Kabanata 3

606 9 0
                                    

Skyla Valderama's POV

NANDITO kami ngayon ni lalaking tagabundok sa kusina, nag-aagahan. Abala siya sa pagsimsim ng kape habang nagbabasa ng diyaryo.

Biruin n'yo nakakaabot pala 'yong diyaryo dito? Kahit paano naman pala ay updated ang mga tao dito sa nangyayari sa mundo.

Sinipat ko ang almusal na nakahain sa lames. Kung hindi ako nagkakamali ay kapeng barako ang tawag sa kulay itim na kapeng ito. At itong isa naman ay nilagang kamote. Iyan ang nasa hapag, iyan daw ang almusal ko. Seryoso ba talaga siya na iyan ang ipapakain niya sa akin? Like ewww! I won't eat that trash!

"Tititigan mo na lang ba iyan? Hindi ka ba kakain? O baka naman gusto mo may magsusubo pa sayo?" Ngayon nasa akin na ang tingin ni lalaking taga bundok.

"A-ano kasi... ayaw ko niyan," nakalabing sabi ko. Hindi ako kumakain ng ganiyang pagkain. Halata naman kasing hindi masarap at baka sumakit lang ang tiyan ko diyan. Maselan pa naman ang tiyan ko. Hindi ako kumakain ng basta-bastang pagkain.

"Bakit ano bang gusto mo?" tanong niya.

"I want pancakes and bacon," sagot ko. Mas lalo tuloy akong nagutom.

Tinawanan niya lang ako. Isang tawa na para bang nakarinig siya ng joke. "Pancakes? Bacon? Pasensiya na mahal señorita ngunit hindi ko maibibigay iyang gusto mo," natatawa na may halong pagkasarkastikong sabi niya. "Kung anong nasa lamesa, kainin mo. Huwag kang mag-inarte hindi ubra dito iyan. Walang lugar ang kaartehan dito. Kung ayaw mong mamatay sa gutom puwes alisin mo iyang kaartehan mo."

I rolled my eyes. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? I said ayaw ko niyan! Gusto ko ng matinong pagkain."

"Ayaw mo niyan?–Okay, madali lang naman akong kasusap." Tumayo siya sa pagkakaupo niya at walang sabi-sabing kinuha ang pagkaing nasa harapan ko. "Ako na lang ang kakain nito. Bahala kang magutom diyan. Ang arte-arte mo."

Haist! Bahala na nga. Gutom na talaga ako.

"S-sandali... " Pigil ko sa kaniya. "K-kakain na ako, k-kakainin ko na iyan..."

"Akala ko ba ayaw mo nito?"

"A-ayaw ko niyan pero wala naman akong pagpipilian 'di ba?" Nakalimutan ko mahirap nga lang pala siya, kaya hindi na dapat ako magtaka kung bakit ganito ang mga pagkain niya.

Muli niyang ibinalik sa akin ang pagkain. Pikit mata kong kinain ang nilagang kamote. First time kong kumain ng ganito at in fairness hindi naman pala masama, masarap naman. 'Yong kape, hindi ko talaga gusto ang black coffee dahil masiyadong matapang, pero it's not my first time na makakatikim ng ganito. Si daddy mahilig sa ganitong kape, ako kasi ang nagtitimpla ng kape niya. Gustong-gusto niya ang timpla ko, ang sabi niya masarap daw.

"Bilisan mong kumain diyan nang masabi ko na sayo ang mga kailangan mong gawin dito sa bahay."

Naningkit ang mga mata ko. "What do you mean of that? Anong mga gawin dito sa bahay?"

"Hindi naman kasi puwedeng magbuhay prinsesa ka na lang dito, kailangan mo rin kumilos at tumulong sa mga gawaing bahay lalo na sa pagtatanim na kakainin din naman natin."

"Nahihibang ka na ba? Sino ka para utusan ako, ha? Baka nakakalimutan mo, utusan ka lang ni daddy! Wala kang karapatan para na tratuhin ako ng ganito!--Na parang ako pa 'yong utusan sa ating dalawa!"

He snorted. "Oo, inutusan ako ng daddy mo para bantayan ka at ang ibig sabihin lang nito ay ako na muna ang tatayo mong magulang, kaya I have all rights to commands you and 'discipline' you."

Ako lang ba o talagang inemphasize niya 'yong salitang 'discipline'? Do I look undisciplined?

"Ang kapal naman ng mukha mo. Ano baka gusto mo rin na tawagin kitang daddy?" I said in sarcastic tone. Tsaka in fairness sa kaniya,  hindi naman pala siya ganoon kaignorante, marunong din naman pala siyang mag-english.

He chuckled "Kung ganoon... dapat bang tawagin din kitang... baby, hmn?"

Napatanga ako sa sinabi niya?—Este napatulala pala.

He smirked. "Kung katulad mo lang naman ang magiging anak ko... mas gugustihin ko na lang maging binata habang buhay.

"Teka nga! Akala mo hindi ko napapansin? 'Yong totoo may galit ka ba sa akin, ha? O sadyang magaspang lang talaga iyang ugali mo? Napaka ungentleman mo! Ganiyan ka ba mangtrato ng babae?"

Kibit balikat ang sinagot niya sa akin at tinalikuran na ako

Ang bastos! Kinakausap ko pa siya tapos tatalikuran niya ako?

Napaka presko niya!

...

Alas Deogracia's POV

HINDI ako makapaniwalang anak siya ni Sir Evan. Kung anong kinabait ng ama niya ay siya namang ikinapangit ng ugali niya. Pero hindi ko namang magawang mainis sa kaniya dahil sa totoo lang naaaliw pa nga ako sa kaniya.

Skyla, kung inaakala mo na uubra sa akin iyang mga katarayan mo, puwes 'you are wrong. Patibayan na lang tayong dalawa, mahal na señorita.

Nagtungo ako sa likod bahay at naupo sa bangkong gawa sa kahoy na pinaluma na ng panahon.

Itong kubo rin, lumang-luma na pero maayos pa naman, puwede pang tirahan. Huwag lang babagyo ng malakas dahil kung hindi wala na.

At buti na lang din malayo kami sa ibang kabahayan. Mahirap na, magandang babae si Skyla, ayaw kong may umaligid na lalaki sa kaniya kasi panigurado dagdag sakit lang iyon sa ulo ko. Saka na siya mang-entertain ng lalaki kapag hindi na ako ang nagbabantay sa kaniya—No, no! Hindi, hindi pa rin pala puwede kasi bata pa siya.

Kung hindi ako nagkakamali ay disisyete anyos pa lang siya. Bata pa. Kaya hindi pa talaga puwedeng mag-boyfriend.

At ang balita ko pa, hindi pa rin pala siya nagkaka-boyfriend. Mabuti naman kung ganoon, at least kahit papaano ay nabasawan ang sakit ng ulo sa kaniya ni Sir Evan.

"Hoy, Mr. Antipatiko?"

Napalingon ako ng marinig ko ang bratinella. Iba rin, Mr Antipatiko? Ako pa talaga ang sinabihan niyang antipatiko.

Naglalakad siya papalalapit sa akin.

Ano na naman kayang problema ng batang 'to?

"Tapos na akong kumain, ligpitin mo na 'yong pinagkainan ko." Utos niya.

Wow! Ano ako katulong niya? Ibang klase talaga. Hindi niya ba naintindihan ang sinabi ko kanina? Na hindi siya puwedeng umasta na parang isang prinsesa dito, dahil iba na ang buhay niya ngayon. Ako ang magbabantay sa kaniya kaya ako ang masusunod.

"Sayong pinagkainan iyon 'di ba? Puwes ikaw ang magligpit." Malamig na sabi ko.

"Edi ba utusan ka ni daddy? So, definitely utusan din kita--that I'm your boss too."

Ayos, good luck sa akin. Mukhang tatanda ako ng 'di oras dahil sa batang 'to.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon