakhak nitong hinampas ang lamesang kahoy.
Inilapag ni Manang Lora ang tatlong tasa ng kape sa kanilang harapan. Masamang tinignan naman ni Ali si Leo.
"Gusto yatang maunang samain nito, Boss?" nakangising saad ni Dan. "Banatan ko na ba?"
"Hayaan niyo na si Ali at masaya lamang 'yan kaya nakangiti. Mabuti pa magkape muna kayo." Itinulak isa-isa ni Manang Lora ang mga tasa sa kani-kanilang harapan. Pati ang matanda ay sinamaan niya ng tingin dahil sa sinabi nito.
"Hindi ko na yata kailangan uminom niyan, Manang." Bahagyang lumayo ng upo si Leo. "Parang wala pang kape ay kinakabahan na 'ko. Nagbibiro lang naman ako, Boss."
"Ano bang meron at mukhang masaya ka?" curious na tanong ni Dan sa kanya. Tinaliman niya ito ng tingin bago iniangat ang tasa at sumimsim sa kape. "Si Manang Lora ang nagsabing masaya ka. Nagtatanong lang ako ng dahilan." Pinangunahan kaagad ni Dan ng pagtatanggol ang sarili.
"Aalis sila mamaya ni Honey," may panunuksong wika ni Manang Lora. Muntik na maibuga ni Leo ang iniinom.
"Mag-di-date kayo Boss?! Kayo na ba?!"
"Tumahimik ka."
"Di nga, Boss? Nililigawan mo 'yon?!" dagdag na tanong din ni Dan.
"You'll shut your mouth or I'll shut your life? Choose."
BINABASA MO ANG
In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]
General FictionAlfonzo Ismael Sabella, a dangerous billionaire who has forgotten the darkest part of his past, started a new life in the small community of Makaslag Village. In the stillness of his life there, comes Honey Love Mendez, a spoiled brat city girl who...
![In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]](https://img.wattpad.com/cover/304518488-64-k710388.jpg)