Kabanata 32

459 8 0
                                    

Skyla Valderama's POV

BABAENG ahas, ganiyan pala talaga ang totoong anyo ng Aira na iyon! Bait-baitan lang talaga siya. Nagulat ako sa pagtuklaw niya. Pang-famas ang galing niya sa pag-arte.

"Ano bang pumasok sa isipan mo Skyla at ginawa mo iyon?" Sermon sa akin ni Alas.

"Alas, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko ginawa iyon!" I defended myself.

"Then sino ang gagawa?–Si Aira? Ano bubuhusan niya ang sarili niya?"

"Oo! Iyon ang ginawa niya!"

"Iyan ka na naman, isinisi mo na naman sa iba ang kasalanan mo!"

"Talaga bang pinaniniwalaan mo ang Aira na iyon kaysa sa akin?"

"Matagal ko ng kakilala si Aira. Napaka bait niyang tao."

"So, mas pinaniniwalaan mo nga siya?"

"Hindi naman sa ganoon, Skyla."

"Anong hindi sa ganoon? E, iyon na nga 'yong ginagawa mo, e!"

Napahilamos siya sa kaniyang mukha. Nauubusan na ng pasensiya, iyan ang nakikita ko sa kaniya ngayon.

"Inaakusahan mo agad ako, ni hindi mo pa nga inaalam ang side ko, e!" Nagbabadya na ang luha sa aking mga mata.

"Hindi ko na kailangang alamin dahil kitang-kita na naman kung anong ginawa mo!"

"You know what, wala ng patutungahan ang pag-uusap natin! Kasi you already accused me. Magsama kayo ng Aira mo! Parehong kayong makitid ang utak! Tinalikuran ko siya at padabog na nagmartsa papasok sa kuwarto.

"Skyla?" Buo ang boses na tawag niya sa akin. "Mag-usap tayo! Huwag mo akong talikuran!"

Hindi ko siya pinansin at pabalibag na isinara ang pinto. Ni-lock ko ito. Hinatak ko rin ang papag para iharang dito. Knowing him, kaya niyang bukasan ang pinto kahit naka-lock kaya uunahan ko na siya.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag. At 'yong kaninang luhang pinipigil ay tuluyan ng tumulo.

"Skyla, buksan mo itong pinto!"

"A-ayaw ko! Iwan mo ako! Ayaw kitang makita!" sigaw ko

"Are you crying?"

"Anong namang pakialam mo, ha?"

"Buksan mo itong pinto, mag-usap tayo, Skyla!"

Tinakpan ko ang mga tenga ko para hindi ko siya marinig.

Pagkatapos niyang iparamdam sa akin na ako ang may kasalanan at mali. Bakit kulang pa ba? Ano pang gusto niya, mag-sorry pa ako?–Tsk!

Baka kapag nakita ko lang ang Aira na iyon, hindi ako makapagpigil at totohanin ko 'yong paratang niya.

Hindi lang isang tasa ang ibubuhos sa kaniya kundi isang balde para matunaw 'yong kaartehan niya sa katawan!

...

Alas Deogracia's POV

HINDI ko na talaga alam ang gagawin ko kay Skyla. Siya pa itong may ganang magalit samantalang siya na nga itong nakagawa ng mali.

Ilang beses ko ng sinubukan na kausapin niya pero ayaw niya akong pagbuksan ng pinto.

Hindi ko alam kung anong ginawa niya. Nakawit ko na 'yong lock ng pinto pero hindi ko pa rin ito mabuksan.

Para na akong masisiraan ng ulo sa kakaisip sa kaniya.

Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang pag-iyak niya.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon