Kabanata 19

467 10 0
                                    

Skyla Valderama's POV

MAY iba siyang gusto? Sino naman kaya ang masuwerteng babaeng iyon? Simula nang sinabi sa akin ito ni Alas hindi na ito naalis sa isipan ko--palagi na lang itong gumugulo sa isipan ko.

Tinanong ko siya kung sino ito pero ayaw niya namang sabihin sa akin. Kahit anong kulit at pilit ko ayaw niya pa rin.

Imposible namang si Aira dahil sa kaniya na nga mismo nanggaling na kaibigan lang ang turing niya dito.

Hindi kaya ako?

"Hi, dalagang abot sa langit ang kagandahan." Out of nowhere biglang sumulpot si Lorna, dahilan para bumalik ang isip ko sa katawang lupa ko. Nakakagulat naman ang babaeng ito.

"Lorna... Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Pinuntahan ako ng bebe mong si Alas sa bahay, ang sabi niya samahan daw kita dito para hindi ka na daw lumabas pa ng bahay. May pupuntahan lang daw siya saglit."

Lagi na lang siyang umaalis.

"Hindi ka ba busy?" tanong ko, baka kasi mamaya may ginagawa pala siya tapos itong si Alas kung makautos sa kaniya na bantayan ako akala mo boss siya nito.

"Wala naman akong gagawin. Tsaka nagbabalak rin naman talaga akong pumunta dito, nabitin kasi ako sa kuwentuhan natin kahapon."

"Sige, pero bago iyon maglalaba muna ako."

Balak ko talagang maglaba ngayon, wala na kasi akong susuotin, kaunti lang naman kasi 'yong nadala kong damit. At idadamay ko na rin 'yong damit ni Alas sa paglalaba.

"Tamang-tama nandito ka, puwede bang turuan mo ako?"

"Hindi na ako magtataka kung bakit hindi ka marunong maglaba, dahil halata naman sa itsura mo na anak mayaman ka."

Dapat ba akong ma-flattered sa sinabi niya?

"Matuturuan mo ba ako?" tanong ko pa.

"Oo naman, sisiw na sisiw lang sa akin ang paglalaba. Pero teka, alam ba ni Alas na maglalaba ka? Hindi ba siya magagalit?"

"Hindi naman siguro. Ang sabi niya lang naman sa akin na huwag akong maglinis ng bahay, iba iyon sa paglalaba. Isa pa damit ko naman ang lalabhan ko, alangan naman kasing ipalaba ko sa kaniya 'di ba?"

"Bakit naman hindi? E, magkasintahan naman kayo."

"A-ano kasi, nahihiya naman akong ipalaba sa kaniya ang mga damit na pinaghubaran ko."

"Bakit ka naman mahihiya?" kunot noong tanong niya pa.

Ang dami naman niyang tanong.

"Mabuti pa magsimula na ako sa paglalaba, para matapos ko na agad hanggat may init pa."

Pansamantala ko muna siyang iniwan para kunin ang mga labahin ko sa kuwarto. Uunahin ko muna itong labhan bago 'yong kay Alas.

"Ahm, Skyla, pasensiyan na pero mukhang hindi kita matuturuan sa paglalaba, pumunta kasi dito ang inay ko, pinapapunta ako sa palengke para magtinda. May mahalaga kasing lakad ang inay, walang magbabantay sa puwesto namin sa palengke."

"Okay lang, Lorna. Naiintindihan ko, sige na, baka hinahanap ka na."

"Ano ba iyan, nakakainis! Hindi matuloy-tuloy ang chickahan natin. Ang dami ko pa namang ikukuwento sayo."

"Marami pa namang araw, kahit bukas na bukas din ituloy natin."

"Yieee...  ang bait-bait mo talaga, hindi ka lang super ganda."

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon