Kabanata 6

492 9 0
                                    

Skyla Valderama's POV

"ANO iyan? Iyan na ang dinner natin?" nakangiwi kong tanong. Ang nakikita ko ngayon sa mesa ay rice and fried fish. Hindi ko alam kung anong uri ito ng isda.

"Kung ayaw mo niyan, puwes wala na akong magagawa, bahala kang magutom," masungit na wika ni lalaking tagabundok na abala sa paglalagay ng pagkain sa kaniyang pinggan.

"Wala naman akong sinabing hindi ako kakain." Lumapit ako sa lamesa at pasalampak na naupo rito.

Nagsisimula nang kumain si lalaking tagabundok. Naka kamay lang siya.

"Kakain ka ba o titingin ka na lang sa akin?"

Agad akong nag-iwas ng tingin. "Kapal mo naman, hindi kaya ako nakatingin sayo," kaila ko.

Paano niya kaya nalamang nakatingin ako sa kaniya? E, ni hindi niya nga ako sinusulyapan.

"Hindi nga ba?" nakangisi niyang tanong.

Inirapan ko siya. "Nasaan ang kutsara at tinidor?" I changed the topic.

He chuckled. "Walang ganiyan dito."

"Ha? E, paano ako kakain?"

"Maliit na problema pinapakumplikado mo. Malamang gamitin mo iyang kamay mo. Alangan namang kamay ko 'di ba? Ano susubuan kita?" wika niya na punong-puno ng sarkasmo.

"Saksakan talaga ng kapal iyang pagmumukha mo 'no? Wala akong sinabi na subuan mo ako. Ang concern ko lang ay..." napakagat ako sa ibabang labi ko. "... h-hindi ako marunong magkamay, saka mainit 'yong kanin, baka mapaso ako.

Mahina siyang natawa habang bahagyang napapailing. "Tuturuan na lang kita." wika niya.

Wow! Bait naman. Tse!

At iyon nga tinuruan niya ako. Madali lang pala ang magkamay. At sa totoo lang mas masarap pa lang kumain kapag naka kamay, mas nakakaganang kumain.

Kumurot ako ng isda at isinawsaw ito sa toyo na may kalamansi tapos ay dumakot ako ng kanin at isinubo ito.

"Anong tawag sa isda na 'to?" tanong ko.

"Galunggong," tipid niyang sagot.

"Ang sarap. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito."

"Huwag kang mag-alala kasi palagi ka ng makakatikim niyan."

"Talaga?" Para akong bata na natuwa.

"Oo, at gulay na rin."

Wala naman akong isiyu sa gulay dahil kumakain naman ako nito.

"Puwede bang akin na lang 'to?" Tukoy ko sa natitirang isang isda. My gosh! ang dami kong nakain.

Tango lang isinagot niya sa akin.

*

HINDI ko na hinintay pa na utusan ako ni lalaking tagabundok, ako na ang nagkusang maghugas ng plato. I know naman kasi na sa akin niya rin ito ipapagawa. Pasalamat siya good mood ako ngayon, kasi ang sarap ng pinakain niya.

I just realized. Minsan kung ano pa ang mas simple iyon pa 'yong masarap. From now on paborito ko na ang fried galunggong.

Hindi na ako nahirapan sa paghuhugas ng plato dahil tinuruan na ako ni lalaking tagabundok. Thank God nagawa ko naman ito ng maayos at wala akong nababasag.

Pagkatapos kong maghugas ng plato ay lumabas na ako ng kusina kung saan naabutan ko sa sala si lalaking tagabundok. Nakahiga siya sa kahoy na upuan. Kahit malaki at mahaba 'yong upuan ay hindi pa rin ito enough para magkasiya siya dito. Ang higante niya ba naman kasi, e. Kawawang upuan, kung may buhay lang ito ay malamang nagreklamo na ito dahil sa bigat niya.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon