Kabanata 21

487 7 8
                                    

Alas Deogracia's POV

"NABILI mo ba lahat ng pinapabili ko?" tanong ko kay Rico.

Inutusan ko kasi siyang bumili ng kutson para kay Skyla, tsaka electric fan, para lalong maging kumportable ang tulog niya.

Meron ding TV, para naman may paglibangan na si Skyla nang hindi kung ano-ano ang naiisipang niyang gawin.

Nagpabili din pala ako ng refrigerator, para sa supplies at para hindi ko na kailangan pang pumunta palagi ng palengke.

"Nasa labas na lahat, pre."

"Salamat, pre. Ako na lang ang magpapasok," wika ko.

"Walang anuman, pre, basta ikaw."

"Teka, 'yong pinabili ko kay Lorna?"

Kay Lorna ko kasi pinabli 'yong mga damit ni Skyla. Pinasama ko siya kay Rico. Ayaw ko kasing si Rico ang bumili, lalo na ng mga damit panloob ni Skyla. Mamaya baka pagpantasiyahan niya pa si Skyla. Kabisadong-kabisado ko na ang karakas ng lokong iyon.

"Pinapasok ko na dito sa sala, baka kasi madumihan pa," aniya.

Hindi na ako nagpabili pa ng damit dahil may damit pa naman ako.

"Oo nga pala, pre. Ito 'yong susi ng kotse mo," ani ni Rico at inaabot sa akin ang susi.

"Sayo na muna, baka gagamitan mo."

"Woah! Talaga, pre? Puwede kong gamitin?

"Yea. Kaysa naman nakatambak lang do'n sa inyo, mabuti ng mapakinabangan."

"Salamat, pre. Tamang-tama may date ako ngayon."

Napailing na lang ako. Babaero talaga amputa.

"Pre, nagtataka lang ako. Bakit hindi mo na lang dito sa labas ng bahay mo iparada 'yong kotse mo? E, kung tutuusin mas malawak pa nga dito kaysa sa amin."

"Hindi kasi puwedeng malaman ni Skyla na may kotse ako."

Bumakas ang pagkalito sa mukha nito.

Shit! Kailangan ko pang magpaliwanag sa loko.

"Gusto niya kasi ng simpleng bakasiyon lang.  Gusto niya daw maranasan ang buhay probinsiya, 'yong walang involved na kahit na anong materyal na bagay," sabi ko na lang para hindi na siya magtanong pa.

"Nagbabakasiyon lang pala kayo, akala ko tinanan mo na, pre."

"Loko hindi, edi pina-ambush ako ng daddy niya--ni Sir Evan."

Nanlalaki ang mga mata niya. "Anak ni Sir Evan si Skyla?" Gulat na gulat siya. Nakakatawa ang reaksiyon ng loko.

"Yea, she is," sagot ko.

"Pre, naman. Bakit ngayon mo lang sinabi? Edi sana manlang napaghandaan namin--nakapag daos manlang sana kami ng selebrasiyon ng pagtanggap para sa unica hija ni Sir Evan."

Hindi ko pala nasabi sa inyo na kilalang-kilala ang daddy ni Skyla dito. Ito lang naman kasi ang may-ari ng ang lupain na ito–ang buong baryong ito, maging ang ilang karatig na baryo. Halos one-eight ata nitong probinsiya ay pag-aari ng mga Valderama.

At sa sobrang bait ni Sir Evan, libre niyang pinatira ang mga tao dito, kaya naman lubos itong ginagalang ng lahat ng mga taga dito.

"Nawala na sa utak ko," ani ko.

"Nawala sa utak mo kasi napasarap ka na sa kandungan ni Skyla," tudyo niya sa akin.

Kung alam mo lang, sakit ng ulo ang ibinibigay sa akin ng babaeng iyon.

"Pre. Hindi pa naman huli. Mabuti siguro ipaalam ko kay kapitan na anak pala ni Sir Evan ang nobya mo para nam—"

"Hindi na, pre. Gusto namin ng tahimik na bakasyon."

"Sige, kung iyang ang gusto mo, pre."

"Tsaka, hindi siya aware na pag-aari nila ito. Ayaw ko namang pangunahan si Sir Evan," ani ko pa.

"May tanong lang ako, pre—"

"Puwede ba, Rico. Umuw ka na nga, napaka dami mong tanong, bukod sa nakakaistorbo ka ay ang ingay-ingay mo, baka magising si Skyla!"

He laughed. "Hindi mo sinabi agad. Heto uuwi na. Hahaha!"

Pagkaalis ni Rico saka ko pinasok ang mga pinabili ko. Inayos ko na rin ang mga ito, pati na rin 'yong mga damit ni Skyla na pinabili ko.

Alas-dos na ng hapon, ang haba na nang tulog ni Skyla. Ni hindi na siya nakapag tanghalian.

"Hey, baby, wake up." Ginising ko na siya. Teka, what did I call to her?---Baby? Oh, fuck!

I clread my throat. Nagkamali lang ako. Yea, Oo.

Oh, come on, Alas. You've called her baby so many times ngayon ka pa talaga nagmaang-maangan?

"Skyla, gising na." Mahina ko siyang tinapik sa pisngi.

Tulog mantika.

"Hmmmn..." tanging pag-ungol lang ang sinagot niya.

"Gising na..."

Dahan-dahang dumilat ang mga mata niya at napako ito sa akin. "N-nakatulog pala ako."

"Yea. At kung hindi kita ginising ay baka magtuloy-tuloy ka na hanggang gabi."

"Mukhang napasarap ang tulog ko."

"Bumangon ka na riyan, tapos sumunod ka sa kusina, iinitin ko lang ang pagkain mo."

"Sige."

"Binili kita ng bagong damit, magpalit ka," aniko at tuluyan na akong lumabas ng kuwarto niya.

...

Skyla Valderama's POV

HINDI siya galit sa akin... buti naman. Sobra 'yong takot ko kanina. Takot na baka masigawan at masinghalan niya naman ako gaya no'ng muntik ko ng masunog itong bahay.

Naging hysterical ako, hindi ko na alam kung anong tumakbo sa isipan ko kaya kung ano-anong kabaliwan ang nagawa ko.

Isa-isang nanumbalik sa isipan ko ang mga ginawa ko.

Really, Skyla? Tama bang kumarga ka ng para isang bata kay Alas?

Thank God at nakatulog ako kung hindi baka wala na akong mukhang iniharap kay Alas.

Kanina nang paggising ko nang nagkausap kami, pinilit ko lang na umarte ng normal, pero ang totoo ay gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa. Buti na lang naitawid ko ang 'kunwari walang maalala act ko'.

Anyway, here I am changing clothes. Ang dami ng damit na binili ni Alas, pero bakit puro jogging pants? At 'yong T-shirt bakit sobrang laki? Size niya na ata ito, e!

Teka, 'yong underwear... how did he know my size?–Hayyy... bahala na nga!

Nang makapagbihis na ako lumabas na rin ako at tumungo sa kusina.

Hindi lang damit ko ang binili niya. Binili niya rin siguro 'yong electric fan sa kuwarto ko at may mattress rin. Yehey! Mas magiging komportable na ako sa pagtulog. Hindi na sasakit ang likod ko.

Sa sala nadaan ko ang TV. Dito naman sa kusina may refrigerator na. Sa lahat ng binili niya 'yong pinaka nagustuhan ko 'yong ref. Yehey! Magkakapag-stock na kami ng ice cream. Any time makakakain na ako nito.

"Ano pang tinatayo mo diyan? Maupo ka na dito at kumain," ani ni Alas na hindi manlang ako tinatapunan ng tingin. Abala kasi siya sa pag-iinit ng pagkain.

Nagtungo ako sa mesa at naupo rito. "Ikaw ba kumain na?" tanong ko.

"Hindi pa. Gusto ko kasabay kita"

Simple lang naman 'yong sinabi niya pero labis ang epekto nito sa puso ko.

"S-sige, sabay na tayo," nakalabing sabi ko.

"Dapat diguro magbawas ka na sa pagkain. Oo nga't hindi ka tumataba pero..." he slightly laughed, "... ang bigat mo naman."

Kainis! Ipaalala daw ba. Hmp!

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon