Kabanata 7

491 7 0
                                    

Skyla Valderama's POV

LAGKIT na lagkit na ako sa katawan ko. Gusto ko nang maligo pero nagdadalawang isip ako. Kakainis naman kasi, e! Bakit ba walang sariling banyo ang kuwartong ito?

"Hoy, babae?" Si lalaking tagabundok, kumakatok sa pinto ng kuwarto ko.

At kailan pa siya natutong kumatok?

"Bakit ba? Ano namang kailangan mo?" Sigaw ko para marinig niya ako. Hindi ko siya pinagbuksan ng pinto. Ayaw kong makita ang ang pagmumukha niya.

"Hindi ka ba talaga kakain, ha?"

"Hindi nga 'di ba? Ayaw kong kainin ang madumi mong luto."

Nasaan na 'yong sinasabi niya na hindi niya ako pipilitin?

"Kumain ka na, kailangan mo ng lakas, marami tayong gagawin."

Napakamot ako sa ulo ko. "Blah, blah, blah, blah, blah! Wala akong naririnig letse ka!"

"Bubuksan mo ba itong pinto o sisirain ko 'to?"

Lagi niya na lang akong dinadaan sa pananakot niya. Si daddy nga hindi ako ginaganiyan, e! Buwiset siya!

Daddy, I miss you so much! Please kunin mo na ako sa monster na 'to. He's an asshole. Lagi niya akong sinisinghalan at sinusungitan.

Napaupo ako sa lapag at napayakap sa mga tuhod ko. Nagsimula ng matubig ang mga mata ko.

Gusto ko ng umuwi!

...

Alas Deogracia's POV

INUUBOS talaga ng batang iyon ang pasensiya ko.

Akala niya siguro hindi ko mamabuksan itong pinto. Diyan siya nagkakamali. Agent yata 'to.

Binuksan ko ang pinto at pabalya itong itinulak. "Napaka tigas talaga ng ulo m—" Natigilan ako, hindi ko natuloy pa ang sasabihin ko.

Si Skyla, nakasalampak siya sa sahig. Nilapitan ko siya. "Hey, are you okay?" tanong ko. I squatted para magpantay kami.She's crying, ngayon ko lang napansin.

"Ayos ka lang ba?" muli kong tanong.

"K-kuya, g-gusto ko nang u-umuwi," aniya at nagulat ako sa sunod niyang ginawa... she hugged me.

Kuya?

Damn! Bakit bigla akong nainis nang tinawag niya akong kuya?

Yumakap ang mga braso niya sa bewang ko at ang mukha niya ay isinubsob niya sa aking dibdib.

Naestatwa ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko---kung yayapin ko ba siya para i-comfort o—damn! Hindi ko na alam!

"P-please, kuya... take me home...
I want to go home!..."

Siguro masiyado akong naging malupit sa kaniya. Masiyado ko siyang binigla. I'm so insensitive!

Oh damn, Alas! May problema siya pero what did I do? Pinahirapan ko pa. Lumagpas na yata ako sa linya.

Now, anong gagawin ko? Paano ba magpatahan ng bata? Damn, bahala na nga!

"Skyla, alam mo namang hindi pa puwede 'di ba? Masiyado pang delikado," I said softly.

"B-but I miss my d-daddy!" parang batang sabi niya.

"And I'm sure your dad miss you too... Just trust him, magiging okay din ang lahat, malapit na." Masuyo kong bulong sa kaniya. Hindi ko namalayan na yakap ko na rin pala siya.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon