Skyla Valderama's POV
PAUWI na kami ngayon, nagbibihis lang ako dito sa likod ng malaking bato. Nagpalit ako ng t-shirt, iyon lang ang pinalitan ko. Hindi kasi ako nakapagdala ng pamalit na jogging pants. Hindi na rin ako nag-abalang mag palit pa ng damit panloob, sa bahay na lang siguro, maliligo rin naman ako pagdating ko.
Whala! I'm done.
Medyo nagtagal din kami dito, kung hindi ako nagkakamali ay pasadong alas tres na ng hapon. Dumating kami dito kanina ng alas-otso kaya nasa anim na oras din kaming namalagi dito. Puro ligo at kain lang ang ginawa namin. Sayang kung may cellphone lang ako edi sana nakapag picture-picture ako.
Pinagsawa ko ang sarili ko sa pagligo dahil hindi ko na alam kung kailan ulit ako o kami makakabalik sa napaka gandang lugar na ito. Sana maisipan ulit ni Alas na ipasiyal ako. Alam n'yo naman ang lalaking iyon sala sa init, sala sa lamig; pasumpong-sumpong ang mood.
And speaking of Alas, hindi na siya nag-abala pang magpalit, bale isinuot niya lang 'yong t-shirt na hinubad niya kanina.
"Tapos ka na?" tanong niya sa akin habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuhan ko.
Tango lang ang isinagot ko.
He sighed. "Wear this, baka lamigin ka." May iniabot siya sa aking jacket.
Abutin ko na sana ito para isuot kaso inilayo niya ito sa akin.
Akala ko pa naman nagbago na ang isip niya–na hindi niya na ito ipapahiram sa akin... hindi pala dahil...
Tinawid niya ang Kaunting distansiya namin at siya na mismo ang nagsuot sa akin ng jacket.
"S-salamat," aniko.
"Pagdating natin sa bahay maligo ka agad, ipag-iinit kita ng tubig, masiyado kang nagbabad sa tubig, baka sipunin ka."
Parang hinaplos ang puso sa mga sinabi niya. He's really caring.
Huwag kang ganiyan, Alas. Mas lalo lang akong nahuhulog sayo.
"Tara na," aniya at hinawakan ako sa kamay.
Magkahawak kamay kaming umalis sa Lagwa falls. At habang naglalakad kami ay panay ang tanong ko sa kaniya ng kung ano-anong bagay. Gusto ko pa kasi siyang makilala ng lubusan.
"Alas, na nagka-girlfriend ka na ba?" tanong ko. Iyan 'yong unang pumasok na tanong sa isipan ko, e.
"Hindi pa," tipid niyang sagot.
Nanlaki ang mga mata ko.
Wala pa?
Hindi nga?
Is he serious?
Ang hirap naman paniwalaan no'n. Hindi naman sa may pagka judgmental ako pero kasi, ang first impression ko sa kaniya ay womanizer, parang fvckboy gano'n.
"Hindi pa?—'Di nga? Seryoso?"
"Uh-hmn, wala."
"Weh?--Wala pa talaga? Mamatay ka man?"
He chuckled. "Wala nga. Bakit hindi ka ba makapaniwala dahil sa guwapo kong 'to?"
Napatanga ako sinabi niya. Tell me si Alas ba itong kausap ko? Hindi naman ako na-inform na sanay rin pala siyang magyabang. Sabagay may ipagyayabang naman, e.
"Mahangin ka rin pala 'no?"
Natawa siya. "Well, nagsasabi lang ako ng totoo." Nagkibit balikat siya.
"Bakit ang hirap paniwalaan?–Ikaw, hindi pa nagka-girlfriend? Parang ang imposible naman no'n."
Ang isang katulad ni Alas ay paniguradong hahabulin ng mga kababaihan at imposible namang wala siyang natipuhan sa mga babaeng umaaligid sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...