Kabanata 49

611 8 0
                                    

Skyla Valderama's POV

"ANO ba iyan, hindi ka pa rin marunong magluto?" Si Alas na bigla na lang lumitaw sa tabi ko. Abala ako sa pagluluto. Oo, marunong na ako. Mema lang talaga itong si Alas.

"Pake mo ba? Hinihingi ko ba ang opinyon mo?" Pagtataray ko.

"Sungit," he murmured.

"Kung ayaw mong masungitan, puwes huwag mo akong kausapin," ani ko at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa nululutong pancake.

"Masarap ba iyan?" tanong niya.

"Naman, ako nagluto nito, e. Saka hindi ka rin naman makakatikim kasi para sa akin lang ito."

"Daya. 'Yong luto ko kinakain mo, tapos 'yong sayo hindi ko puwedeng kainin?"

"So, sinusumbat mo sa akin, ganoon?"

"Skyla, hindi iyan ibig kong sabihin..."

"Ibalik mo na kasi ako sa amin, para naman hindi kita naabala at para hindi ka nagrereklamo diyan!"

"Skyla, hindi sa gano'n—"

"Hindi daw, e kakasabi mo nga lang!"

"You know what Skyla, kung inaakala mo na madadaan mo ako sa mga pagtataray at pagsusungit mo... nagkakamali ka, pero pasensiyahan tayo dahil kapag ako napikon sayo... humanda ka dahil masarap ako gumanti... " Bigla niyang inilapit sa akin ang mukha niya.

Napalunok ako. "Masarap? Mga gaano kasarap? Matapang kong tanong.

"Gusto mong matikman? He licked his lower lip.

"Thanks but no thanks, baka ma-disappoint lang ako."

"Hindi ko rin naman basta ipapatikim sayo, kailangan muna ng password."

"Dami mong alam, diyan ka na nga!" Tinalikuran ko siya pero nahagit niya ako sa braso.

"And where do you think you're going, huh?"

"Bitawan mo ako, Alas!"

"Nah. Ayaw ko," he said and pull me closer to him.

"Ano ba, Alas! Bitawan mo nga ako!" kumakawala ako sa pagkakahawak niya.

Sobrang lapit namin sa isa't isa, 'yong tipong isang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.

"Siguro nga madami ng nagbago sayo... pero ikaw pa rin ang... señorita ko," he said huskily. Since malapit nga kamit sa isa't isa, nasasalo ko ang hininga niya, tumatama ito sa mukha ko, ang init at ang bango nito. At ngayon ko lang din napansin, nakapalupot na sa baywang ko ang mga braso niya.

Binaklas ko ang braso niya sa baywang ko. "D-doon ka na, t-tapusin ko pa utong niluluto ko... " Buti na lang talaga napatay ko 'yong kalan kanina kundi sunog ang abutin namin.

...

"HI SKYLA, masaya akong makita ka ulit," bati sa akin ni Aira. Oo nandito siya sa bahay. Pinapunta siya dito ng magaling na si Alas.

Nang-iinis ba talaga siya?

"Hello," balik-bati ko, pero hindi ko sasabihin na masaya din akong makita siya. Ayaw kong magpaka plastik.

"Lalo kang gumanda," aniya.

"Salamat. You too," aniko. Totoo naman na lalo siyang gumanda. Siguro nagpapaganda talaga siya para kay Alas, lalo pa't napapadalas ang mga pag-alis-alis nila.

Ang Alas na iyon!

Napaka landi niya talaga!

"Oh, Aira. Sabi ko naman sayo ako na lang ang pupunta sa inyo." Si Alas na kasalukuyang pababa ng hagdan.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon