Kabanata 22

483 9 0
                                    

Skyla Valderama's POV


"MAMAMASIYAL tayo?" Hindi ko na naitago ang tuwa sa tinig ko.

"Uh-hmn. Baka kasi buryong-buryo ka na dito."

"Matagal na akong bored na bored dito sa bahay, ngayon mo lang napansin?"

Bahagya siyang natawa. "Alam ko, kaya nga kung ano-anong naiisip mong gawin."

"E, kung ipinapasiyal mo ba naman kasi ako--edi sana hindi ako naghahanap ng paglilibangan. Ang hirap kasi sayo lagi kang nagsosolo. Ikaw alis ka nang alis at gala nang gala, tapos ako iniiwan mo dito."

"Umaalis ako kasi may inaasikaso ako, hindi ako naggagala."

"Ano naman?" kyuryoso kong tanong.

"Basta."

"Babae mo siguro 'no? May nililigawan ka na 'no? " tudyo ko sa kaniya, pero sa totoo lang nakakaramdam ako ng inis. Ang isiping may ibang babae na umaaligid sa kaniya... parang pinipiga ang puso ko.

Kumunot ang noo niya, then he chuckled. "Sa tingin mo ba maisisingit ko pa iyan? Sayo pa nga lang kulang na ang oras ko."

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Ikaw lang ang babae sa buhay ko," aniya pa.

Sa ngayon, pero paano kung bumalik na sa okay ang lahat.

*

"SAAN mo ko ipapasiyal, Alas?"

"Siguro doon na lang muna tayo sa Lagwa falls."

"Wow! May talon dito? Yieee... gusto kong maligo. Sayang wala akong dalang swim suit."

Salubong ang kilay niya na napatitig sa akin.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

"Anong swim suit?–Walang magsusuot ng ganiyan," seryosong sabi niya.

"Hindi naman talaga makakapag-suot dahil 'wala nga di ba?'"

Tsaka kahit meron, ayaw ko ring magsuot... dahil ayaw kong makita mo. Iniisip ko pa lang hiyang-hiya na ako.

*

KASALUKUYAN kong inaayos ang gamit na dadalhin ko. Ang sabi ni Alas kaunti lang daw ang dalhin ko dahil mamasiyal lang daw kami. Magdala lang daw ako ng damit na pamalit at tuwalya para kung sakaling maisipan kong maligo.

Hindi man lang ako makapag-OOTD. Wala na kasi akong ibang damit, puro na lang—iyon nga, 'yong jogging pants at over-over size shirt na binili ng magaling na si Alas.

"Skyla?" katok ni Alas pinto ng kuwarto ko. "Hindi ka pa ba tapos? Aalis na tayo."

"Sandali lang, hindi pa ako tapos magbihis," sagot ko.

"Bilisan mo, kung ayaw mong iwanan kita."

Apaka atat niya naman.

"Opo-opo, daddy."

"What?–Anong daddy? Hindi mo ako tatay, oy!" Sunod-sunod niyang kinatok ang pinto.

Ang OA naman niya. Don't worry ayaw din kitang maging tatay.

"Skyla?" He's still knocking.

Apektadong-apektado lang, Alas?

Baka isipin ko niyan may gusto ka rin sa akin.

"Alas, naman! Paano ako matatapos magbihis kung panay ang kulit mo sa akin?"

Rinig na rinig ko ang malalim nitong pagbuntong hininga. "Bilisan mo kasi."

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon