Alas Deogracia's POV
I'M a secret agent, kakatapos lang ng mission ko sa US, almost five years din ako doon.
Bansang Pilipinas talaga ang pinaglilingkuran ko, nadistino lang ako sa US dahil nandito ang mga taong tinatrabaho ko.
Umuwi ako dito sa Pilipinas para magpahinga at magbakasiyon.
Binigyan ako ng isang buwan na bakasiyon, this is my reward because I accomplished my mission. Nagawa ko ng buong husay ang ibinigay sa aking trabaho. Kaso imbes na makapagpahinga ako ay trabaho ang sumalubong sa akin.
Hindi ko naman matanggihan dahil malaki ang utang na loob ko sa taong ito. Siya kasi ang dahilan kung bakit narating ko kung ano ako ngayon. Evan Valderama, ang taong nagpaaral sa akin. He's like a father to me. Siya 'yong lalaking talaga namang sobrang hinahangaan ko bukod sa aking ama.
My parents? Matagal na silang patay bata pa lang ako. Anong ikinamatay nila? Bombing. Naging battle field kasi itong province namin ng mga teroristas at sundalo twenty years ago. One of the reasons kung bakit ako pumasok bilang secret agent.
Bakit secret agent at hindi sundalo? Limitado lang kasi ang kayang gawin ng isang sundalo unlike secret agent.
Anyway, ang trabahong sumalubong sa akin ay... Gusto ni Sir. Evan Valderama na bantayan ko ang nag-iisa niyang anak na babae. Skyla Valdrema, the name of his daughter. Sa ngayon kasi may malaki itong problemang kinakaharap. Hiniling niyang bantayan ko ang anak niya.
I ask him kung may maitutulong pa ba ako sa kaniya. I offered to pay his debts, tutal may pera na naman ako. Siguro paraan ko na rin ito para magpasalamat sa kaniya sa pagtulong sa akin noong panahon na walang-wala ako. At ngayon ako naman ang tutulong sa kaniya kahit pa maubos ang lahat na perang naipon ko. But sadly he refused the help I offered.
I offered too na ako na trumabaho sa mga taong pinagkakautangan niya. Kayang-kaya ko silang ipakulong, pero hindi nga lang ganoon kadali dahil ang pagkakaalam ko, ang mga taong ito ay makapangyarihan sa mundo ng underground. Mga maimpluwensiya sila kaya mahirap silang pabagsakin. Marami silang galamay, hindi lang dito sa pilipinas kundi around Asia. Ganoon kalawak ang transaction sa underground world. But he refused it again.
Sabagay, ano pang aasahan ko sa isang Evran Valderama? Siya 'yong tipo ng taong hindi tatanggap ng tulong mula sa iba hanggat hindi niya nasusubukan o nagagawa ang lahat para lutasin ang isang problem on his own.
Ang tanging hiniling niya lang sa akin ay protektahan ko ang anak niya. Na maging ligtas ito at mailayo sa gulo.
Ako lang daw kasi ang pinagkakatiwalaan niya pagdating sa kaligtasan at pagprotekta sa kaniyang prinsesa.
Sino ba ako para tanggihan ang taong nag-angat sa akin sa putikan? Hindi ko siya bibiguin.
Ngayon ko pa lang makikita ang anak niya sa personal, kadalasan puro sa litrato lang. At ang masasabi kong lang, napaka ganda nito. Paano na lang kaya sa personal?
Nandito ako probinsiya. Ang sabi Sir Evan ay ipapahatid niya na lang ang anak niya dito.
I do some research about his daughter at napag-alaman kong may pagka-bratinella ito.
Tsk! Subukan niya lang akong paandaran ng kaartehan niya kung hindi makakatikim siya sa akin.
Hindi siya uubra sa akin, kung si Sir Evan hinahayaan lang siya... puwes ako hindi. Hindi puwede sa akin ang pagiging spoiled brat niya. Ako ang didisiplina sa kaniya.
Tsaka kay Sir Evan na rin naman galing na kung magpapasaway daw ang anak niya, ako na ang bahala. Tamang-tama maraming patpat dito sa tabi-tabi.
Nagpasiya akong dito na lang kami tumuloy sa isang kubo.
Itong kubo na ito ay dati naming bahay. Naging abala ako masiyado kaya nabayaan ko na. But I'm planning na ipaayos at pagandahin ito. Mahalaga sa akin ang lugar na ito dahil ito na lang ang tanging naiwan sa akin ng parents ko. Isa pa para naman may mauwian ako.
Pero sa ngayon mukhang hindi ko muna ito maaasikaso na maipaayos dahil gagamitin ko muna ito. Like I said earlier, dito kami tutuloy ng unica hija ni Sir Evan.
Bakit dito?
Gusto kasi ni Sir Evan na maging simple lang ang buhay ng anak niya para hindi ito matunton ng mga pinagkakautangan at nagtatangka sa buhay niya.
Simpleng buhay ba ang gusto niya para sa anak niya? Sige ibibigay ko, madali naman akong kausap. Buhay probinsiya ang ipaparanas ko sa kaniya.
Tumingin ako sa wrist watch ko. Alas onse na ng gabi.
Hindi na ako magtataka kung bakit ang tagal nila. Liblib kasi itong probinsiya at pasikot-sikot din ang daan papunta dito sa baryo.
Ilang saglit lang ay may narinig na akong tunog nang padating na sasakyan.
Ayan na sila.
Tumayo ako sa prente kong pagkakaupo at tinungo ang labas.
"Magandang gabi, Sir Alas." Bati sa akin ni mang Lando. "Long time no see, Sir. Aba'y no'ng huli tayong magkita ay bagito ka pa, pero ngayon ibang-iba ka na. Lalo kang gumandang lalaki."
"Tagal na nga rin mang Lando. At hanggang ngayon nasa mga Valderama pa rin kayo." Patunay lang na maganda ang pakikitungo sa kaniya ng mga ito. Halos dito na rin ito tumanda.
"Ganoon talaga, Sir Alas. Malaki ang utang na loob ko sa mga Valderama, dahil sa kanila ay napagamot ko ang anak ko. Utang ko sa kanila ang buhay ng anak ko. Sabi ko nga,
anuman ang mangyari hindi ko sila iiwan, hanggat kaya ko pa paglilikuran ko sila. Alam kong alam mo ang nararamdaman ko, Sir Alas."Napaka bait talaga ng mga Valderama, lalo na si Sir Evan, pero ewan ko lang dito sa unica hija niya.
"Alas na lang mang Lando, huwag mo na akong i-sir, para namang iba ka na sa akin."
"Sir Alas, aba'y iba ka naman talaga sa akin, aba'y sino makakapag sabi na magiging isang sundalo."
Ang pagkakaalam nila sundalo ako, even Sir Evan.
Ok, para hindi kayo maguluhan. Ganito kasi iyan, nag-training ako to become a soldier pero no'ng malaman ko 'yong tungkol sa pagiging secret agent, na meron pa lang ganito ay hindi na agad ako nagdalawang isip na pasukin ito. Sundalo pa rin ako pero mas gusto ko ang pagiging secret agent.
"Oo nga pala, Sir Alas. Si mam Skyla, tulog na po." Binuksan nito 'yong pinto ng back seat kung saan bumungad sa amin ang dalagang mahimbing na natutulog. May suot itong neck pillow kaya naman kahit papaano hindi ito na nahihirapan na matulog nang nakaupo. Ambang gigisingin na nito ang dalaga nang mabalis ko itong pinigilan.
"Huwag mo na siyang gisingin, mang Lando. Bunuhatin ko na lang siya."
"Mabuti pa nga, Sir. Kawawang bata, mukhang labis na napagod sa biyahe."
Tumabi si manong Lando para makaraan ako at malapitan ang dalagang halatang sobrang ngang napagod sa biyahe. Napakahimbing ng tulog niya.
Napatitig ako sa mukha niya. Tama ako, napaka ganda nga niya sa personal. Napaka amo ng kaniyang mukha, parang siyang isang anghel, ni hindi mo iisipin na bratinella ito.
Maingat ko siyang binuhat at ipinasok sa bahay. Idiniretso ko na siya sa kaisa-isang kuwartong meron ang bahay na ito. Siya na dito sa kuwarto. Doon na lang ako sa sala.
Dahan-dahan ko siyang inihiga sa papag at kinumtan. Nang masiguro kong kumportable na siya sa pagkakahiga niya iniwan ko na siya para balikan si mang Lando sa labas.
"Sir Alas, mauna na rin po ako." Pagpapaalam ni mang Lando.
"Teka, hindi ka ba muna magpapahinga at magpapalipas ng gabi? Dumito ka muna, masiyado ng malalim ang gabi. Delikado na sa daan, isa pa alam kong pagod ka na," wika ko.
"Hindi na, Sir. Nakapagpahinga naman ako kanina. Tsaka kailangan ako ni Sir Evan ngayon."
Hindi ko na siya napilit pa. Talagang desidido na siyang umalis kaagad.
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...