Skyla Valderama's POV
"A-ANO po bang balak n'yo sa akin? P-Please po... p-pakawalan n'yo na po ako!" makaawa ko.
Wala na dito 'yong boss nila. Kung kanina apat na lalaki lang 'yong nandito kasama ko, ngayon anim na sila. At meron pa akong natawan pangilan-ngilan sa labas kanina nang bumukas ang pinto.
"Puwede ba, tumahimik ka na nga! Kanina ka pa ngalngal ng ngalngal, naririndi na ako!" Singhal sa akin ng isang lalaki.
"Ibalik mo nga ang busal niyan! Naririndi na rin ako. Mamaya hindi ako makapagpigil, kung ano pa ang maisalpak ko sa bunganga niyan!" -lalaki 2
Lumapit sa akin si lalaki 1 at binusalan ang bunganga ko.
"Saan ba kasi nagpunta si bossing?" -lalaki 3
"Mukha bang alam ko, pre?" -lalaki 1
"Baka lang. Ikaw kaya itong palaging kausap ni bossing." -lalaki 3
"Sa tingin mo ba ganoon kami ka-close ni bossing para pati pupuntahan niya paalam niya sa akin?" -lalaki 1
Para naman tanga itong mga pangit na 'to!
"Mukhang kursunada ng bossing natin iyang si miss beautiful." -lalaki 4
"Sa tingin n'yo ba kapag tapos na si bossing na pagsawaan iyan, ibabalato na kaya niya sa atin iyan?" -lalaki 5
"Sa tingin ko naman, pero baka dumaan pa iyan sa mga katropa ni bossing." -lalaki 1
"Baka laspag na iyan kapag ipinasa atin." -lalaki 6
Gusto kong takpan ang magkabila kong tenga. Ayaw kong marinig ang mga kalaswaang pinagsasabi nila, mas lalo lang akong natatakot at kinikilabutan.
Alam na kaya ni Alas na nawawala ako?–Na na-kidnap ako?
How about si daddy?
Hinahanap na kaya nila ako sa mga oras ngayon?
Daddy, Alas... help me! Ayaw ko na dito!...
"Miss beautiful, huwag ka ng umiyak, kasi sinasayang mo lang ang luha mo. Huwag ka ng umasa na may magliligtas pa sayo dahil hindi na mangyayari iyon." -lalaki 1, at nagtawanan silang lahat.
"Mga repa, si bossing nandiyan na ulit." May pumasok na panibagong lalaki.
Agad napatayo ang mga hayop.
"Bossing," bati nila sa matandang dumating na dire-dretsong lumapit sa akin at agad na hinawakan ako sa panga.
Napaigik ako sa sakit dahil higpit na pagkakahak niya sa panga ko, para na ngang madudurog ang buto dito.
"That stupid father of yours, I already talked to him. He's willing to pay, kahit magkano, ibalik lang kita ng buhay sa kaniya. Gusto niya pang iniipit at idinadaan siya sa dahas bago magbayad!"
"Ikaw 'yong stupid!" Gusto kong ipagsigawan sa mukha niya iyan, pasalamat siya nakabusal ang bibig ko.
"Pero, siyempre bago kita iuwi sa inyo... maglalaro muna tayo. 'Your father said, ibalik lang kita ng buhay wala naman siyang sinabi na huwag kang galawin." nakangising sabi niya.
"No!" Umiling-iling ako para iparating sa kanila na against ako sa gusto nilang gawin sa akin.
Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa babuyin ng isang matandang hukluban na katulad niya!
"Boys, lumabas muna kayo. Kailangan namin ng privacy," ani pa ng matandang hukluban.
"Boss, baka naman puwedeng pagtapos mo kami naman ang makipaglaro sa kaniya?"
"Ilan ba kayo lahat?"
"Boss nasa bente kami."
"Hindi naman ako madamot... lahat kayo makakatikim."
"'Yon, oh!" Nahiyawan ang mga animal. No, kasi mas masahol pa pala sila sa hayop! Mga wala silang puso!
Dad, Alas. Nasaan na ba kayo? Bakit hindi n'yo pa ako nililigtas sa mga dimonyo na ito?
"Pagkatapos ko, puwede n'yo na siyang pagpasa-pasahan. Basta ba bago dumating ang umaga ay tigilan n'yo dahil bukas pagsikat ng araw ay kukunin na siya ng ama niya."
"Ano pang hinihintay n'yo? Lumabas na kayo! Iwan n'yo na kami." At nagsilabasan na ang mga tauhan nito.
"Huwag ka ng umiyak, hindi naman kita sasaktan basta ba magpaka bait ka lang." Tinanggal niya ang busal ko.
"P-parang awa n'yo na po... P-pakawalan n'yo na po a-ako!..." makaawa ko.
"Yes of course, Honey. Papakawalan kita pero bago iyon, paligayahin mo muna ako..."
Gusto kong masuka sa klaseng titig niya sa akin. Para siyang asong ulol na sasabik na sabik sa isang buto.
"H-huwag n'yo po akong pagsamantalahan, please!..." luhaang sabi ko.
"Shhh... Honey, mabilis lang naman tayo," anito at bigla na lang nitong pinunit ang pangtaas kong damit dahilan para lumuwa ang dibdib kong natatakapan ng puting bra.
"Don't!... H-huwag po!" makaawa ko pa. Nagpumiglas ako. Sinubukan kong kumawala sa pagkakatali ng mga kamay at paa ko pero walang nangyari, masiyadong mahigpit.
Titig na titig siya sa dibdib ko, kulang na lang maglaway siya.
Ambang isusubsob na nito ang mukha niya sa dibdib ko ng...
"Subukan mo lang... ng magkalat ang utak mo dito sa sahig."
Nabuhayan ako ng loob nang marinig ang boses na iyon... na wala iba kundi kay Alas. Ramdam ko ang galit at gigil sa tinig niya.
Pag-angat ko ng tingin ay agad na nagtama ang mga mata namin.
Mas lalo akong naiyak.
Thank you Lord, for senting him here to save me!
May hawak na baril si Alas at nakatutok ito sa sentido ng matanda kaya naman naestatwa ito at hindi naituloy pa ang balak niya sa akin.
Ang sunod na ginawa ni Alas ay hinapas niya sa ulo ng matanda ang baril na hawak niya na naging dahilan para mawalan ito ng malay.
Gusto kong sugurin ng yakap si Alas pero hindi ko magawa dahil nakatali ako.
"Ligtas ka na, baby..." Niyakap niya ako ng mahigpit.
Ang pag-iyak ay nauwi sa paghagulgol.
"Tahan na, nandito ako..." he said softly while caressing my head.
Hindi ko na nagawa pang magsalita, puro iyak na lang ako. 'Yong takot na nararamdaman ko mula pa kanina, ngayon lang tulyang lumabas.
"Ligtas ka na, iuuwi na kita..." aniya habang tinatanggal ang pagkakatali sa akin.
"A-alas, h-how about the other bad g-guys?" nag-aalala kong tanong.
"Ako ng bahala sa kanila, huwag mo na silang isipan pa. You don't need to worry dahil makakaalis tayo ng ligtas dito," anito at hinubad ang suot na t-shirt saka ito inabot sa akin. "Isuot mo."
Itatanong ko sana kung bakit at para saan ito, nang ma-realize kong sira nga pala ang damit ko. Dali-dali ko itong kinuha mula sa kamay niya at isinuot ito.
Pinamulahan ako ng mukha. Kaya pala hindi siya makatingin sa akin.
"S-salamat," aniko.
Tinanguan niya lang ako.
Dahil nga ibinigay niya sa akin ang t-shirt niya, heto siya ngayon naka-topless na lang.
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...