Kabanata 20

485 7 0
                                    

Alas Deogracia's POV

THANK God at nagawa ko siyang patahanin. Para kasing pinipiga ang puso ko nang makita siyang umiiyak at hindi ko manlang siya mapatahan.

Heto nga't karga-karga ko siya. Ang mga braso niya ay nakayap sa leeg ko, while her legs is around my waist. Ang mukha niya ay nakasubsob sa kanang balikat ko. Tumahan na siya but she's still sobbing.

Damn, our position is so damn ackward! 'Yong isang kamay ko ay nakaalalay sa likod niya, while other one ay nasa bandang ilalim ng pang-upo niya. Tapos naka-short lang siya kaya damang-dama ko sa palad ko ang malambot niyang balat.

Damn! Kanina pa ako nagpipigil ng hininga. Ang dami ko ng santong natawag para lang—damn! Ayaw ko na lang magsalita!

Anyway, nandito kami sa likod bahay. Dinala ko siya dito para mahimasmasan siya.

Sobra talaga siyang nakatakot na baka magalit ako kaya ganoon na lang ang pag-iyak niya. Na-trauma na yata siya sa akin dahil minsan ko na siyang sininghalan at sinigawan.

"A-alas, p-paano 'yong mga d-damit mo?" basag ang boses na tanong niya. "I'm sorry talaga... hindi ko tala—"

"Shhh... huwag mo nang isipin pa 'yong mga damit, it's just a clothes, like I said earlier, bibili tayo ng bago, so don't worry, okay?" I said softly.

"G-gusto ko lang naman labahan 'yong mga damit ko kasi wala na akong maisuot. A-ayaw ko namang pati iyon iasa ko pa sayo. Then naisip ko din na idamay na 'yong damit mo---I thought kaya ko... pero anong nangyari? Sinira ko 'yong mga damit, pati 'yong sayo nadamay sa katangha—"

"Hey, don't say that. Ayos na, okay? Hindi mo na kailangan mag-alala pa."

"G-galit ka ba sa akin dahil sa kapalpakan ko?"

'Yea, I mad... but it's not about the clothes. Galit ako sa sarili ko, kasi pakiramdam ko I failed, nabigo ako sa pagbabantay sa sayo.' Hindi ko na ito isinatig pa at sinarili na lang sa isipan ko.

"Hindi ako galit," ani ko na lang para hindi na siya mag-alala pa.

Damn! Bigla nag-flash sa isapan ko ang kamay niyang namumula. Hindi yata kinaya ng balat niya 'yong tapang ng sabon.

Ang tigas kasi ng ulo niya. Sinabihan ko na siya nag huwag nang gumawa ng gawaing bahay pero hindi naman nakinig. Dapat talaga sa kaniya bantayan twenty four-seven.

Now I know kung bakit ganoon na lang mag-alala si Sir Evan sa kaniya. Kailangan talagang bantayan ng maigi ang makulit niyang anak.

Buhat ko pa rin siya. Ang higpit nang yakap niya sa akin, parang ayaw niya pang bumaba. Hindi naman puwede na buhatin ko na lang siya magdamag. May kabigatan din siya. Mukha lang siyang magaan dahil payat siya pero hindi talaga.

"Skyla?" tawag ko sa kaniya. Hindi na siya kumikibo, nakatulog na yata. Yea, I think she is, kasi ang lalim na nang paghinga niya. "Skyla?" I call her again to make sure that she's really sleeping. No response. Tulog na tulog na ang makulit na dalaga.

Nakatulog na dahil sa kakaiyak at siguro dala na rin ng pagod dahil sa letseng paglalaba na iyan. Bakit ba kasi naimbento iyan? Tuloy nagkaganito pa si Skyla.

Maingat akong naglalakad pabalik at papasok sa bahay kung saan naabutan ko si Aira na nakaupo sa sala. Nandito pa rin pala siya.

"Mukhang nakatulog ang nobya mo," aniya.

"Yea, nakatulog kakaiyak," I said then slightly laughed.

Nagdire-diretso ako sa paglakad hanggang sa makarating ako sa kuwarto ni Skyla. Maingat ko siyang inihiga sa papag.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon