Skyla Valderama's POV
IMINULAT ko ang aking mga mata. Hmmmn... ang sarap ng tulog ko kagabi, grabe!
Bakit parang may mabigat na nakadantay sa mga hita ko at may kung anong nakayakap sa bewang ko?
Napangiti ako. Oo nga pala, magkatabi kaming natulog ni Alas kagabi.
Alam kong nakakahiya 'yong pagyaya ko sa kaniyang matulog dito, pero kasi nadala lang ako ng sobrang takot.
Bumaling ako ng tingin sa gawing kanan ko kung saan bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Alas na tulog na tulog pa rin.
Inangat ko ang kanan kong kamay at inilapit ito sa mukha niya para haplusin ito.
"Nasabi ko na ba sayo na ang guwapo mo, hmn?" Pinaglakbay ko sa bridge ng ilong niya ang hintuturo ko. At halos takasan ako ng dugo sa katawan nang magmulat siya ng mga mata.
"Hindi pa, ngayon pa lang..." nakangising sabi niya.
Hala, nakakahiya!
Baka isipin niya pinagpapantasiyan ko siya.
Nagbabalak na sana akong bumangon pero hindi ko magawa dahil sa higpit ng yakap niya sa bewang ko, plus 'yong binti niya pang nakadantay sa akin.
"Saan ka pupunta, hmn?"
"A-alas, let me go..." Nagpupumiglas ako sa pagkakayap niya.
"Parang kagabi lang parang kang tarsier kung makayap," natatawang sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Excuse me? Anong tarsier ka diyan? Ginawa mo pa talaga akong unggoy."
He chuckled. "Hindi ko naman sinabing mukha kang unggoy, ang sabi ko lang parang dahil sa higpit na yakap mo sa akin kagabi, nagpaghahalataan ka tuloy na patay na patay sa akin," he said then he laughed.
Pinamulahan ako. Kailangan niya ba talagang ipaalala? Kahit ako din mismo hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng kapal ng mukha kagabi.
Teka, what did he said?
"Ang kapal naman ng mukha mo, Mr. Alas! Anong patay na patay sayo ang sinasabi mo diyan?" dipensa ko.
"Aminin mo na lang kasi na may crush ka sa akin..." tudyo niya sa akin.
"H-hindi kaya! H-hindi kita c-crush!" Tinulak ko siya at nagmadali akong lumabas ng kuwarto.
Rinig na rinig ko ang paghagalpak niya ng tawa.
Kainis!
Nakakainis siya!
Nagtungo ako sa banyo at naghilamos ng tubig sa mukha. "Alam niya na kaya na may gusto ako sa kaniya? Masiyado ba akong halata?
...
"SKYLA aalis lang ako saglit, may kailangan lang akong asikasuhin."
"Na naman? Saan ka na naman pupunta? Hindi ba puwedeng isama mo na lang ako?" malungkot kong sabi.
"Skyla, hindi puwede. Trabaho ang pupuntahan ko hindi ako maggagala."
"Trabaho? Anong trabaho naman iyon?"
"Hindi mo maiintindihan kahit ipaliwanag ko, masiyadong kumplikado."
"Ano ba kasi iyon?—Haist! Hindi bale na nga lang. Magtatagal ka ba doon?" tanong ko.
"Saglit lang ako, para namang kaya kitang iwan ng matagal."
Napakagat ako sa pang ibabang labi ko para pigilan ang mapangiti. "Mag-iingat ka, ha? Umuwi kaagad once na matapos ka sa kung anumang trabaho iyang gagawin mo. Tapos ibili mo ako ng pizza pag-uwi mo."
Bahagya siyang natawa. "Iyan lang? Pizza lang wala ng iba pa?"
"Hmmmn..." nag-isip ako. "Gusto ko rin pala ng milk tea, tagal ko na ring hindi nakainom no'n, e.
"Okay, noted, miss."
Nasa gitna kami ng pag-uusap ni Alas ng may kumatok sa pinto.
"Tok, tok!"
"May inaasahan ka bang bisita, Alas?" tanong ko.
"Si Aira na siguro iyan," sagot niya.
"Aira? Bakit?–Bakit siya nandito?"
"Nakiusap kasi ako sa kaniya na bantayan ka."
"Ano?" Napalakas ang boses ko.
OA lang Skyla?
"Para bantayan ka. Baka kasi may maisip ka na namang gawin, at baka this time hindi lang maliit na sugat ang makuha mo. Mabuti ng sigurado, para naman kahit hindi kita kasama ay panatag ang loob ko."
Nagpapatawa ba siya? Ipapabantay niya ako sa babaeng iyon?
Hindi naman sa ayaw ko kay Aira, para kasing ang ackward lang ng dating. Hindi ko siya kayang makasama, pakiramdam ko kasi karibal ko siya kay Alas. Halata naman kasing may gusto siya kay Alas.
"Alas, hindi naman na kailanga—"
"Kailangan, Skyla," putol niya sa sasabihin ko.
"Kung ganoon kay Lorna mo na lang ako ipabantay," ani ko.
"Isa pa iyan, e. Hindi ko pa siya nakakausap at nasisita. Inutusan ko siyang bantayan ka pero anong ginawa niya? Iniwan ka niya, iyan tuloy nasugat ka pa sa paglalaba.
Gusto kong humagalpak ng tawa. 'Yong Alas n'yo hindi pa rin nakaka-move on, magaling na nga ang sugat ko't lahat-lahat.
"Nagkaroon kasi ng emergency si Lorna nang time na iyan.
"Kahit ano pa ang dahilan niya hindi ka pa rin niya dapat iniwan," mapait na sabi niya.
"Oo na, si Aira na. Wala naman na akong magawa, e."
"Aira is a very nice, for sure magkakasundo kayo."
Sana lang.
Mukha naman talagang mabait si Aira, pero hindi naman puwede na dumipende lang tayo sa panlabas na anyo na ng isang tao. Minsan ang kagandahan ng panlabas na anyo ay kabaliktaran ng ugali. Lahat ng tao ay may tinagagong kulo.
"Aira, paki bantayan ng maayos iyang si Skyla, baka mamaya kung ano na naman ang gawin niyan." Bilin ni Alas kay Aira. "Kapag nagpasaway i-text mo ako para wala siyang pasalubong sa akin," aniya pa.
"Alas naman, tinatrato mo naman akong bata, e!" maktol ko.
"Cause you are like one, Skyla" aniya at bahagya pang pinisil ang ilong ko.
Napasimangot ako. Habang si Aira naman ay bahagyang natawa.
"Huwag ka mag-alala, Alas. Aalagaan ko ang prinsesa mo."
"Dapat lang kasi kung hindi wala ka ring pasalubong sa akin."
"Alas, alam mo namang maasahan mo ako palagi."
Nginitian siya ni Alas. "Ano nga ulit 'yong gusto mo?"
"Alam mo na iyon."
"Ah, oo nga pala, your favorite chocolate."
"Naging porito ko iyon dahil sayo. Lagi mo kasi akong inuuwian no'n sa tuwing uuwi ka dito sa probinsiya."
Kailangan niya ba talagang ipamukha sa akin na alam ni Alas ang favorite food niya?
"Alas, huwag mo din kakalimutan 'yong sa akin, ha?" paalala ko sa kaniya.
"Of course, naka-stuck na dito iyan." Itinuturo ang sentido niya.
"Dapat lang, kasi sa oras na malimutan mo ang pinapabili ko, hindi ka makakauwi dito," nagsungit-sungitan ako.
He laughed lightly. "Noted, my señorita."
Hmn, my señorita? I like it. It's more good than mahal na señorita, pero mas better kung 'mahal kong señorita'.
Landi, Skyla?
"Sige na, aalis na ako. Pakabait ka, hmn?" aniya, at naestatwa ako sunod niyang ginawa... hinalikan niya ako sa noo.
"I-ikaw naman, mag-ingat ka," utal na sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...