Simula

1.2K 23 0
                                    

Skyla Valderama's POV

NAKATANAW lang ako dito sa bintana ng sasakyan habang binabaybay namin ang ewan ko ba kung saan ako dadalhin nitong tauhan ni Daddy.

Halos ilang oras na rin kaming bumabiyahe at paliblib na ng paliblib ang dinadaanan namin, halos puro puno na lang ang nakikita ko sa labas.

Hindi ko alam kung bakit pa ako kailangang itago ni Daddy, samantalang siya itong pinupuntirya ng mga armadong lalaki. Siya ang kailangan ng proteksiyon hindi ako.

Dadalawa na nga lang kami tapos ganito pa, magkakalayo pa kami. Hindi ba mas mabuti kung hindi kami maghihiwalay? Para naman ma-make sure namin ang kaligtasan ng isa't isa.

Siya, makakasigurado siyang ligtas ako—na nasa mabuting kalagayan ako, pero paano naman 'yong kasiguraduhan ko bilang anak niya? Siyempre gusto ko ding makasigurado ang kapakanan niya, na ligtas din siya.

Pero hindi ko rin naman masisisi si Daddy, ang gusto niya lang naman ay mapabuti at maging ligtas ako. Kaya kahit labag sa loob ko, sumunod na lang ako. Ayaw ko na rin kasing dagdagan pa ang problema niya.

Kasalukuyan kasi ngayong may kinakaharap na malaking problema ang pamilya namin, especially si dad.

Hindi ko alam na matagal na pa lang lulong si daddy sa pagsusugal at kung hindi pa nagpunta sa bahay namin 'yong mga taga bangko ay hindi ko pa malalaman na patong-patong na pala ang utang niya–namin.

Nawala ang lahat sa amin, nahatak ang bahay, mga ari-arian at iba pa naming properties. Na-bankrupt kasi 'yong company at mga business namin.

Ang bilis ng mga pangyayari, bigla-bigla na lang nawala ang lahat sa amin. Para itong maihahalitulad sa isang lindol na bigla na lang dumating at yumanig sa buhay namin.

Nawala na nga sa amin ang lahat tapos meron pang masasamang taong tumutugis sa amin.

'Yong mga pinagkakautangan kasi ni daddy, minamadali na siyang magbayad, ginigipit na siya ng mga ito sa pamamagitan ng pagtakot at pagsindak sa kaniya. Pinapadalahan na siya ng mga death threats.

Alam na nga nilang lugmok na lugmok na kami tapos mas lalo pa nila kaming ginigipit at hinahatak pababa. Ano bang gusto nilang mangyari? Oo may utang kami, hindi namin iyon tatakasan.

Sana naman matututo silang maghintay. Hayaan muna nila kaming makabangon then saka namin sila babayaran. Pero sa ginagawa nila paano kami makakabayad? E, sinisindak at tinatakot nila kami!

Hindi rin naman kami makapag sumbong or maka hingi ng tulong sa pulis dahil 'yong iba dito ay hawak rin ng mga taong pinagkakautangan ni daddy, kasi like I said, makapangyarihan ang mga taong ito in underground world. Maimpluwensiya silang mga tao kaya pati batas kaya nilang hawakan at baliin.

Hindi ko alam kung anong tawag sa kanila, kung mga sindikato ba sila o mga mafia. Basta ang alam ko lang masasama sila at puro illegal ang ginagawa nila.

Hindi din ako aware na may nag-eexist pa lang mundo kung saan puro illegal ang ginagawa. At si daddy, hindi ko alam na kabilang pala siya sa mundong ito.

"Mam, ayos lang po ba kayo?" tanong sa akin ni mang Lando, driver namin. "Nakatulala ho kasi kayo."

"Ayos lang po ako," sagot ko pero sa totoo lang I'm not okay. Halo-halong emosiyon ang nararamdaman ko ngayon, takot, kaba at lungkot.

Takot, natatakot ako para kay daddy, para sa kaligtasan niya.

kaba, kinakabahan ako, hindi ko kayang mag-isa, hindi ko kayang hindi kasama si Daddy.

At Lungkot, nalulungkot ako kasi mapapahiwalay kami sa isa't isa.

All my life--simula't sapul siya lang ang kasama ko at laging nasa tabi ko.

My mother, namatay siya matapos akong ipanganak. Tanging sa litrato ko lang siya nakita. Sa mga kuwento lang ni Daddy ko siya nakilala, kung anong klaseng tao siya at kung gaano ako nito kamahal, kasi pinili niya na isilang pa rin ako–na buhayin ako kahit na ang kapalit ay buhay niya. Sayang lang at hindi ako nabigyan ng pagkakataong makasama siya at maramdaman ang pagmamahal niya,ng isang ina.

Wala na nga si mommy, tapos ngayon si daddy magkakalayo pa kami. Bakit pa kailangang dumating sa puntong ito? Puwede naman naming harapin ang mga problema ng magkasama, e.

Ang paglalakbay ng isipan ko ay natapos nang magsalitang muli si mang Lando.

"Mam, kung nagugutom ka na po, sabihin mo lang po sa akin para makahap po ako ng puwedeng mabilhan ng pagkain."

"Hindi na manong, hindi pa po ako nagugutom, tsaka may dala din po akong pagkain if ever man na magutom ako. Kayo po, baka nagugutom na po kayo? Kanina ka pa po nagda-drive. Puwede namang huminto ka muna sa pagmamanaho at kumain muna."

"Naku, mam, salamat po pero ayos pa po ako, kayang-kaya pa."

Muli ko na lang itinuon ang atensiyon ko sa labas ng bintana. Kahit papaano naaliw ako dahil sa ganda ng view ng mga nadadaanan namin.

"Mang Lando, malayo pa ba tayo?" tanong ko. Kanina pa kasi kami bumabiyahe.

"Oho, mam e." Sagot niya.

"Almost seven, hours na tayong bumabiyahe, malayo pa rin?" tanong ko pa.

"Ganoon ho talaga mam, gusto pong makasigurdo talaga ni Sir Evan na ligtas ho kayo at malayo sa gulo. Masiyado na po kasi talagang delikado kung magsasama pa kayo. Alam mo naman ho ang sitwasiyon ng daddy mo ngayon."

"E, Manong, hanggang kailan ko ba kailangalang magtago?" tanong ko. Tinanong ko na ito kay daddy pero wala naman siyang naibigay na sagot sa akin. Siguro ay masiyadong ng okyupado ang isipan niya dahil sa dami ng problema kaya wala na siyang panahon sa iba pang bagay--sa akin.

"Siguro mam, kapag natapos na ang problema ng daddy mo."

"Kailan naman po mangyayari iyon?" I hopelessly asked.

"Mam, tiwala lang po, tiwala lang po sa daddy mo. Para namang hindi mo kilala ang daddy mo, walang hindi kayang lagpasan iyon."

Tama. Ang dami nang dumaan na problema kay Daddy at lahat iyon nalagpasan niya. Ngayon pa ka kaya?

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon