Kabanata 40

468 7 0
                                    

Alas Deogracia's POV

MABABALIW na ako! Si Skyla, wala siya dito sa bahay. Kanina ko pa siya hinahanap. Nalibot ka na itong buong baryo't lahat-lahat, pero ni anino niya hindi ko namatahan!

Napagtanong-tanong ko na siya sa mga kapit bahay pero ni isa kanila walang nakakita sa kaniya.

Saan ka ba kasi nagpunta, Skyla? Gusto mo bang masiraan ako ng ulo ng hindi oras?

Iniisip ko baka umalis siya dahil sa mga nasabi ko kagabi.

Damn! Kasalanaan ko 'to! Masiyado akong naging malupit sa kaniya! Ni hindi ko naisip na puwede siyang masaktan! You're so insensitive, Alas!

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kaniya.

Kung alam ko lang na aalis siya hindi ko na sana siya iniwan o 'di kaya naman ay sinama ko na lang siya!

Umalis ako kasi nakipagkita sa akin si Evrix. Nagpatulong siya sa akin about sa mission niya. Tungkol pa rin ito sa 'Black Diamonds Organization'.

'Yong nangyari kagabi. Hindi ko naman talaga gustong sabihin ang mga iyon kay Skyla, sadyang wala lang talaga akong pagpipilian.

Ano pang saysay kung sasabihin kong mahal ko rin siya kung hindi naman kami puwede 'di ba?

Gusto ko siyang ipaglaban sa ama niya, pero wala rin itong saysay dahil si Sir Evan, napaka maprinsipyo niyang tao, meron siyang isang salita. Hindi niya ito basta na lang babaliin. Panghahawakan niya ito kahit na anong mangyari. Malaki ang utang na loob ko kay Sir Evan, mataas ang respeto ko sa kaniya kaya hindi ko siya kayang suwayin at kalabanin.

'Yong malaman na mahal ako ni Skyla, damn! Ito na yata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko, pero 'yong nararamdaman kong ito... may kakambal na lungkot dahil ano pang silbi ng pagmamahal niya sa akin kung hindi ko naman ito mararanasan habang buhay? Kasi itong pagsasama namin ay may katapusan at nararamdaman kong malapit na ito.

Once maayos na ang lahat, babalik na siya sa totoong buhay niya, at hindi dito iyon, hindi sa piling ko. Kumbaga pinahiram lang siya sa akin at sa loob ng mga araw na iyon, kakaibang saya ang idinulot niya sa aking puso. Damn, nakakabaduy pala ang ma-in love!

"Alas, inutusan ko na ang mga tao ko na hanapin si Skyla. Tumulong na rin ang mga kabaranggay na natin sa paghahanp. Huwag kang mag-alala makikita din siya. " wika ni kapitan na nagpabalik sa akin sa huwisyo.

Hindi mag-alala? Paano ko magagawa iyon? Heto nga't mas malala pa diyan ang nararamdaman ko. Mababaliw na ako for Pete's sake!

"Nagkaroon ba kayo ng hindi pagkakaintindihan ni Skyla kaya siya umalis?" tanong pa ni kapitan.

"Hindi naman totally na hindi pagkakaintindihan. Medyo may nasabi lang akong hindi niya siguro matanggap," aniko.

"Ganiyan talaga ang mga babae, kahit si Aira kapag napagsabihan ko, kung saan-saan din nagsusuot."

"Iba naman si Skyla, kap. Hindi siya pamilyar dito sa lugar, baka maligaw siya!" napu-frustrate na sabi ko.

At si Skyla, may pagka bratinella iyon. Kapag sinumpong iyon, ang hirap ng paamuhin.

Nasa gitna kami ng pag-uusap ni kapitan ng biglang mag-ring ang telepono ko. Si Sir Evan, tumatawag.

Damn!

"Excuse lang kap, si Sir Evan tumatawag," ani ko kay kapitan bago ko sinagot ang tawag.

"Hello, Sir?" pagsisimula ko.

"Alas, si Skyla. Nasaan siya?" agad nitong tanong.

Sasabihin ko ba sa kaniya 'yong totoo?–Na nawawala si Skyla?

"Sir Evan may—"

"Bantayan mo siyang mabuti, Alas. Si Lando hawak siyang ng mga taong pinakakautangan ko. Baka takutin at sindakin nila ito para ituro ang kinalalagyan n'yo ni Skyla."

Para akong tinakasan ng hininga. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Ayaw kong isipin na baka nakuha nila si Skyla, pero paano nga kung—Oh, fvck! Huwag naman sana!...

"Alas, may problema ba?" seryong tanong ni Sir Evan.

Nilukob ako ng kaba. Tanging siya lang ang kaisa-isang taong kaya akong pakabahin ng ganito. Ang dami ko ng sinuong na gulo at mga rambulan. Halos isugal ko na nga ang buhay ko pero kailanman hindi ako natakot at kinabahan.

"S-Sir, si Skyla nawawala siya," kabadong sabi ko.

"Ano?" Napasigaw ito. "'Di ba sinasabi ko naman sayo na bantayan mo siyang mabuti!? Ano bang ginagawa mo, ha, Alas!? Simpleng bagay lang ang hinihingi ko sayo tapos hindi mo pa nagawa ng maayos?" malakulog na sigaw niya. "Ipinagkatiwala ko sayo ang kaligtasan at buhay ng anak ko, pero mukhang hindi pala dapat. Tandaan mo ito. Sa oras na may mangyaring masama sa anak ko... hindi ko alam ang magagawa ko sayo!"

"Sir, I assure you, ibabalik ko ng ligtas sayo si Skyla. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kaniya."

"Siguraduhin mo lang, Alas. Anak na ang turing ko sayo alam mo iyan, pero hindi ako magdadalawang isip na kantiin ka kapag may nangyaring masama sa anak kong si Skyla!"

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Sir Evan ay agad kong tinawagan si Evrix.

"Dre, kailangan ko ng tulong mo. Please, alamin mo naman kung may pumasok na sasakyan dito."

"Dre, mahirap iyan, napaka liblib ng kinalalagyan mo, walang mga cctv camera diyan na puwede kong ma-access."

"Dre, gumawa ka ng paraan! Si Skyla nawawala siya. At malakas ang kutob ko na 'yong mga taong pinakakautangan ng ama niya ang dumukot sa kaniya. At mga taong ito ay miyembro ng 'Black Diamonds Organization'. I need to find her, asap! Baka kung anong gawin ng mga iyon sa babaeng mahal ko!"

Damn, huwag lang silang magkakamaling hawakan ni dulo ng diliri niya, dahil ako mismo ang kikitil sa buhay nila!

"Woah! Dre, mahal pala, huh?" Nang-aasar pa ang loko. Sa haba ng sinabi ko, iyon pa talaga ang inuna niya.  Chismoso talaga amputa!

"Puwede ba, dre! Huwag mong unahin iyang pagkachismoso mo. Gawin mo 'yong pinapagawa ko. This is part of your job–your mission, kaya kumilos ka na!"

"Heto na nga, dre. Naghahanap na ako. Iniisa-isa ko na 'yong mga daan diyan sa inyo na may cctv camera."

Hindi n'yo kasi naitatanong magaling din itong si Evrix sa pang-ha-hack ng computer, sites or anything na may kinalaman sa internet at  technologies. Nagagawa niya itong ma-access at pasukin anytime he want. Kaya bagay na bagay talaga sa kaniya ang title niyang chismoso.

Wait for me, baby... ililigtas kita.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon