Kabanata 5

510 7 0
                                    

Skyla Valderama's POV

"BAKIT na naman ba, ha?" tanong kay ginoong tagabundok. Nagbabasa 'yong tao tapos mang-iistorbo siya. E, halos kakaupo ko lang din dahil kakatapos niya lang akong turuan ng maghugas plato. In fairness sa kaniya marunong nga talaga siya.

Ngayon lang ako nakakilala ng lalaking marunong sa mga gawaing bahay. Tapos ako, kakababae kong tao daig niya pa ako.

"Tsaka puwede ba huwag ka ngang biglang pumapasok dito sa kuwarto. What if nagbibihis ako? Edi nasilipan mo pa ako? At huwag mong idadahilan sa akin na nagmamay-ari mo itong bulok na barong-barong na ito dahil hindi pa rin iyon valid reason para bigla ka na lang pumasok dito. Uso pong kumatok, Mr. Tagabundok," pagtataray ko.

Bigla na lang kasi siyang pumasok dito without my permission. Para siyang isang hari na pumasok at naupo sa papag. Take note nakahiga pa ako dito, tapos hindi pa kalakihan itong papag kaya ang lapit lang namin sa isa't isa. Tsaka ewan ko ba, every time na nagkakalapit kami tumatayo ang balahibo ko, naiilang ako.

Mahina siyang natawa. "Kahit naman makita kitang nakahubad... wala lang iyon sa akin, walang talab--walang epekto," aniya habang hinahagod nang tingin ang kabuuhan ko.

"A-anong gustong mong sabihin?--Na hindi ka nagagandahan sa akin, ganoon ba?"

Kung gaanon talaga ngang malabo ang mga mata mo!

"Hindi sa hindi ako nagagandahan sayo. Sadyang hindi lang ang katulad mo ang mga tipo ko. Isa pa para lang kitang nakababatang kapatid," aniya.

Bakit parang nasaktan ako sa sinabi niya? No--hindi. Maybe because it's the first time na may lalaking nagsabi sa akin ng sinabi niya. Tse! Siya pa talaga ang may lakas ng loob na sabihin ako ng ganiyan. Ang kapal talaga!

"FYI, for your information lang, Mr. Tagabundok, hindi rin po kita type. Hindi ka pasok sa standards ko. Masiyado kang matanda," asik ko sa kaniya.

He's a DOM kaya. Ni minsan hindi ko pinangarap na magkaroon ng boyfriend na 'Dirty Old Man'.

"So, anong mga type mo? 'Yong mga kaedaran mong hindi pa tuli?" Natatawang sabi niya.

Napangiwi ako sa sinabi niya. "At least sila may respeto sa babae unlike you." Inirapan ko siya.

"Marespeto nga ba talaga? O nagpapasikat lang sayo?"

"Huwag mong igaya ang lahat ng lalaki sayo. Mga gawain mo pinapasa mo sa iba." Inirapan ko siya.

"Ang hirap pa lang makipagsagutan sa bata, palaging may katuwiran," napapakamot sa batok na sabi niya habang ang mga mata niya ay punong-puno ng pagka aliw.

Nakakainis! Talaga bang bata ang tingin niya sa akin?

Puwes kung ako bata, siya naman matanda na!

"Bakit ka ba kasi nandito?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Pag-uusapan natin ang mga patakaran at mga dapat mong gawin sa bahay na ito," aniya.

Napabuntong hininga ako. "Spill it ng matapos na."

"Okay, ganito ang mga gagawin mo," pag-uumpisa niya.

Nakinig ako. As if I have a choice 'di ba?

"Una, bawal ang magising ng late, dapat saktong ala-singko ng umaga ay gising ka na."

"Seryoso ka diyan?--Really? Ganiyan kaaga? Ni hindi pa nga sumisikat ang araw niyan, e! Ano mas mauuna pa akong magising kaysa sa manok?"

"Okay sige, gawin na lang nating ala-sais."

"Still sobrang aga pa rin niyan. Hindi ko iyan kaya. Sanay ako na alas-nuwebe nagigising."

"Uulitin ko. Ala-sais dapat gising ka na," pinal na sabi niya.

"Bakit ba kailangan ganiyan kaaga?" Reklamo ko. Hindi ko kasi talaga kaya ang ganiyang kaaga.

"Kasi ikaw ang magluluto ng alamusal," he answered.

"A-ano?" Namilog ang mga mata ko. Seryoso ba siya sa pinapagawa niya sa akin? Gusto niya bang masunog ng 'di oras ang bahay niya?

"Huwag mo sabihing pati pagluluto hindi mo kaya?"

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. "H-hindi nga rin," ani ko sa maliit na tinig.

Napailing siya na para bang he's disappointed sa kaniyang narinig at nalaman.

"Kahit anong kayang lutuin, wala?"

Napapahiyang umiling ako sa mabagal na paraan.

Napabuntong hininga siya. "Gagawan na lang siguro natin ng paraan iyan."

Gusto ko ring matutong magluto kaya hindi na ako kumontra pa sa sinabi niya.

"At bukod sa pagluluto ay tutulungan mo rin ako sa pagtatanim," aniya pa.

"Teka, teka." Agad kong apila. "Anong pagtatanim na naman iyan? Anong alam ko sa bagay na iyan?"

"Sa pagtatanim tayo kumukuha ng pagkain."

Hayyy... ano pa nga bang aasahan ko sa isang magsasaka? At ngayon balak niya rin akong gawing magsasaka katulad niya.

Inismiran niya ako. "Kung ayaw mong magtanim puwes huwag kang kumain," dadag niya pa gamit ang malamig na tinig.

"Let's buy a food na lang. Siguro naman may pera ka 'di ba? Pero kung wala ka, ako meron." Meron pa naman akong naitabing pera galing sa mga allowance na ibinibigay sa akin ni daddy. Medyo may kalakihan pa ang halaga nito, siguro naman kasiya na ito sa amin hanggang sa maayos ni dad ang problema.

He sighed. "My house, my rules. Kung ayaw mong sumunod sa mga gusto ko bukas ang pinto, puwedeng kang umalis anumang oras."

"Ang impokrito mo naman! Ikaw na nga itong binibigyan ng pera, ikaw pa itong nag-iinarte! Kunwari ka pa na ayaw mo pero ang totoo gustong-gusto mo, kasi mga mukha kayong pera! Ganiyan naman kayong mahihirap 'di ba?"

Nagtagis ang bagang niya. Ang pagka-iritado ay bumakas sa kaniyang mukha.

Hindi ako na-guilty sa sinabi ko dahil totoo naman iyon, e. Kung tinamaan siya puwes hindi ko na kasalanan iyon!

He sighed again. "Nagkakaintindihan ba tayo sa mga gusto kong mangyari sa bahay na ito?" ma-autoridad na tanong niya. Binaliwala niya lang 'yong mga pang-iinsultong sinabi ko.

I rolled my eyes. "Para namang may pagpipilian ako."

"Kung ganoon lipat na tayo sa susunod."

"Hindi pa tapos?... Meron pa?"

"Yea, at marami pa."

Buwiset!

"Okay, fine! Sabihin mo na lahat ng gusto mong ipagawa," sarkastiko kong sabi. "Letse ka!" I murmured.

"Ikaw din ang maglilinis ng buong bahay," aniya.

"Teka nga! Parang iniisahan mo na ako, e! Ginagawa mo na akong katulong! Bakit parang ibinigay mo na lahat ng trabaho sa akin? E, ikaw anong gagawin mo? Hihilata lang? Magpapalaki lang ng tutot?" Akala niya siguro maiisahan niya ako. Sorry siya pero hindi ako papayag na gulangan niya ako!

"Tutot? Anong tutot?" He asked curiously while smiling naughtily.

Nag-init ang magkabili kong pisngi dahil sa tanong niya. I'm referring to his thing kasi.

"Kung wala ka ng sasabihin makakaalis ka na." Pagtataboy ko sa kaniya. Ayaw kong pag-usapan 'yong ano niya. Kunwari pa siya, I know naman na alam niya kung ano ang tinutukoy ko.

Humagalpak siya ng tawa, pero thank God dahil lumabas na siya.

Agad kong ni-lock ang pinto. Lesson learned, palagi ng mag-lo-lock ng pinto.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon