Skyla Valderama's POV
"NAG-BREAKFAST ka na ba?" tanong ko kay Aira. Nakaupo kami dito sa sala. Gusto ko sanang magkulong na lang sa kuwarto, pero ayaw ko namang isipin niya na suplada at maarte ako. Tsaka there's a part of me na gusto pa siyang makilala ng lubusan. I just realized kasi na hindi dapat ako mainis sa kaniya.
"Oum, bago ako pumunta dito."
"O-okay."
Sandali kaming nabalot ng katahimikan pero hindi nagtagal ay nabasag din ito nang magsalita si Aira.
"Gaano na ba kayo katagal ni Alas?" bigla niyang tanong.
Sasagutin ko ba siya?
Anong isasagot ko? 'Yong totoo ba?--Na almost two months pa lang? No, hindi! Baka isipin niya na bago pa lang kami kaya may chance pa magkahiwaly kami.
"T-three years na," pagsisinungaling ko.
"Ang tagal n'yo na pala," aniya. Bakas sa tinig niya ang lungkot.
"Paano naman kayo nagkakilala?" tanong niya ulit.
Napangiti ako nang mag-flashback sa isipan ko ang first encounter namin. Sinusungitan niya pa ako no'n, e. Tapos ako tinatarayan ko siya. Pero tignan n'yo naman kami ngayon, ang lapit na ng loob sa isa't isa.
At hindi lang iyon, kasi heto ako... nahulog na ang loob sa kaniya.
E, siya kaya? Do we feel the same way?
"So, paano nga, Skyla?" Salita ulit ni Aira na nagpabalik sa utak kong naglalakbay."Aham. Nagkilala kami sa..."
Ano na? Anong isasagot ko?
"... ahm... we met in bar—oo sa bar nga," imbento ko.
"Nagpupunta ka pala sa ganiyang uri ng lugar."
Alam ko kung anong gusto niyang iparating, iniiisip niya siguro na liberated akong tipo ng babae. Never pa kaya akong nakapasok ng bar.
"Hindi naman, napilitan lang akong magpunta no'ng time na iyan, birthday kasi ng friend ko. At buti na lang din nagpunta ako, kung hindi edi wala akong Alas ngayon--hindi sana kami nagkakilala."
Nginingitian niya ako pero hindi ito umaabot sa mga mata niya.
"Ala mo ba, nakakatawa nga 'yong first encounter namin e. Biruin mo ba naman kasi, sinusungitan niya ako. Kaya ayon tinatarayan ko siya. Akala niya siguro madadala niya ako sa mga pagsusungit niya. Hate na hate kaya namin ang isa't isa noong una, but now hindi na," masayang kuwento ko.
"Ganoon ba, congrats sa inyo at sana magtagal pa kayo." Ramdam ko ang pait sa tinig niya.
"Salamat," aniko.
Muli kaming nabalot ng katahimikan at this time ako na ang bumasag nito.
"Nasabi sa akin ni Alas na magkaibigan na kayo bata pa lang. Puwede bang kuwentuhan mo ako tungkol sa kaniya?"
"Ah... O-oo naman," aniya.
Ako lang ba o talagang mukhang napipilitan lang siya?
"Pero kaunti lang ang maibibigay ko sayo, hindi ko na rin siya ganoong nakasasama dahil minsan lang naman siya umuwi dito sa probinsiya."
"Paanong minsan lang umuwi dito?" nagtataka kong tanong.
"Sobrang busy niya kasi sa trabaho."
"Ah, oo nga pala," sang-ayon ko na lang. Ayaw ko namang mapaghalataan na wala akong kaalam-alam kay Alas.
BINABASA MO ANG
The Señiorita's Babysitter ✔
RomanceSkyla Valderama, born with a gold spoon in her mouth. Everything is in her, wealth and luxury life. But all of the sudden her life changed. In just one snap, she lost everything since her father became addicted in gambling. They were buried in deb...