Kabanata 30

490 5 0
                                    

Skyla Valderama's POV

PAGPASOK pa lang namin sa gate ng bahay nila Aira ay sinalubong na kami ni kapitan.

"Magandang gabi, kap." Bati ni Alas sa kapitan.

"Good evening po," bati ko rin kay kapitan.

"Magandang gabi din sa inyo. Hali kayo pasok, kanina pa kayo inaantay ni Helen. Tumuloy kami sa bahay ni kapitan.

"Hey, kalma hindi nangangain ang mga tao dito," bulong sa akin ni Alas. "Isa pa, hindi naman ito ang unang beses na nakapunta ka dito. Hindi ka dapat kabahan, nandito lang ako."

"Hindi naman ako kinakahaban," nakangusong sabi ko.

He chuckled. "Hindi daw kaya pala ang lamig ng lamig ng kamay mo at hindi lang iyon, ang higpit pa ng hawak mo," nakangising sabi niya.

Napasulyap ako sa mga kamay naming magka-intertwined. "Kunwari ka pa, I know gustong-gusto mo naman," tudyo ko sa kaniya.

"Yea, I really want how you hold me tight. Gustong-gusto ko ang mahigpit mong hawak, kung puwede nga lang ayaw ko nang kumawala pa. Ikaw tatanungin kita, kapag ba ikaw ang hinawakan ko ng mahigipit. Kakawala ka?" tanong niya.

"Hindi, Alas. Kahit pa habang buhay mo akong hawakan ng mahigpit," sagot ko.

Kung ang paghawak mo sa akin ay mangangahulan na makakasama kita habang buhay... sige ba, gusto ko, gustong-gusto ko.

Sinundan namin si kapitan hanggang sa makarating kami sa komedor kung saan naabutan naming nakaupo sa hapag ang isang babaeng may edad na pero angat pa rin ang ganda nito, ito na siguro ang ina ni Aira. Hindi ko siya nakita no'ng birthday ni kapitan. Siguro ay wala siya no'ng araw na iyon, baka may pinagkakaabalahan.

"Magandang gabi, tita," bati ni Alas sa ginang.

"Ano ka ba, Alas, ang tagal ko ng sinasabi sa iyon na mama na lang rin ang itawag mo sa akin, hindi ka na rin naman iba sa amin," ani ng mama ni Aira.

"Sanay na ho ako sa tita," nahihiyang sabi ni Alas habang napapakamot sa likod ng ulo.

"Ah basta, sanayin mo na ang sarili mo na mama na lang," ani pa ng ginang, tapos ay bumaling naman ito ng tingin sa akin.

"Good evening, po," bati ko rito.

Nginitian niya ako pero halang pilit lang ito."Ikaw na ba ang nobya ni Alas? tanong nito.

"Opo," sagot ko.

"Tita, Helen. This is Skyla, my girlfriend," pakilala sa akin ni Alas.

"Totoo nga na napakaganda talaga ng nobya mo, Alas."

"She really is, tita. Inside and out, she's beautiful," ani ni Alas and the way he say it para bang sobra niya akong ipinagmamalaki.

"S-salamat po," nagpasalamat din ako sa ginang.

"Nasaan na ba si Aira? Nang makakain na tayo?" Si kapitan.

"Nasa taas pa, nagpapaganda yata para kay Alas," ani ng ginang.

"Mabuti pa maupo na tayo at magkuwentuha na muna habang hinihintay natin si Aira," wika ng Kapitan.

"Alas hijo, ako ang nagluto ng lahat ng iyan, mga paborito mo iyan. Alam kong kasing na-miss mo ng kumain ng mga lutong bahay."

"Oho, tita. Na-miss ko ang luto n'yong napaka sarap, panigurado magugustuhan ito ni Skyla." Bumaling sa akin si Alas.

"Mukhang masarap po lahat, excited na po akong matikman," ani ko.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon