Kabanata 43

465 6 0
                                    

Alas Deogracia's POV

KASALUKUYAN ako ngayong nag-aabang sa labas ng emergency room nang dumating si Sir Evan, ang ama ni Skyla.

"How's my daughter?" nag-aalala niyang tanong.

"Sir, hindi ko pa alam. Hanggang ngayon nasa loob pa rin siya ng ER," sagot ko.

"Ano bang nangyari, Alas? You said iuuwi mo siya ng ligtas? Nangako ka sa akin! But what happened?!"

"I'm really sorry, Sir. Masiyadong naging mablis ang mga pangyayari. Bigla na lang humarang si Skyla—sinalo niya 'yong balang para sa akin..."

He sighed then he patted my shoulder. "Pasensiya na, Alas. Hindi kita gustong sisihin, nadala lang ako sa labis na pag-aalala kay Skyla."

"No, Sir. It's really my fault. Hindi ko nagawa ng maayos ang trabaho ko."

"Nagawa mo, Alas. Believe me, nagawa mo ng buong husay ang trabaho mo."

"Paanong nagawa ko? Look, your daughter—nanganganib ngayon ang buhay niya dahil sa kapabayaan ko!"

Napahinto kami sa pag-uusap ni Sir Evan ng biglang bumukas ang pinto ng emergency room at iniluwa nito ang doctor na tumingin kay Skyla.

Kinausap niya kami, ipinaliwanag nito sa amin ang kalagayan ni Skyla.

Nakahinga ako ng maluwag nang malaman na wala namang malalang nangyari kay Skyla. Wala namang organ na nadamay dulot ng pagkakabarili sa kaniya.

Sa ngayon unconscious pa siya, pero anumang oras puwede na siyang magising. Kailangan niya lang magpahinga at bawiin ang lakas niya.

Thanks to you, God. Nilayo niya sa kapahamakan ang babaeng mahal ko.

Gusto ko na siyang makita pero si Sir Evan still want to talk to me. Nandito kami ngayon sa roof top ng hospital.

Si Skyla, pinabantayan ko siya kay Evrix. Wala kasi akong tiwala sa mga pulis pagdating sa seguridad niya. Gusto kong makasiguro na walang mangyayaring masama sa kaniya.

"Alas, una sa lahat gusto kitang pasalamatan." Pagsisimula ni Sir Evan.

"Sir, it's my pleasure to help you in any thing I can. Malaki ang utang loob ko sayo, kaya kahit na anong hingin at iutos mo sa akin gagawin ko.

"Hindi lang 'yong tungkol kay Skyla ang ipinagpapasalamat ko kundi maging sa ginawa mong patulog sa akin ng pailalim."

"What do you mean, Sir?"

"Akala mo ba hindi ko alam na isa kang agent? Wala kang maitatago sa akin, Alas. Halos ako na kaya ang nagpalaki sayo."

Kilalang-kilala niya na talaga ako.

"I'm proud of you, Alas. Ang layo na ng narating mo," aniya.

"And it's all because of you, Sir. Hindi ko mararating kung nasaan ako ngayon kung hindi dahil sayo at sa tulong mo."

Ginulo niya ang buhok ko. I miss it. No'ng bata kasi ako lagi niyang ginagawa ito sa akin.

"No, Alas. Narating mo iyan dahil nagsipag at nagtiyaga ka. Naging instrumento lang ako, pero lahat nang nakamit mo–kung bakit matagumpay ka sa buhay ngayon... ikaw ang may gawa."

Anuman ang sabihin niya, malaki pa rin ang naitutulong niya sa akin. At ngayon patay na si Don Romulo, at 'yong iba niya namang pinagkakautangan ay naipakulong na ni Evrix. Wala ng manggugulo pa sa kanila.

Actually, natuklasan ko na hindi naman talaga pinagkakautangan ni Sir Evan ang mga taong iyon. Inisahan lang nila ito, dinaya kumbaga. Dahil sa takot nito para sa kaligtsan ng anak niya, nagpa-blackmail siya.

"Anyway, wala ka bang gusto sabihin sa akin, Alas?" tanong niya sa akin. "Ayon kasi sa mga taong inutusan ko na tumingin-tingin sa inyo, nagiging sobrang close daw kayo ng anak ko. Totoo ba iyon?"

Patay! Kaya pala minsan nararamdaman kong parang may nagmamasid sa amin. Mga tao niya pala iyon.

Napalunok ako. "Sir, let me explai—"

"Mahal mo ba ang anak ko?" Biglang tanong niya na nagpatigil sa akin sa pagsasalita.

"Sir..." Mabuti siguro na sabihin ko sa kaniya ang totoo. Wala rin naman kahit masinungaling ako. Malalaman niya rin–mahahalata niya. "Yes I do... I love your daughter, Sir... " buong tapang kong sabi.

"Nakikita kong mahal ka rin ni Skyla..." aniya.

Yea, we love each other, pero ano pang silbi nito kung ipapakasal mo naman siya sa iba?

'Ang gago mo, Alas! Bakit hindi mo siya ipaglaban? Kung talagang mahal mo siya, fight for her!' My thought said.

Para akong sinapak ng isang daang katao nang marealized kong tama ang sinasabi ng kabilang bahagi ng utak ko--para akong nagising sa katotohanan.

'Damn! Kailan ka pa naging duwag, Alas? Walang ka pang laban na inaatrasan buong buhay mo! Tapos siya lang—'yong babaeng mahal mo, hindi mgawang ipaglaban? Anong klaseng lalaki ka?' I said to myself.

'Fight for her at kapag nanalo ka... sayo na siya.' My thought again.

Yea, dapat ngang ipaglaban ko siya.

"Sir, mahal namin ni Skyla ang isa't isa. Ayaw kong suwayin kayo pero—"

"Marry her..." aniya na nagpalaki sa aking mga mata dahil sa sobrang gulat at pagkabigla.

"Ikaw ang tinutukoy ko—ikaw 'yong lalaking ipapakasal ko sa anak ko," aniya pa.

Ako?

Ako 'yong tinutukoy niya?

'Yong ipapakasal niya sa anak niya?

Oh, damn!

Hindi ko na napigilan, niyakap ko siya. "Sir, thank you..." Damn! Nakabakla man pero naiiyak ako.

"Sayo lang ako may tiwala, Alas. Hindi ako makakapayag na kung kani-kanino at sa kung sino lang mapunta ang anak ko."

"Makakaasa po kayong, alaagan ko siyang mabuti. Hindi ko siya sasaktan, paiiyakin at pababayaan. Mamahalin ko siya ng higit sa buhay ko, Sir."

"Pero may tanong lang ako, Alas."

"Ano ho iyon?"

"Mahal mo si Skyla, 'di ba?"

"Sir, mahal na mahal, sobra."

"Lahat ba gagawin para mo para sa kaniya?

"I will, Sir. Anything."

"Kung ganoon Kaya mo bang bitawan ang trabaho mo para sa kaniya?"

Parang tumigil ang mundo ko matapos marinig ang sinabi niya–ang hinihingi niya.

"Sir, what do you mean? Bitawan ko ang pagiging agent ko–pati 'yong pagiging sundalo ko?"

"Gusto ko ng tahimik, ligtas at masayang buhay para sa anak ko. At hindi mo maibibigay iyon sa kaniya kung nasa ganiyang uri ka ng trabaho."

Mahal ko si Skyla, pero mahal ko rin ang trabaho ko.

"Kung tunay ngang mahal mo ang anak ko, you will choose her."

"Sir, hindi mo ako kailangan papiliin, cause I will always choose your daughter." Oo, mahal ko ang trabaho ko, pero mas mahal ko si Skyla. Walang puwedeng ipangtapat sa kaniya. Mawala na sa akin ang lahat, huwag lang siya.

"Glad to know. Ngayon panatag na akong may mag-aalaga sa anak ko sa oras na mawala ako."

"Sir, matagal pa iyan."

"Oo naman, malakas pa yata ako sa kalabaw, pero gusto ko lang maging maayos ang future ni Skyla."

Your daughter is my future, Sir.

The Señiorita's Babysitter ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon