Skyla Valderama's POV
KAGIGISING ko lang pero si Alas na agad ang hinahanap ng aking mga mata. Ni hindi pa nga ako nakakapaghilamos at nakakapagsuklay.
Nagtungo ako sa likod bahay. Nandito siya pero hindi siya nag-iisa... may kasama siyang babae at kung hindi ako nagkakamali siya 'yong anak ni kapitan. I forgot her name.
Nakaupo sila sa bangko, magkatabi... at nagtatawanan na para bang sobrang close nila sa isa't isa.
Hindi ko gusto ang nasasaksihan ng dalawang mata ko.
Bakit ganito?
Bakit biglang kimirot ang puso ko?
Bakit nasasaktan ako?
I decided na bumalik na lang sa loob--sa kuwarto ko. Bigla akong tinamad, matutulog na lang ulit ako.
Humiga ako sa papag at ipinikit ang aking mga mata... pero hindi na ako nakaramdam pa ng antok. Natulala na lang sa kisame.
Bakit kaya naligaw ang Aira na iyon dito? Yep, I remember her name na.
Close pala sila ni Alas.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba akong nakatulala.
"Knock, knock!" ... "Skyla, gising ka na ba?" Si Alas. He's outside of my room.
Hindi ako sumagot.
"Skyla?" muling katok ni Alas.
Tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Bahala siya. Doon siya sa Aira niya makipag-usap.
Hindi na siya kumatok kaya akala ko hahayaan niya na ako... hindi pala dahil ang sumunod na nangyari ay narinig ko na lang ang tunong nang pagbukas ng pinto. Paano niya kaya ito nabuksan?
"Skyla, still sleeping?" ang yapak niya ay papalapit na sa akin.
Hindi ako sumagot. Ayaw ko siyang makausap, kaya nagpanggap na lang akong tulog.
Naramdaman ko ang pagupo niya sa papag, sa gawing tagiliran ko. At halos mapatigil ako sa paghinga at magtayuan ang balahibo ko ng... maramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko. Hinahaplos-haplos niya ito.
Hindi ko man nakikita pero ramdam ang pagtitig niya sa akin.
"Ang takaw sa tulog, tanghali na mahal na señorita." natatawang bulong niya, but there is something in his voice, it's very soft--na malambing. "Hahayaan muna kitang matulog diyan, pero kapag mamaya hindi ka pa nagising, gigisingin na kita. Hindi kqcpuwedeng mag-skip ng breakfast," aniya.
Heto na naman ang puso ko. Ang bilis-bilis na naman ng tibok.
Buti na lang at hindi na siya nagtagal pa dito sa kuwarto kundi baka kinapos na ako ng hininga. Nakaka-kapos kasi ng hininga ang presensiya niya, dagdagan pa ng mga salitang sinabi niya.
Kaya nang pagkalabas na pagkalabas niya sa kuwarto, agad akong napabalikwas nang bangon.
Ano ba itong nararamdaman ko?
Hindi kaya?...
...
Alas Deogracia's POV
BALAK ko na sanang gisingin na si Skyla dahil mag-aalas diyes na, pero mukhang hindi na kailangan dahil bumukas na ang pinto ng kuwarto niya at iniluwa siya.
Kung ganito naman palagi kaganda ang bubungad sa akin tuwing umaga... panigurado buong araw akong nasa mood.
Bakit kaya siya nakasimangot? But still maganda pa rin.
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...