Skyla Valderama's POV
KAGIGISING ko lang. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil bigla na lang nag-flashback sa isipan ko 'yong eksenang pagpapakilala sa akin ni Alas sa mga tao bilang girlfriend 'kuno' niya.
Pero bakit kaya?
Bakit niya ginanawa iyon?
Iyan ang tanong sa isipan ko kaya hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.
Oo nga pala, kasalukuyan kaming nasa hapag ni Alas, we're eating.
Sinong nagluto? Sino pa edi si Alas. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako marunong magluto. Kahit nga 'yong simpleng pagpiprito lang ng itlog hindi ko magawa ng tama, lagi na lang sunog.
Pagpunta ko dito sa kusina ay nakahain na ang pagkain.
Anong breakfast namin? Hindi na katulad ng mga unang araw ko dito na kung hindi nilagang kamote ay saging naman. Ngayon kasi matinong pagkain na, hindi naman sa sinasabi ko na hindi matinong pagkain 'yong nilagang kamote at saging, sadya hindi lang talaga ako sanay sa ganoong uri ng pagkain kaya for me hindi ito matino.
Anyway ang breakfast namin ay pandesal and scrambled eggs, meron ding fried rice. At hindi na kapeng itim ang pinapainom niya sa akin kundi gatas na. Nakakagulat nga, e. Basta isang araw paggising ko iba na ang mga pagkaing nakahain for our breakfast. Mukhang asensado at galante ang Alas n'yo this past few days.
Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng plato. 'Yon na lang din ang tanging ginagawa ko dito sa bahay—ay hindi pala, kasi bukod pala doon ay nagwawalis din ako, sa loob at labas ng bahay.
Nang matapos ako sa paghuhugas ng plato ay agad kong hinanap si Alas. Madali ko lang siyang nakita dahil dalawang lugar lang naman ang pinupuntahan niya, kung hindi sa likod bahay ay dito siya sala at ngayon ay naririto siya. Prente siyang nakaupo at nakadikuwatro pa na ani mo'y isa siyang hari, well he's like one in his position.
"Alas?" kuha ko sa atensiyon niya. As usual nagbabasa na naman siya ng diyaryo. Iyan 'yong morning routine niya, always updated sa nangyayari sa mundo. Parang hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi siya nakakapagbasa ng diyaryo.
Nag-angat siya ng tingin. "Bakit?" 'Yong hawak niyang diyaryo ay ibinaba niya sa lamesita.
Lumapit ako sa kaniya at naupo sa tabi niya, pero hindi talaga totally na katabi niya, may isang dipang espasiyo sa pagitan namin.
"M-may gusto lang sana akong itanong," pagsisimula ko.
Nakatahimik lang siya at naghintay sa sasabihin ko.
Huminga ako ng malalim. "'Yong kagabi, bakit sinabi mo sa kanila na girlfriend mo ako?"
"Ah, iyon ba. Sinabi ko lang iyon para walang lalaking mangulit sayo," bored na sabi niya.
"Ha?"
He sighed. "Para walang lumapit sayo."
"Pero bakit?" naguguluhan kong tanong.
"Dahil iyon ang trabaho ko."
"P-pero ano namang connect no'n sa pagpapakilala mo sa akin as girlfriend mo?"
He sighed again. "Kung hindi ko ginawa iyon panigurado may mga lalaking makipagkilala sayo... at imposible namang wala, sa gandang mo iyan? Kung nagkataon edi namroblema at nahirapan pa ako."
'Sa ganda mong iyan.' Sa mga sinabi niya Iyan lang ang tanging tumatak sa isipan ko.
I felt my cheeks burn.
Tumayo siya pagkakaupo niya. "Magbihis ka, aalis tayo."
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa palengke," sagot niya.
"Talaga?" I feel excited. Ngayon pa lang kasi ako makakapunta ng palengke. May idea na ako kung anong klaseng lugar ito, madumi at maputik dito. Halo-halo din ang mga amoy dito, may malangsa at kung ano-ano pang klaseng amoy. At wala akong pakialam. Lagi na lang akong nandito sa bahay, gusto ko namang makalabas at makagala-gala.
*
"SASAKAY tayo diyan?" tukoy ko sa tricycle. It's my first time too to ride on it. And as usual, I feel excited pa rin. Dagdag na naman ito sa mga bagong experience ko in life.
"Uh-hmn. Bakit ayaw mo?"
Umiling ako. "Gusto ko."
At iyon nga, sumakay kami sa tricycle. Ako doon sa loob at si Alas naman sa likod ni manong driver. Hindi kasi kami kasiyang dalawa sa loob. Ang higante niya ba naman kasi, e.
Habang sakay ng tricycle ay pakiramdam ko naalog ang utak ko at nalamog ang puwet ko. Maalog kasi, siguro dahil sa mabato ang daan.
Almost ten minutes din ang biniyahe namin. At pagbaba ko sa tricycle muntik na akong matumba, nahilo ako. Buti na lang nasa tabi ko na si Alas kaya agad niya akong naalalayan.
"Ayos ka lang?" His voice is very soft."O-oum. Nahilo lang ako sa biyahe."
"Mabuti pa maupo muna tayo. Pahupain muna natin iyang hilo mo." Iginaya niya ako sa isang kainan yata ito kung hindi ako nagkakamali, may mga tao kasing kumain dito. Humila siya ng isang plastic chair at pinaupo niya ako dito.
"Manang, may tubig po kayo?" tanong ni Alas sa tindera.
"Meron hijo. Sandali at ikukuha kita," wika ng tindera.
"Dapat pala hindi na kita isinama," aniya.
Napanguso ako. "Sorry naman, 'yong tricycle kasi ang alo-alog, iyan tuloy nahilo ako."
Marahan siyang natawa. "Sinisi mo pa talaga 'yong tricycle."
"'Yong daan pala 'yong may kasalanan, ang lubak-lubak kasi, e."
Ipinatong niya ang kanang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko. "Anong susunod mong sisisihin, hmn? Si kapitan dahil hindi niya mapagawa ang kalsada?"
"Actually you have a point, dapat siya talaga 'yong sisihi—"
"You such a silly girl," natatawang sabi niya. "Ganito talaga sa probinsiya kaya masanay ka na, mahal na señorita."
Nang mawala na ang hilo ko ay tumuloy na kami sa palengke.
Nakakatuwa 'yong mga tao–'yong mga vendors, very friendly sila at mababait. Alam n'yo ba sobrang laking discount ang ibinibigay nila sa amin, nakakatuwa, lalo na kapag babae ang nagtitinda. Ang guwapo naman kasi ni Alas, e. Kaya hindi sila makahindi kapag tumatawad na siya. Pero hindi lang si Alas ang may ambag, kasi ako din. Kapag naman lalaki ang nagtitinda ginagamitan ko ito ng charm ko. Effective naman at kulang na lang hindi na kami pagbayarin, kaso hindi naman iyon puwede dahil kailangan nila 'yong pera, kaya nga sila nagtitinda, e.
Kaso itong si Alas, lakas ng tama, kasi biruin n'yo naman, binigyan na nga ako ng discount pero ang binayad niya pa rin ay 'yong tama nitong halaga, minsan ay kumi-keep the change pa siyang nalalaman.
I noticed. Iritado na naman po ang Alas n'yo. Ano na naman kayang problema niya? Pansin ko rin na kanina pa siya nakasimangot.
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...